Thursday 3 April 2008

Whattanem 2

Walang kadala-dala at eto na naman ang pagbabalik ng Whttanem. Hindi na ito mga billboards, sa mga dyaryo ko na ito nakuha. Hindi ko lang alam kung sino ang nagpro-proof-read ng mga dyaryo nila dito, or kung anong paliwanag meron ang editor-in-chief kung bakit ganito ang naimprenta sa dyaryo. Hindi ko na papangalanan ang dyaryo at baka ako ay maikulong. Take note, nakakulong pa rin ang isang blogger dito sa Saudi – Saudi Blogger ‘yon ha. Sa classified ads section nga pala ng dyaryo ‘to.

Exhibit A
Dental Clinic siguro ‘to.







Exhibit B
Abult Bronchial Asthma Course? Pinilit kong saliksikin ang salitang “ABULT”, kasi nga baka naman medical term ‘to, o isang uri ng Bronchial Asthma pero wala akong nakita. Adult siguro to.


Exhibit C
Interational Removal. Hindi lang maliwanag sa aking kung anong serbisyo ang ino-offer nito. Tunkol kaya ito sa paglilipat o para sa mga naguguluhan sa pag-iisip at gusto muling magbalik sa tamang pag-iisip – rational thinking ba. Para bang removal of irrational thoughts.


Exhibit D
xxxxxxxxx@hotmal.com. Sana naman makarating ang mga e-mail sa address na ‘to.

Sabi ko nga sa bosing ko noong pinatawag ako tungkol doon sa naunang Whattanem!!! entry ko, “wala akong ibang intensyon, malibang maitama ang mali”.

No comments: