Una: Nagpapasalamat ako kay Lyzius (hindi nya tunay na pangalan). Siya at ang kanyang blog site ang naging insperasyon ko upang muling buhayin ang blog site na 'to. Salamat ha.
Pangalawa: Salamat rin kay Bert (pangalan nya under Witness Protection Program), na gumawa ng pagkaganda-gandang logo ng blog site na 'to. Maraming salamat.
Pangatlo: Salamat rin sa McDonalds'. Ang pulang background at ang Arched letter M ay tunay na pagmamay-ari ng McDonalds'. Ang sub-title na "love ko 'to" ay pinalitan ni Bert ng "blog ko 'to" ayon na rin sa aking kahilingan. Salamat McDo.. love ko 'to.
Pangapat: Salamat kay Ate Lala (palayaw), sa kanya nanggaling ang larawan sa aking blog entry na "Naniniwala kaba sa Multo?". Salamat din sa kanyang dalawang kamag-aral na nasa larawan, at salamat na rin sa "multo" sa walang pasabi na basta nalang lumitaw sa likod ng nagpapa-piktsure.
Panglima: Salamat rin kay Kuya Erik at Genaro (mga tunay nila itong pangalan), sa paggamit ko ng kanilang larawan para sa blog entry ko na "Panaginip, Dreams, Khwab".Aksuali andoon rin sa background si Bert. Salamat ulit.
Panganim: Salamat rin kay Elvs (mabahong pangalan, este hindi pala tunay na pangalan), salamat sa pagpapagamit mo ng hindi-mo-totoong-pangalan para sa aking blog entry na "Panaginip, Dreams, Khwab".
Pangpito: Salamat sa'yo. Oo, ikaw. Salamat sa'yo na nagbabasa ng blog na 'to. Salamat sa pasensya at pagtitiyagang basahin ang aking blog. Salamat ha.
2 comments:
napanaginipan ko po kasi na nataehan ako ng anak ko sa mukha ano po ba meaning nun???
ano po ibig sabihin ng sumakay daw ako sa bangka tapos lumulubog na sa ilog tapos ako lang daw nakaligtas dahil kumapit akonsa bangka at umahon n daw ako sa ilog
Post a Comment