Importante ang pangalan sa pang-araw-araw na pamumuhay nating mga tao. Kasi sa pangalan doon tayo tinatawag at nakikilala ng mga tao sa paligid natin – kahit sila ay may mga pangalan rin.
Hindi lang sa personal na buhay natin malaki ang kinalaman ng pangalan. Maging sa pangangalakal ay mahalaga rin ang pangalan. Nagtitiwala ang isang mamimili sa isang produkto base na rin sa pangalan nito. Kung minsan nga ang pangalan na rin mismo ang nagtatakda ng kalidad ng isang produkto.
Halimbawa na lamang ay pagsisipilyo ng ngipin, sino ba ang hindi nakakakilala sa pangalang Colgate?
Bata: Pabili ngang Colgate!
Tindera: Colgate?
Bata: Opo, Colgate, ‘yong Close-up.
Tindera: Ahh… ‘yong Colgate na Close-up!
Kitam… medyo palasak na ang halimbawang yan, pero dyan natin makikita kong gaano kahalaga ang ginagampanang papel ng isang pangalan lalo na sa merkado. Maging sa pandaigdigang pamilihan ay malaki ang lugar na ginagampanan ng pangalan. Sa lahat ng bansa ay may kanya-kanyang pagturing ng pagpapahalaga sa isang pangalan.
Dito sa Saudi, sa Jeddah in particular, hindi ko lang alam kung ganoon kahalaga ang pangalan. Ang ibig kong sabihin ay ‘yong “isinusulat” na pangalan. Siguro nga iba kasi ang alpabetong ginagamit nila dito, magkagayon ma'y pinipilit pa ring iparating sa mga nagdaraang mambabasa o mamimili o simpleng kritiko ng panitikan ang ibinibenta nilang serbisyo o produkto.
Eto ay isang pagupitan o Barber shop. Kahit na nga “Barbar Shop”, katunog naman diba? Pagupitan 'to at sa presyo ng gupit nila ay hindi mo na iintindihin ang pangalan, limang riyal lang semi-kalbo na, at sampung riyal naman kung gusto mo ng gupit na uso - yon ay kung kaya mong ilarawan sa manggugupit kong anong gupit talaga ang gusto mo, at ang kalalabasan ng gupit 'yon na 'yon. Wala ata kasing garantiya sa mga pagupitan, maliban nalang na mauwi sa semi-kalbo o kalbo, para safe. Sa tunog palang nito hindi ako papasok sa loob nito para mamili ng yema o pulburon o kaya naman para magpalaba.
Labahan ba ‘ka mo? Eto ang labahan. Kung isa kang pa-“P” o pa-Piktsur, dito ka dapat magpalaba. Aaahh.. “Person” ba ‘yon… ang Al Fao Laundary for VIP. Diba, medyo katunog pa rin, pero kung kaartihan kang magbasa puede mo ‘tong mapagkamalang nagtitinda ng mga productong gatas, keso, at itlog. Kasi nga maarte magbasa with all the accent and all… Laundary (lawn-day-ree), o diba? Kala mo kainan, labahan yan, eto ang kainan.
Srilanka Stars Restaurent. Saan ka pa, kompleto ang accent. British o American accent, maalin nalang, kanya-kanyang padali nalang yan.
Eto pa ang isa. Medyo katunog pa rin, at ‘yong isa mali na talaga. Hindi ko lang alam kong saang diksiyonaryo nakuha ang mga salitang ito. Pero idi-depensa ko na rin. Siguro nga ‘yong translation lamang sa wikang English ang mali, pero ang ibig namang iparating sa wikang Arabic ay tama. Sa pagkakaintindi ko “Visitiors”, siguro kahit alam kong ibig nitong sabihin ay Visitors, pero puede ko rin syang isiping “Busy Shores” o abalang dalampasigan, ‘yon nga lang medyo malabo kasi sigurado pagpasok sa loob wala namang dagat o dalampasigan. ‘Yong “Contect” malamang “Contact” ‘to, in a very weird accent. Para na ring contect lins. He he he… in perniss Noypi ako ha.
Ilan palang ito. Mamimili ba ako?
Napadaan lang ba ako?
Kritiko ng panitikan?
Hindi naman siguro, sabihin nalang nating napadaan lang na marunong bumasa at umintindi sa binabasa.
1 comment:
Nyahahaha..hindi ako patatalo jan... bukas lilibutin ko buong satwa magpipityur din ako ng mga ganyan
Post a Comment