Blog.
Ako mismo sa sarili ko, hindi ko pa rin kayang sabihin na isa akong blogger, sapagkat hindi pa malinaw sa akin ang mga angkop na pamantayan upang ang isang tao ay tawaging Blogger o Blogista.
Malimit kasi nakakalimutan ng isang blogista, kahit ito ay kanyang personal na espasyo, na bukas na aklat ito para sa lahat.
At nakatanim lagi ang kaisipang: Malayang pamamahayag. Tama 'yon, malayang pamamahayag. Kalayaang isiwalat ang sigaw ng puso. Subalit, kaakibat ng kalayaang mamahayag, ay ang responsibilidad at respeto sa opinyon ng iba. Kailangan din ang bukas at malawak na pang-unawa sa opinyon / kaisipan ng ibang tao. Bawal ang pikon. Talo ang pikon.
Ang blogista nga mismo ang magtatakda ng limitasyon, kung gustuhin nya, sa kanyang sarili, sa kanyang isusulat. Dito makikita ang moral o ang karakter ng isang blogista, base na rin kung paano isulat ang mga sanaysay. Ang estilo. Sa paggamit ng salita. Sa bawat titik. Bawat tuldok. Bawat panaklong.
Minsan nga ay napadaan ako sa pahina ni Mix, doon ko napulot ang aral na kailangan bang sumulat o mag-iwan ng puna kahit wala ka namang alam sa nakasulat. Masabi nga lang na pumuna ka, o may naisulat ka. Sa totoo lang wala naman talagang masama eh, ‘yon nga lang isaalang-alang rin natin na “alam ko ba ang isinusulat ko?”. Kung hindi ko alam, bakit kailangan kong sumulat? ‘Yon na nga ‘yong tanong, sapat na bang katwiran ang may maisulat lang, kahit wala akong alam? O mas mabuti pang basahin nalang at hindi nalang magsalita kung wala rin lang namang buti ang iiwang puna. Sabihin nalang nating dagdag kaalaman nalang. At sa susunod, kung alam na natin, e’di doon magiwan ng puna o magsulat.
Blogger.
X-link.
Blogroll.
Dashboard.
Feedjit.
Cbox.
Publish.
Tabulas.
Multiply.
Wordpress.
Entry.
RSS Feeds.
ATOM.
X-link.
Blogroll.
Dashboard.
Feedjit.
Cbox.
Publish.
Tabulas.
Multiply.
Wordpress.
Entry.
RSS Feeds.
ATOM.
Kung alam mo ang mga salitang ito, walang duda - blogger ka. Kundi man blogger, ay isa kang taga-subaybay sa mga blogs. Pero sapat na bang alam mo ang mga nabanggit na salita sa itaas, para tawagin kang isang BLOGGER?
Ano nga ba ang isang blogger?
Ano nga ba ang isang blogger?
Ako mismo sa sarili ko, hindi ko pa rin kayang sabihin na isa akong blogger, sapagkat hindi pa malinaw sa akin ang mga angkop na pamantayan upang ang isang tao ay tawaging Blogger o Blogista.
Subukan nga nating busisisin... subok lang.
Unang-una siguro, dapat meron kang website / URL. Ito ang sariling espasyo ng isang tao sa liko-liko, sala-salabat, at salu-salubong na mundo ng tagni-tagning-sapot (internet).

Dito sa espasyong ito, isusulat o ilalalahad ng isang tao kung ano man ang gusto nyang isulat.
May kwenta o wala. May magbabasa o wala.
Dahil ito nga ay sariling espasyo ng blogista, maaari nyang isulat lahat ng gusto nya. Lahat-lahat.
Totoo. Kasinungalingan.
Pagkilala at parangal. Mapanirang puri at tsismis.
Kuro-kuro. Mga pagpuna at pagbatikos.

Pananampalataya. Propesyon.
Usapang pag-ibig. Mga hinaing.
Kalungkutan. Kasiyahan.
At marami pang iba.
Usapang pag-ibig. Mga hinaing.
Kalungkutan. Kasiyahan.
At marami pang iba.
Lahat maari isulat. Basta gusto mo, isulat mo.
Ang tanong:
MAY LIMITASYON BA ANG ISANG BLOGISTA SA KANYANG PAGSUSULAT?
Hindi ko kayang sagutin ang tanong na ito. Pero sa ganang-akin la-ang... siguro wala naman talagang nakatakdang pangkalahatang limitasyon, lahat may kalayaan, subalit sa pagsusulat ay maaaring isaalang-alang ng isang blogista ang kanyang kapwa, ang mga magbabasa, o kundi man, ay ang mga taong sa palagay nya ay mahihipo ng kanyang sanaysay. Masasagasaan. Mabusina ga!
Ang tanong:
MAY LIMITASYON BA ANG ISANG BLOGISTA SA KANYANG PAGSUSULAT?
Hindi ko kayang sagutin ang tanong na ito. Pero sa ganang-akin la-ang... siguro wala naman talagang nakatakdang pangkalahatang limitasyon, lahat may kalayaan, subalit sa pagsusulat ay maaaring isaalang-alang ng isang blogista ang kanyang kapwa, ang mga magbabasa, o kundi man, ay ang mga taong sa palagay nya ay mahihipo ng kanyang sanaysay. Masasagasaan. Mabusina ga!
Malimit kasi nakakalimutan ng isang blogista, kahit ito ay kanyang personal na espasyo, na bukas na aklat ito para sa lahat.
At nakatanim lagi ang kaisipang: Malayang pamamahayag. Tama 'yon, malayang pamamahayag. Kalayaang isiwalat ang sigaw ng puso. Subalit, kaakibat ng kalayaang mamahayag, ay ang responsibilidad at respeto sa opinyon ng iba. Kailangan din ang bukas at malawak na pang-unawa sa opinyon / kaisipan ng ibang tao. Bawal ang pikon. Talo ang pikon.
Dito tayo papasok sa ikalawa.
Ang blogista nga mismo ang magtatakda ng limitasyon, kung gustuhin nya, sa kanyang sarili, sa kanyang isusulat. Dito makikita ang moral o ang karakter ng isang blogista, base na rin kung paano isulat ang mga sanaysay. Ang estilo. Sa paggamit ng salita. Sa bawat titik. Bawat tuldok. Bawat panaklong.
Kaangkop nito, ay ang pagsasaalang-alang na rin ng iba pang mga taong kasama upang mabuo ang isang sanaysay o blog entry. Hindi maikakailang, malimit sa pagsulat ng isang blog ay namumulot o sumisipi ang isang manunulat ng mga kataga, talata, pangungusap, o maski na nga ng buong artikulo mula sa iba pang mga manunulat. Mabuti na rin at sa usaping legal, na kilalanin o banggitin ng isang manunulat ang pinagmulan ng mga talata sa kanyang sanaysay kung ito ay hindi rin naman sarili nyang katha.
Ito ang nagpapakita ng paggalang at respeto ng isang manunulat sa kanyang kapwa manunulat. Dagdag kaalaman sa usaping ito: http://www.wipo.int
Pangatlo, sapat na ba ang nakapagsusulat? Sapat na bang nakalilimbag? Sapat na bang may entry lang?

Noong isang buwan, kung saan ay sineryoso ko na ang pagba-blog (diba may ganon pang pa-epek), ipinangako ko sa aking sarili na dapat kahit sa isang araw ay may maisulat ako sa aking pahina. Hindi puwedeng wala akong maisulat.
Doon na nga pumapasok ‘yong mga walang kwentang entry. Masabi lang na may entry ako sa araw na ‘yon. Kung minsan ang iba, wala naman talaga akong kaalam-alam, basta makapag-paskil lang.
Doon na nga pumapasok ‘yong mga walang kwentang entry. Masabi lang na may entry ako sa araw na ‘yon. Kung minsan ang iba, wala naman talaga akong kaalam-alam, basta makapag-paskil lang.
Minsan nga ay napadaan ako sa pahina ni Mix, doon ko napulot ang aral na kailangan bang sumulat o mag-iwan ng puna kahit wala ka namang alam sa nakasulat. Masabi nga lang na pumuna ka, o may naisulat ka. Sa totoo lang wala naman talagang masama eh, ‘yon nga lang isaalang-alang rin natin na “alam ko ba ang isinusulat ko?”. Kung hindi ko alam, bakit kailangan kong sumulat? ‘Yon na nga ‘yong tanong, sapat na bang katwiran ang may maisulat lang, kahit wala akong alam? O mas mabuti pang basahin nalang at hindi nalang magsalita kung wala rin lang namang buti ang iiwang puna. Sabihin nalang nating dagdag kaalaman nalang. At sa susunod, kung alam na natin, e’di doon magiwan ng puna o magsulat.
Simple lang:
Kung hindi alam, hindi alam. Kung alam , alam.
Medyo magulo na ‘no? Maski ako, naguguluhan na rin.
Tigil ko na muna dito.
Hindi ko alam kung bakit ako napunta sa usaping ito. Ang tanging layunin ko lang naman talaga ng umpisahan ko ang entry na ito ay upang ipakita ko ang listahan ng aking mga ka-blog – na kahit naman papaano ay dumarami rin. Kahit naman pala papaano ay may nagbabasa rin at tumatapak sa munting pitak kong ito. May nakikilala. May nagiging kaibigan.

At talaga naman, naka Feedjit na ako.. sabi ni Lyzius, dito raw malalaman kung nilalangaw ang pahina mo… natakot tuloy ako noong una na maglagay nito. Kasi baka nga langawin lang ang aking pahina at sa bandang huli ay ipang-iwang nalang… nakakalungkot naman.
Pero dahil na rin sa natuwa naman ako sa mga bandila ng Feedjit na ‘to, naglagay rin ako. Langawin o ipang-iwang man ang aking pahina ok na rin – kahit papaano may gamit… he he he™
Sa kasalukuyan, sa tingin ko naman ay hindi nilalangaw.
May sadyang bumibisita.
May sumusubaybay.
May dumadalaw.
May napadaan lang.
May naligaw.
May langaw.
May spyware.
Kahit naman papaano, hindi na maituturing na isang pang-iwang ang munti kong pahinang ito.
Ok na sigurong langawin nalang, ‘wag lang ipamunas ng mamasa-masang puwet.
Pasing-tabi na nakain.

2 comments:
mabuhay ang ofw bloggers!
Post a Comment