Sunday, 9 March 2008

Panaginip, Dreams, Khwab

Panaginip.
Dreams.
Sawa-sawa shuft enta flim hada belil noum.
Rêve.
Khwab.

Iba’t-ibang dila, iba’t-iba interpretasyon. Ibat’t ibang paniniwala.


Dito sa Saudi, hindi ko lang eksakto alam kung ano sa kanila ang panaginip. Basta kung tatanungin mo sila, kailangan mo lang ipaliwanag kung ano ba talaga ito.

Me: Sadik, kee pak? (Kaibigan, kumusta ka?)
Arabo: Allahamdullelah… kep? (Sa awa at biyaya ni Allah ay maayos, bakit?)
Me: Sadik, enta maloum hada enta noum belil, baden hada enta noum hada juwa enta shuft sawa-sawa flim, mungkin enta shuft tani nafar hada mut? (almost the translation: Kaibigan, alam mo ba ‘yong kung natutulog ka sa gabi, tapos sa pagtulog mo ay may napapanood kang parang pelikula, kung minsan nakikita mo rin kahit ‘yong mga taong patay na?)
Arabo: Aaahh.. eywa. Ish mushkila? (Aaahh..oo. Anong problema?)
Me: La, la, mafi mushkila. Ana kalam, bas. (Wala, wala, walang problema. Nagtatanong lang, tapos.)
Arabo: Blah... Blah...Blah... Blah.... sa? Maloum? (blah...blah...blah... diba? Intinde?)


At natapos ang usapan namin na wala rin akong napala, paano ga’y naubusan na ako ng Arabic words, at ‘yong mga sinasabi nya sa akin ay pawang blah… blah… blah… nalang. Wala na akong maintindihan. Pero ang sigurado, kahit sila man ay nananaginip rin. Ang hindi ko lang alam ay kung ano para sa kanila ang panaginip.

Khwab (ku-wab), eto ang tawag nila sa India sa panaginip. May naniniwala at may hindi. Pero para sa kanila, ang paniginip sa gabi ay para lamang natural o kalikasan na talaga ng isang tao na managinip sa gabi. Parang PC na pag nag-start ka, natural na daraan sya sa booting-up process, ganoon din sa kanila sa pananaginip – na kung ang isang tao ay matulog ng mahimbing, natural na sya ay mananaginip. Kung ito man ay mangyayari sa hiniharap o nangyari na noong nakaraang panahon o kasalukuyang nangyayari, ito ang hindi malinaw para sa kanila. Take note, eto ang mga panaginip sa gabi, eh paano ‘yong mga panaginip sa umaga? Ibang usapan na ulit ‘yon. Para kasi sa isang Indian na nakausap ko na itatago ko sa pangalang Sohail, mas may posebilidad na magkatotoo ang isang panaginip kung ito ay nangyari ng umaga, o kung magbubukang-liwayway. Subalit para kay Sohail, hindi rin malinaw para sa kanya kung ito ay panghinaharap, pangkasalukuyan, o pangnagdaan. Ayon na rin sa kanya, may mga panaginip sya dati na nangyari nga, at may iba namang parang nangyari na.. de jávu ba.

Sa wikang Pranses, ang panaginip ay Rêve (medyo mahirap isulat ang tamang pagbigkas, basta parang wuub). Hindi na ako nag-interview ng Pranses, baka kasi maubos ang baon kung French Bread…

Panaginip ito sa mga Pilipino, at kung medyo masama-sama ang nilalaman at kung minsan ay nauuwi sa kamatayan ng tao, bangungot ang tawag natin dito. Maraming pamahiin o paniniwala tayong mga Pinoy pagdating sa panaginip. At halos lahat ng Pinoy naniniwala sa panaginip. Meron tayong kanya-kanyang interpretasyon, ito ang ilan.

Dagat / Ilog – naglalarawan ito ng emosyon. Depende sa agos o sa sitwasyon ng dagat o ilog kung ito ay maglalarawan ng maganda o hindi magandang emosyon.

Ngipin – maraming paglalarawan sa ngipin, depende sa panaginip. Kung nanaginip ka ng masakit na ngipin, maaari itong maglarawan sa isang karamdaman. At kung nanaginip ka naman ng nahuhulog o nabubunot na ngipin, eto ang kamatayan – aprobado raw ito. Hindi ko lang alam kung ano ang gustong iparating kung pinapastahan, niru-root canal, o kaya namay ay nilalagyan ng brace ang ngipin.

Tae / Elvs – Pera… pera … at pera pa rin. Sabi nila, pagbaho (may amoy ba ang panaginip?) at pagdami ng tae sa paligid mo sa ‘yong panaginip ay mas maliki ang posibilidad na magkapera ka.

Dugo – marami ring paliwanag sa kung ano ang ibig sabihin ng dugo sa panaginip. Depende rin ‘yon kung ang panaginip mo ay colored o black & white. Ang dugo ay puedeng simula ng isang bagong buhay, puede ring kamatayan, puede ring paglilinis, depende sa panaginip.

Taong Patay – eto hindi malinaw, kasi dito puedeng nagpaparamdam yong taong namatay na, o puede ring may gusto syang sabihin doon sa nananaginip, o puede ring napadaan lang sa background – depende pa rin sa panaginip. Pero ironic, kasi kung ang makikita mo sa panaginip mo ay buhay pa, pero patay na sya sa panaginip mo, puede raw itong sumimbolo ng bagong pag-asa o bagong simulain. Para bang pinatay mo na ‘yong dati mong pagkatao, at mag-uumpisa ka muli ng isang bagong buhay.

Colored / Black & White na Panaginip – sabi noong kasabay ko sa service kanina, kung colored raw ang panaginip mo, ibig sabihin ay makulay raw ang buhay mo, at kung black & white naman ay syang kabaliktaran… walang kawenta-wenta ang buhay.

Tumatakbo – eto marami ring paliwanag tungkol dito at depende sa tinatakbuhan mo o kung saan ka pupunta. Puede raw itong sumimbolo sa pagtakas mo sa isang kalagayan sa buhay, puede rin itong pagtakas sa nakaraan.

Numero – lahat yata ng taong mahilig tumaya sa lottery, weteng, at sa kung ano pang sugal na may numero, ang pananaginip ng numero ay isang biyaya. Lahat ng mga mananaya ay nangangarap na sana bago dumating ang grand draw makapanaginip ng numero. Meron pa nga sila talaan kung anong numero sumisimbolo ang isang ahas, kahoy, bag, at marami pang iba. Ito ‘yong “tip from heaven” na sinasabi nila, na kung minsan hindi naman ganoon ka-accurate ang tip, kasi puedeng tumama, puedeng hindi.

Marami pang klase nang panaginip. Marami pang iba’t-ibang materyales ang puedeng lumabas sa panaginip. Sabi nang ilan, puede raw na ang panaginip ay kabaliktaran ng gising na buhay. Puede rin daw itong mga tagong pagnanasa ng isang tao na hindi nya maisagawa sa gising na daigdig, kung kaya’t lumalabas ito sa kanyang natutulog na kamalayan. Kakaiba talaga ang tao ‘no?

Si Bantay kaya, o si Miming, o si Nemo, nananaginip rin kaya? May kahulugan kaya ang mga panaginip nila?

Ikaw, anong napanaginipan mo kagabi?

13 comments:

Lyzius said...

pano kung constant panaginip mo ang dagat, either nilalamon ka ng malalaking alon pero hindi ka lumulubog, palutang lutang lang...

Anonymous said...

Ano po b ang kahulugan ng hinahabol ka nun kapit bahay nyo aswang at may dala na itak galit na galit pati dun sa papa ko.tapous bigla may tinaga sya na tao sobrang takot daw ako kase kitang kita ko pano nya tinaga at yun dugo.

Anonymous said...

anu po ba ang ibig sabihin ng panaginip ko.isang barkong tae napakarami.an pag umaakayat ako sa haggdan ng barko nahhulog ako.at lubog ako sa napkarmaing tae.pati higaan ko.kumot .banig.unan.lahat puro tae.please help ma kong anu ibig sabihin ng panaginip kong ito.








Unknown said...

paano po kung nanaginip po ako ng isang bata mga nasa 4 years old na tinusok yung dalawang mata tapos nung nakita ko ng dumadaloy yung dugo mula sa mata ng bata sobra akong kinabahan na parang ako yung susunod na papatayin hanggang sa magising ako nanginginig pa yung mga laman ko sa sobrang takot at pinag papawisan ng malamig .... Ano po ba ibig sabihin nun please answer po ilang beses na rin po kase akong nananaginbip ng dugo ehh nako-curios lang po talaga ako...

Unknown said...

hello po and good evening :)sana po masagot tong katanungan ko tungkol sa panaginip ko kanina lang hapon. nanaginip po kasi ako at medyo mahaba-haba iyon pero hindi mawala sa isip ko is yung hinahanap ko daw si mama at nag-aalala daw ako ng sobra sa kanya sa panaginip ko na baka may kung ano daw na mangyari sa kanya pero may bahid ng dugo yung floor ng isang puting bahay na pinasukan ko kasi baka andun si mama. white floor yung may bahid ng dugo ,para atang cr yun na malinis di masyadong klaro kasi blurr sa panaginip ko pero my mind says na it's a dugo pero kanino? kaya hinanap ko ng mabuti si mama pero nakita ko sya malapit dun sa may bahid ng dugo at nagpapa-agas ng gripo. sa tingin ko po kay mama galing yung dugo kasi hinuhugasn nya po yung kung ano man yun dun sa gripo at nawala naman ata. tapos tinanong ko sya kung okey ba sya. sabi nya okey lang naman daw sya pero kahit ganun curious talaga ako kung saan galing yun at siguro may meaning daw yun sabi ni ate kaya ako nag-s-share ng kwento dito tungkol dun. na sana masagot yung tanong kung ano bang kahulugan nun. nag aalala lang kasi ako kay mama eh. mabuti nalang at nagpray ako kanina. may pinuntahan pa naman yun.

Unknown said...

Mananalo ka ng lotto, balato ah!!!!

Unknown said...

Gud Morning po sa lahat. sana po masagot nyo meaning ni2 nanaginip po aq na tinaga ako ng isang kakilala ko pero d ko nmn xa maxadong close kasama nya po ung pinsan ng gf ko. anu po kaya meaning nun? salamat po..

Anonymous said...

Ano kaya kahulugan ng panaginip ko nakatapak ako ng mga tae ng baboy at isa pa mai mga baboy dun tas ambaho ..

Anonymous said...

Pero pano naman po kapag nagpahuli ka sa palaginip kung tumatakbo ka sa palaginip pero nahihirapan ka na kaya nagpahuli ka na lang

Unknown said...

Nanaginip ako ng dumudugo ang mga mata ko. Pag tingin ko aa salamin may konting dugo hanggang sa parami na ng parami. ung luha ko dugo na.

Roxy said...

nanaginip po ako may mga red spot daw Ang Mata ko.. ano po Kaya ibig sabihin nun

Anonymous said...

Toothbrushing my tongue as in cleaning it.

YNARRA said...

NANAGINIP AKO NG MASAMA NGAYON PA LANG NA 1:00 AM😭 sa panaginip ko ang natatandaan ko ay nasa isang store daw ako tapos may lalaki at babae humiga sila nagtago para hindi makita ung gagawin nilang kababalaghan lumapit daw ako at nakisali sa kalaswaan nila😭 then d k po alam kung totoo huhuhuhu ba, alam ko pong nananaginip ako nilabasan daw ako habang nakikipag ano doon sa babae. Sa panaginip ko nananaginip din ako then next scenario ay paulit ulit lang po nangyayari daw nagtatago daw ako sa kusina may pusa na darating papunta saakin at makikita daw ako ng tita ko then papaluin lng nya ako pero nung nanaginip ako sa panaginip ko na nag iba daw ang pangyayari imbes na paluin lang ako ng tita ko nung nahuli akong nakaupo sa gilid dapat po screw ung hawak lang nya o parang kahoy lang ipampapalo saakin pero ang nakita ko ay napakalaking itak iniumang nya saakin un at hinawakan ko daw ung mismong pangtaga nasugatan ung palad ko sinasalo ko daw habang ginagawa nya un hanggang sa tinataga nya na ako nanggigigil sya sakin😭 tinaga nya ng pahiwa ulo ko humiwalay ung ulo ko pero d nmn tumilapon nanjan lang then sunod tinaga nya ng pahiwa dibdib ko, lahat ng parte ng katawan ko tinaga nya ng tinaga, sa maniwala ka sa hindi. Ramdam na ramdam ko ung sakit ng bawat taga na natatanggap ko😭😭😭 bago nya ako tagain ng pahiwa ulo ko sinakal nya muna ako nag aalab ang mga mata nya sa galit saakin huhuhu tandang tanda ko pa kung paano ako mamatay sa panaginip ko habang nananaginip din ako😭 umuungol na ako habang nananaginip, alam kong umuungol ako habang natutulog pinaka response lang un ng body ko para magising na dahil ung diwa ko lang ung gising pero katawan ko d pa gumagalaw bandang 1:00 am nagising ako doon ako umiiyak huhuhu