Monday 30 June 2008

Bisi

Medyo ilang araw na rin akong walang post, at ilang araw na ring absent sa klase.
Ilang araw na akong nawawala sa balintataw na mundo ng blog. 'Di ko lang alam kung meron bang naghahanap sa akin.

Ganoonpaman, gusto ko lang pong linawin na HINDI PO KASAMA ANG MANGYAN SA LUMUBOG NA MV PRINCESS OF THE STAR.

At nabanggit na rin naman ang lumubog na MV Princess of the Star, ako po ay lubos na nakikiramay sa lahat ng mga naulila ng lumubog na barko. Kasama po kayo sa aking mga panalangin.

Nawawala po ang mangyan dahil sa dami ng trabaho at dami ng mga hinahabol na submittals, documentations, at kung ano-ano pa. Kaya eto, bisi..

Some Jollibee update:
Sa wakas ay nakapasok na rin ako sa loob ng Jollibee Jeddah. Nakapasok lang, hindi pa naka-kain. Medyo maliit lang ang lugar, at talaga namang sandamukal ang tao at pagkahaba-haba ng pila.















Hindi ito pila ng NFA rice o ng lotto, pila ito ng mga kabayang gusto muling makaniigang dila ang Masayang Manok ni Jabee.















Hanggang sa loob, eh siksikan... ilang linggo na ring bukas 'tong Jollibee, pero hindi pa rin magmaliw ang kasabikan ng ating mga kabayan.

















Meron na ring spaghetti at palabok!!!















At syempre mawawala ba naman ang Beef Burger with TLC??

Sa sunod nalang 'yong iba...

Monday 23 June 2008

The Platform Fine Dining

Eto ang Platform Fine Dining, dito ko lang 'to nakita sa Saudi Arabia, ewan ko lang sa iba pang mga Arab Countries.

Kung tayong mga Pinoy eh sarap na sarap kumain ng naka-taas ang mga paa, eh siguro kultura na rin nila dito ang kumain ng medyo nakahilig at may katabing unan. So pinakikilala ang Arabic Style / Culture of Fine Dining.

Sa mga resto bukod sa normal na mesa at upuan kung saan kakain ang mga parokyano, eh meron ring parang isang mahabang platform, not to entertain the diners but for the other diners who prefer to dine there. Yup, kainan rin.

Fully carpeted, complete with throw pillow, but on this case you cannot throw, because you cannot throw something or play while eating.

So pagpasok ng resto, 'yong gusto sa platform eh huhubarin ang panyapak at aakyat sa platform. Doon nakalupagi at relax na relax na iiinat ang mga paa. Doon nya hihintayin ang kanyang pagkain.

Ang mga tagapagsilbi naman ay maglalatag ng manipis na plastic sa harapan ng kakain, para nga naman di gasinong makalat.


At pagkalatag, at handa na ang lahat, ilalatag na rin ang i-order na pagkain.


Kainan na!!! Habang medyo na kahiga o naka-inclined ang katawan sa mga throw-pillows..

Sunday 22 June 2008

Jollibee - Jeddah, KSA

Bukas na nga ang Jollibee dito sa Jeddah. Sa tagal ng panahong inilagi ko sa lugar na ito, eh ngayon na lang ulit ako makakatikim ng Jollibee...ngayon ay makakapiling na muli si Jabee!!!

Pagkatapos ng trabaho, kahit na binalaan pa ako ng aking mga impormante na punuan ang Jollibee at daig pa nga raw ang may pila ng lotto o ng NFA rice.
Pero alam mo naman ang Mangyan, hindi nagpaawat kaya diretso pa rin ng Sarawat (Jeddah Internation Market).

Sa labas pa lang ng Sarawat ay bulong-bulungan na ang pagbubukas ng Jollibee. Halos lahat ng mga Pilipino ay kakaiba ang ngiti (para bang proud-na-proud) at sa bawat kumustahan o simpleng batian ng "Kumusta kabayan?", eh 'di mawawala ang bagong karugtong, "Jollibee kayo?"


Nang makapasok na nga ang mangyan, aba'y parang fiesta eh! Ka-dami ng tao.


Kadaming Pilipino, Pilipina, lalo na ang mga tsikiting na Pilipino at Pilipina.

Totoo nga ang paalaala sa aking ni Kuya Erik, ang dami ngang tao. Punuan. Siksikan.

At ang dami ring maniniyot. Siyot dito, siyot doon. Pichure-pichure.


Bata, matanda, nagkakagulo kay Jollibee. Di na magkanda-ugaga si Jollibee kung sino ang uunahin.

Alas-syete pa lang, umugong na ang balitang "Ubos na ang Chicken Joy!", pero kahit may balita pang ganoon eh tambak pa rin ang tao, sobra sa over pa rin sa haba ang pila.

Lalo pang nagkagulo at di magmaliw ang kasiyahan ng mga bata,at kahit 'yong mga pakiramdam ay bata, ng dumating ang mascot ni Jollibee.


Kumakaway-kaway. Panay ang posing.

Pumutok rin ang bali-balitang dumating raw si Aga! UU, si AGA nasa Jeddah! Eh asan si Aga?? Wala naman ah.... Si Aga raw ang nasa loob ng mascot... kaya lalong dinumog si Jabee...

Sa bandang huli, di pala totoo... si Bentong pala ang mascot.. he he he.
Sa counter, sobrang haba pa rin nga pila. Di na nga ako nakalapit sa mismong counter sa sobrang haba at dami ng tao.


May mga maagang dumating, na syempre eh naka-una na. Di na nag-dine-in, take-out na lang, kasi nga saan ka naman pupuwesto para kumain.

Sa bandang huli eh nagpasya nalang ako na di na lang muna ako ngayon kakain. Sa mga susunod na araw na lang. Pag-medyo humupa na ang tensiong dulot ng pagdating ni Jollibee.
Di na ako nakakain, sa sunod na mga araw na nga lang siguro.


Kaya nauwi ang hapunan namin sa Shawli, Pilipino-Turo-turo style food, ilang metro lang ang layo sa Jollibee.
Sa kainan sa Shawli, kapansin-pansin na 'yong mga walang tiyagang pumila sa Jollibee eh dito nalang rin bumagsak.
Ewan ko lang kung parte nga ba ito ng kulturang Pilipino? 'yong ugaling sa halip na ipagmalaki ang sariling atin, eh nakukuha pa itong hamakin.
"wooo.. sa umpisa lang naman 'yan malakas, kasi bago, pero di 'yan magtatagal, hihina rin yan... ha ha ha!"

O kaya eto:
"Para namang ngayon lang nakakita ng Jollibee ang mga taong 'to eh??" mga feeling denial na ni 'di man lang sila na-excite at nagkaroon na ulit ng Jollibee dito sa Jeddah.
Kainis, gusto ko tuloy buhusan ng sabaw eh, kaso sayang 'yong sabaw, masarap pa naman.

Matapos makakain ang mangyan, balik Jollibee ulit. Papahuli ba naman ako, syempre pa-pichure rin ako....
Ngayon ko lang napagtanto na close pala kami ni Jabee...

Saturday 21 June 2008

Jollibee Jeddah - Opens Today!!!

Matapos ang matagal na paghihintay, dumating na rin ang araw ng Sabado...

I love you Sabado talaga!!!

Bakit??

Matapos ang matagal na paghihintay, mga kababayan ngayon na po ang pagbubukas nag Jollibee, Jeddah. Sa wakas...

Hayyy.. makakatikim na naman ng Masayang Manok (chicken joy), at sana may stapegi (spaghetti) rin sila at palabok at burger steak!!!!

Naglalaway na tuloy ako.

Mamya pa tapos ng trabaho ko, so mamya pa rin ako punta ng Jabee, update ko nalang kayo mga klasmeyt tomorrow.... 

Hhhhhmmm...... "mahal tayo ni Jollibee!... tenk yu po."

Wednesday 18 June 2008

The Yellow Rice

Gaya nang aking nabanggit ko sa aking nakaraang entry, "Nang Dahil Sa Kanin", eh hindi ko na nagawang kunan ng larawan ang nalutong kanin. Dahil nga sa naggalit na sa akin ang may-ari ng restaurant.

Nakapasok ba ang mangyan sa kitchen? 'Di naman, ang setup kasi dito ng mga kainang kung dyan sa Pinas eh 'yong turo-turo type, eh halos magkatabi lang ang kitchen at ang mismong dining area. At pag sinabing area, puedeng kumain ng nakaupo sa silya (gaya ng ating nakagawian) o ang sumalampak o medyo mahiga sa sa isang elevated dining floor kung saan ilalatag ang 'yong pagkain. Na-try ko na minsan ang kumain ng nakasalampak o ‘yong medyo nakahiga, mahirap pala, ang kung minsan eh inaabot ako ng antok….sarap pa namang matulog pagkatapos kumain.

At dahil sa isang pambihirang pagkakataon (diba may mga ganon pang epek), nakunan ko rin ng larawan ang kanin.

'Pano?

'Di bumili ako ng take-out na kanin, tapos kinunan ko ng larawan sa bahay ko... he he he (diba mas safe 'to).


Medyo kaluad lang tingnan ang kaning 'to, pero pramis masarap 'to. Medyo maang-hang, pero ok pa rin. Para ba syang aros-valenciana, eto nga lang 'yong spicy type o 'yong maraming samya. Kung ano-anong dahon, balat ng kahoy, at mga dinurog na bagay-bagay para sumarap. Kain tayo!

Tuesday 17 June 2008

Manggagawang Pilipino

Hindi pang Labor Day ang entry ko ngayon.

Medyo pasok din sana ito noong nakaraang Araw ng Kalayaan.

Dahil nga sa sobrang dami ng trabaho kahapon (noong isang linggo pa ito), eh wala na akong panahon man lang na makapagbasa ng dyaryo (pero kahit konting panahon, gaya nito, eh may panahon pa rin naiisingit para maka-pag-post).

Kagabi, 'di na pala gabi 'yon, kasi alas-dose na ng hatinggabi, kasama si Kuya Erik eh napadaan kami ng Bin Dawood Superstore para bumili ng bigas. Promo kasi nila, at mas mura ng ilang riyal ang bigas nila kung promo.

Dalawa kami. Kasi apektado na rin yata ng "Rice Shortage" ang Saudi Arabia, kada isang tao eh 15 kilos lang ang allowed na bilhin. Dalawa kami, so puede kaming makabili ng 30 kilos (wala naman kaming catering business, mahilig lang kami sa bigas.. he he he).

Sa paglabas ko, sa newspaper stand may nag-iisang kopya ng Arabnews (Middle East's Leading English Language Daily)  na natira. Kinuha ko. Binasa.

Sa ikalawang pahina, nangilabot ako sa aking nabasa. Halos maluha-luha ako. Tawag ko agad si Kuya Erik at ipinabasa ko rin sa kanya ang nabasa ko, kaso nabasa na pala nya, huli na pala ako sa balita. At lumabas ako ng Bin Dawood Superstore na taas noo at marubdub na isinisigaw ng aking puso: PILIPINO AKO!!!

Ano kaya ang nabasa ng mangyan?




Abdullah Al-Maghlooth / Al-Watan, almaghlooth@alwatan.com.sa

Muhammad Al-Maghrabi became handicapped and shut down his flower and gifts shop business in Jeddah after his Filipino workers insisted on leaving and returning home. He says: “When they left, I felt as if I had lost my arms. I was so sad that I lost my appetite.

Al-Maghrabi then flew to Manila to look for two other Filipino workers to replace the ones who had left. Previously, he had tried workers of different nationalities but they did not impress him. “There is no comparison between Filipinos and others,” he says. Whenever I see Filipinos working in the Kingdom, I wonder what our life would be without them.

Saudi Arabia has the largest number of Filipino workers — 1,019,577 — outside the Philippines. In 2006 alone, the Kingdom recruited more than 223,000 workers from the Philippines and their numbers are still increasing. Filipinos not only play an important and effective role in the Kingdom, they also perform different jobs in countries across the world, including working as sailors. They are known for their professionalism and the quality of their work.

Nobody here can think of a life without Filipinos, who make up around 20 percent of the world’s seafarers. There are 1.2 million Filipino sailors.

So if Filipinos decided one day to stop working or go on strike for any reason, who would transport oil, food and heavy equipment across the world? We can only imagine the disaster that would happen.

What makes Filipinos unique is their ability to speak very good English and the technical training they receive in the early stages of their education. There are several specialized training institutes in the Philippines, including those specializing in engineering and road maintenance. This training background makes them highly competent in these vital areas.

When speaking about the Philippines, we should not forget Filipino nurses. They are some 23 percent of the world’s total number of nurses. The Philippines is home to over 190 accredited nursing colleges and institutes, from which some 9,000 nurses graduate each year. Many of them work abroad in countries such as the US, the UK, Saudi Arabia, the United Arab Emirates, Kuwait and Singapore.

Cathy Ann, a 35-year-old Filipino nurse who has been working in the Kingdom for the last five years and before that in Singapore, said she does not feel homesick abroad because “I am surrounded by my compatriots everywhere.” Ann thinks that early training allows Filipinos to excel in nursing and other vocations. She started learning this profession at the age of four as her aunt, a nurse, used to take her to hospital and ask her to watch the work. “She used to kiss me whenever I learned a new thing. At the age of 11, I could do a lot. I began doing things like measuring my grandfather’s blood pressure and giving my mother her insulin injections,” she said.

This type of early education system is lacking in the Kingdom. Many of our children reach the university stage without learning anything except boredom.

The Philippines, which you can barely see on the map, is a very effective country thanks to its people. It has the ability to influence the entire world economy.

We should pay respect to Filipino workers, not only by employing them but also by learning from their valuable experiences.

We should learn and educate our children on how to operate and maintain ships and oil tankers, as well as planning and nursing and how to achieve perfection in our work. This is a must so that we do not become like Muhammad Al-Maghrabi who lost his interest and appetite when Filipino workers left his flower shop.

We have to remember that we are very much dependent on the Filipinos around us. We could die a slow death if they chose to leave us.

Yan ang Pilipino! Astig! Patuloy mo pang ipakita ang galing mo sa mundo, Pilipino.

Mabuhay ang Pilipinas!!!

Monday 16 June 2008

Kiwi-Bermuda-Lawstude Combo Tags

Kahit tambak ang trabaho at di na magkanda-ugaga sa kung paano pagkakasayahin ang oras, eh eto at nakasingit pa, adik eh..

Tag sa akin 'to ni Bosing Madbong, galing kay Lawstude 'yong isa at 'yong isa naman eh galing sa Dakilang Islander. Eh ang mangyan walang pinapalampas, kaya eto, nagpag-tagged at mang-ta-tag rin.

From Lawstude to Madbong:

The Rules:
1. Link to your tagger and post these rules on your blog.

2. Share 7 facts about yourself on your blog, some random, some weird.
3. Tag 7 people at the end of your post by leaving their names as well as links to their blogs.
4. Let them know they are tagged by leaving a comment on their blog.

1. Marvin Francisc, ‘yan sana ang gusto kong pangalan, eh noong ako ay ipinanganak mukhang hindi pa uso ang dalawahang pangalan, kaya nauwi ang nanay at tatay ko sa Marvin. Babin kung ako ay tawagin ng aking mga kapamilya o Kuya Babin sa aking mga kapatid. Avin ang tawag sa akin ng paborito kong dentista. Murvs naman ang tawag sa’kin ng barkada. Nang magkoleheyo, naging Luis, dahil sa declamation ko noong first year ako na napuno ako ng ketchup bilang props, bakit Luis? Dahil sa patalastas noon ng kechup with a punch line, “Ketchup please, Luis…”. Pagdating ko ng Jeddah, ang pangalan ko sa Personnel Dept. namin Marfin, medyo nahihirapan raw silang i-pronounce ang Marvin. Nang maglaon, naging “ME” o “AKO”, lahat ng files and folders ko ‘yan ang pangalan. Sa mga kasamahan ko dito sa Jeddah, simpleng 'Vin lang, ok na. Sa mga unang buwan sa blogsphere, kilala rin ako sa “ME”, at ng medyo nagtagal, naging “Mangyan”, taga Mindoro po ako.

2. Ipinanganak ang Mangyan dalawang daan at pitong araw matapos ipagdiwang ng Pilipinas ang ika-walumpot’isang taon nitong kalayaan sa mga Kastila. Malamig noon at dahil sa Aplaya kami nakatira kaya naman isinilang akong puro kaliskis. Literal na kaliskis ‘yan ha.. namana ko raw sa lola ko. Kaya tuwing tag-lamig eh parang balat ng melon ang aking balat kahit na sabi ng nanay ko eh sa pakwan daw ako pinaglihi.

3. Wala kang aasahan sa akin pagdating sa Math, noong high school eh nagkaroon ako ng markang 74 at kulay pula yan sa aking card. Hindi naman sa galit ako o kaaway ko ang Math, kasi sa ayaw at sa gusto ko eh parte ng buhay ng isang tao ang mga numero o ang Math, sabihin nalang nating hindi kami gasinong close ng Math kumpara sa closeness namin ng Art and Literature.

4. Noong high school tuwing nanonood ako ng English films, sa totoo lang wala akong naiintindihan, ako ‘yong nakikitawa lang kung tumatawa ‘yong kasama kong manood o kaya eh tipong Mr. Bean ‘yong panonoorin ko na kahit di nagsasalita eh nakakatawa. Sa pagdaan ang panahon eh kinailangan ding kahit naman papaano eh matuto ng English, kaya ayon natuto naman. Hindi na ako nakikitawa ngayon, ako na ang pasimuno, kung minsan kahit di nakakatawa sa iba eh tumatawa ako.. natatawa ako eh.

5. Mahilig akong makipag-usap sa sarili ko at sa tagal ng panahong pag-uusap namin, masasabi kong kapwa kami good conversationalist (sigurado ka ba dyan???), sya ‘yan ha, di ako. Sabi noon sa amin baka raw na “mamatanda” o “na-uusog” ako. Sabi naman sa Maynila baka naman may lumuwag na turnilyo, sabi naman sa Oprah “healthy” raw ang pakikipag-usap sa sarili, di naman ito ‘yong in public places ha, tapos bigla nalang kayong magkakaroon ng isang mainitang argumento ng sarili mo, kahit siguro ako “mag-iisip na may sayad na ‘to”.

6. Ngayon na lang twenties ako nagkahilig sa mga gadgets and computer stuff na ‘to. Sa computer stuff, kailangan eh, part ng trabaho ko. Sa mga gadgets kaya ngayon na lang, kasi noong mga unang panahon eh wala pa akong kakayahang bumili nito (alangan namang ipa-pasan ko pa sa pamilya ko ang aking luho), kaya di puedeng mahilig ako dito. Ngayon, kasi kait naman papaano eh may trabaho at kumikita, kaya nakakapagluho na rin ng konte. Ilang buwan palang ako sa “blogsphere”, pero adik na rin.

7. Hindi ko makain ang isang pagkain kung hindi ko aamuyin. Lahat inaamoy ko. Alam kong masarap ang pagkain sa amoy palang (so far di pa naman ako pumapaltos). Isang pagkain lang ang mabangong-mabango sa akin, pero ‘di ko kayang kainin: ang Durian. Takot ako sa lumipad na ipis.


From Dakilang Islander to Madbong:

Here’s the rule:Join us on this flight. Let all the bloggers around the globe come together in unity by blog linking. All you have to do is add your name to the list. Don’t forget to specify the country where you are from and of course, link your name to your respective blog. If you have two or more blogs, add and link them all. Then invite 8 or more bloggers to do the same.

Okay, here we go:
Julia from Philippines, Catherine from Malaysia, Shi from USA, Mitch from Philippines
Hailey from Philippines, Sexymom from USA, Liza from Philippines, Sasha from Philippines, Thess from Netherlands, Marie from Philippines, Mind Bubbles from USA, Evi from Canada, Christine - Marikit from AU, Christine - Strawberrygurl from AU, Mel’s Untamed World from PH, Mel’s Uncensored Life from Philippines, Vanity Kit from USA, Something Purple from USA, Em’s Detour from USA, Sassy Finds from Philippines, My Charmed Life from Philippines,Mommyhood and Me from Philippines, Changing Lanes from Philippines, Pit Stop from Philippines,Shopaholic Ties The Knot from Philippines, The Wifey Diaries from Philippines, Counting Stars with Zahara from Philippines, Paradigm and Random Thoughts from USA, Hail & Farewell, Behind the Mask from Philippines, Redlan’s Web of Arts from Philippines, Sreisaat Adventures in Cambodia, J-B-L-O-G-G-E-D in Maldives, Dakilang Islander from Bermuda w/ luv, Aotearoa Tales from New Zealand, Blog ng Mangyan galing sa malangis na Saudi Arabia,

At dahil sa na-tagged lang naman ako dito, syempre man-ta-tag rin ako. Eto ang mga kaswela ko.

1. Doc Rio

2. Popoy

3. Mix

4. Dong

5. Nakitana

6. Visaviz

7. Vicki

Sunday 15 June 2008

Jabee Jeddah

Abala pa rin at santambak pa rin ang trabaho. Naisingit ko lang 'to. Ang update ng Jabee, Jeddah.

Dahil noong nakaraang Biyernes, pagkagaling sa trabaho (overtime - dapat wala akong pasok ng Biyernes pero kinailangan), nagpunta kami ng mga kaputol ko sa JIM (Jeddah International Market) o mas kilala bilang Sarawat.

Sa JIM bubuksang muli ang Jollibee. Lahat nga ng Pinoy dito eh sobra-sa-over na sabik-na-sabik na sa muling pagbubukas ng Jollibee dito sa Jeddah. Astig talaga ang Pinoy.
Bigo na naman ang mangyan... takam na takam na sa bawat kagat ng Masayang Manok.
Bad news, kasi sarado pa rin ang Jollibee. At ayon sa isang mapagkakatiwalang source:

"...sa June 21 na talaga ang bukas nyan kabayan. Dumating na rin kasi 'yong 5 pang mga crews galing pa ng Pinas. Andyan na rin 'yong mga gamit nyan - kompleto na 'yan sa loob, bubuksan na lang."

So, sa mga kababayang "Batang-Jabee" ng Jeddah o kahit batang-Mcdo ka pa, mark your calendar: JUNE 21 2008, SABADO magbubukas ang Jollibee, Jeddah.

Napapakanta tuloy ako...

"Panlasang Pilipino, at home sa Jollibee!"

At dahil sa galing nasa Sarawat na rin naman ako, eh pumunta na rin ako ng grocery. Punta ulit ako ng gulayan.

Muli ay nagulat ako sa presyo ng mga Pilipino veggies and fruits dito.

Ang Saging na Saba: SR 21.95 per kilo


Ang Manga: SR 32.95 per kilo


Eto ang nakakagulat. Ang Pinatuyong Kamyas: SR 48.95 per kilo


Ang Sayote: SF 24.95 per kilo

Ang palitan ng Piso kontra Riyal: SR 1.00 = PhP 11.94

Friday 13 June 2008

Sukatan o Bas-ukan?

Mabilis na mabilis lang 'to. 'Sangtambak ang trabaho kahapon pa. Ngayon nga Biyernes na, dapat wala akong pasok, eh kailangan pang pumasok at mamasyal sa bago naming project. Anong project, later na lang...

Eto na.
Kagabi sinamahan ko kapatid ko na magshopping, kailangan nya kasi ng "tuxedo" para sa trabaho. Eh SALE 'yong napuntantahan namin. Natural kung SALE sangkatutak ang mga mamimili. Ang dami. Hindi nga siguro sa Pinoy lang ang ugaling kung me SALE eh sigurado dudumugin, kasi kabagi mangilan-ngilan lang ang napansin kong Pinoy, mas marami ang iba pang mga lahi.

Maraming mabibili, maraming mapagpipilian. Sa Men's Section, dami ring SALE, t-shirts, polo, shorts, pants, medyas, briefs, boxers, sandals, lahat na yata SALE.

May mga T-shirts na SR 10.00 lang ang halaga eh maganda na. Daig ko pa tuloy ang nag-ukay-ukay.
Nang makapili na ako ng mga tatlong pirasong t-shirts, hanap ko ang fitting-room, syempre kailangang sukatin.

Pagpasok ko ng fitting-room nagulat ako. 'Di ko tuloy alam kung fitting-room ba 'yong napasukan ko o storage room. Ang daming naka-bas-ok na damit. Ang kalat. As in makalat - nagkalat ang mga damit, nagkalat ang mga hangers.




Nagkalat ang damit at hangers sa loob. Buti sana kung nakasabit man lang, pero nagkalat lang sa sahig. Lahat ata ng mga sinukat at hindi nagustuhan eh iniwanan nalang doon. Akala ko tuloy eh closet 'yong pinasukan ko, o bas-ukan ng damit, "Fitting Room" pala.

Wednesday 11 June 2008

Manlalaro sa Kalsada: Mr. Pruti-Veggie

Karugtong pa rin ng aking seryeng Manlalaro sa Kalsada.

Kung noong mga nakaraang araw nakilala natin ang mga Moya Baridh Boy o ang mga nagbi-benta ng malamig na tubig sa kalsada, ngayon ay makikilala natin ang isa pa sa mga manlalaro sa kalsada ng Jeddah.

Syempre kung may nagbibenta ng panulak, meron dapat itutulak. At pag-sinabing "tulak", itinutulak talaga.


Sa tabing kalsada ang bentahang ito ng pakwan. Sa tabing kalsada sa gitna ang init ng araw, na sa mga panahong ito eh pangkaraniwan nang antas ng temperatura ang 45°C. Kung dyan sa atin eh ang pakwan na tinda sa initan eh nagiging sanhi ng pag-ihi ng puwet, dito parang ok lang. Para bang habang nasa initan eh mas matamis at mas mapula ang pakwan. Na-try ko na 'to, uu matamis nga.


Bukod sa mga pakwan (SR 0.95 per kilo), meron ring saging (SR 4.00 per kilo), dalandan (SR 2.50 per kilo), plums (SR 6.00 per kilo), kiwi (SR 8.00 per kilo).

Maliban sa mga bungangkahoy, meron ring mga gulay at mga pangsamya. Kamatis (SR 1.45 per kilo), sibuyas (SR 0.99 per kilo), pipino (SR 0.90 per kilo) at marami pang iba.


Kung di mo naman feel ang mamalengke sa init ng araw, walang problema, kasi meron namang mga puwesto sa tabing kalsada pa rin tuwing gabi ang bukas. Bukas ito hanggang may bumibili.
Kumpara sa mga grocery, mas mura ang presyo ng mga bungangkahoy at gulay sa "bangketa". Gaya dyan sa atin, puedeng makipagtawaran, makipagbaratan.

Tuesday 10 June 2008

Nang Dahil Sa Kanin

Post ko lang ‘tong larawang ‘to, kasi kahapon muntik na akong mahuli ng pulis sa pagkuha ng larawang ‘to. ‘Di ko alam kung ano ang problema nung may-ari ng tindahan bakit ayaw nyang pakunan ng larawan ‘tong tinitinda nila. Pasimple na nga ang pagkuha ko (kunyari may kausap lang ako sa mobile pero pini-pichuran ko na), nahuli pa rin.

Marami pa syang sinabi, ‘yong iba hindi ko na maintindihan. Ang naintindihan ko lang eh:

Kalas sadik, mamnu hada! Mamnu!” (Stop my friend, it’s not allowed! Not allowed!)

Ano bang meron sa larawang ito.

Sa pagkakaalam ko eh ganito sila kung mag-saing ng bigas. Para bang igigisa muna lahat ng mga spices na isasama sa kanin. Matapos magisa, lalagyan ng tubig, hihintaying kumulo, at kung kumulo na, ilalagay na ang bigas, tatakpan, hintaying maluto….at kanin na!

Hindi na ko na nakunan ‘yong finished product na kanin, kasi nga medyo natakot na rin akong mag-pi-picture, baka nga tumawag ng pulis. Sa ibang pagkakataon nalang siguro.

‘Yon lang ‘yon. Ganoonpaman, syempre bilang respeto sa host-country… ang bawal, bawal. Mag-iingat na lang siguro sa susunod.

3G iPhone Officially Lunched

Yesterday, as I've mentioned on my post, Steve Jobs of Apple will officially lunch the new 3G iPhone - and as expected and anticipated, Apples’ 3G iPhone has been officially lunched and will be out in the market on 11th of July 2008, that’s Friday. But before marking your calendar consider the following early reviews of some pros and my not-so-pro comments (duwanna put it review) on this new Apple stuff.

Out of excitement, early this morning instead of just play music for my regular coffee-morning start-up ritual, I had to switch my TV on for some morning show (though the Belo show is on TFC and is tempting I had to switch channel), and it seems that I had my luck today, on ABC’s World News with Charles Gibson, on headline, “The Released of Apple’s 3G iPhone”.

So wait, wait, wait….well maybe because I didn’t got my usual dose of coffee in the morning, I fell asleep and when I woke-up The World News is over, and the Insider is now on.

Anyways, this morning on Apple’s official URL, on the main page, the tempting and delicious – 3G iPod.


Though it was labeled 3G, it looks the same.

So, read, read, read, and another read…

Pros:

1.       Looks good as always, very sophisticated. (mukhang mamahalin talaga, at hindi lugi ang snatcher sa effort)

2.       The Multi-touch screen is there (though hindi na bago ‘to)

3.       Now it has 3G (dapat lang)

4.       It’s half the price of its predecessor (eto ang bago at magandang balita)

5.       A GPS system (hhhmm, tingnan natin)

 Cons: 

  1. Maybe I’m wrong with my assumption that when you say “3G” the capability of having a video call will be available. Well on iPhone’s case, it’s 3G but no video call. The 3G used here is for the high speed connection (HSDPA – High Speed Data Packet Access), which I guess is already an ancient thing if you own a UIQ or an S60 phones.
  1. As I learned on PC World review, a plastic back??? C’mon Apple!!! Yes you got it right, this new 3G iPhone, as Steve Jobs ticked on the WWDC keynote as “design achievement”, has a full plastic back. Why plastic back? As PC World writes, “this change may indeed be a virtue – the shiny metallic back …. are maddeningly effective magnets for scratches, fingerprints, and grime.” But, still plastic???? If you’re on this “Go-Green” thing, well surely this is not your cup. 
  1. iPhone as a modem. Still I think it’s a big no-no. Though Apple claimed iPhone is a big move for the future of smartphone, well that’s one thing that Jobs I guess missed. UIQs and S60s has it for ages. 
  1. There is no improvement on the camera, it still has the 2 MP. Though higher MP on camera is not a must for a good shot, but for non-pro-clickers I must say that it’ll help. 

Disclaimer: The above pros and cons are from mangyan's review, Click here for a more professional review. With that, mangyan is giving this new 3G iPhone:

8 bahag points for design

7 bahag points for performance

7 bahag points for the price

8 bahag points overall

Pahabol: And the recently concluded WWDC (World-Wide Developers Conference), gives iPod Touch users some good news and bad news.

The good news is that iPod Touch user can now enjoy the App Store, but the user must update the iPod Touch (currently having a Software version 1.1.4) to iPhone 2.0 Software.

And that gives us the bad news, its not free, you have to buy it. 

Monday 9 June 2008

Banas

Sobra banas sa parteng ito ng mundo sa mga oras na 'to. As in mainit talaga. Para bang isang malaking oven, tapos preni-heat into 85°C, tapos andoon ka sa loob ng oven, palakad-lakad..

Eto reading sa mga oras na 'to.


Dry Bulb: 103°F o 39.4°C


Wet Bulb: 82°F or 27.78°C

Ang humidity: 52%

Mabanas talaga!

3G iPhone on WWDC

For those iPhone fanatics, well this is your day! Today, Apple CEO Steve Jobs and other software developers will convene for Apple’s Worldwide Developers Conference.

When iPhone was lunched, though quite expensive, it was sold in the market like hotcake. Nowadays, where 3G capability on smart phones is a must (esp. outside the US market, EU, Japan, Asia), despite iPhones’ sleek design and sophisticated multi-touch screen, 3G capability is the one thing that missing.

But that’s before today. Because today, on the Worldwide Developers Conference, aside for the official announcement of iPhone’s new software platform, aficionados all over the world (kasama na ako dito), is on fever pitch anticipation for the release of Apple’s new 3G iPhone. Yeah, you read it right, a 3G iPhone.

As PC World writes, the new iPhone features a GPS (Global Positioning System) service. And if it seems that it’s quite too big for your pocket (specs here), then this is good news, the new iPhone now comes with a thinner casing, not to mention the “improved virtual keyboards with heptics”, like multitouch technology as Shaw Wu wrote. (excited na tuloy akong makita ‘to)

Another good news, the pricing for the 3G iPhone may be US$50 to US$100 cheaper than the old iPhone. (mas mura).

Further, with iPhone 2.0 software, this 3G iPhone provides enterprise applications, including push e-mail support through the Microsoft Exchange Mail Server. It also includes an SDK (software development kit) for developers to write iPhone applications.


The good news is not only for iPhone users, but with this SDK, by the end of the year a lot of third party applications can also be used for your iPod Touch. 

So this 3G iPhone includes a video call now? or atleast 3.5 MP camera? Mmmm…can’t answer that today, lets just wait for its release maybe later today...