ang blog na ito ay mula sa panulat ng isang mangyan galing ng oriental mindoro
Sunday, 13 April 2008
Ulat Panahon ni Kuya Kim, Mike E. at Peter P.
Eto na naman at feeling Kuya Kim A. ulit ako... para sa ulat ng panahon dito sa Jeddah.
Interesting kasi ang lagay ng panahon ngayon sa dakong ito ng mundo. Gaya nga ng mga nauna kong entry, lagi na laang makulimlim, parang laging uulan. Malamig ang simoy ng hangin, eh obsyut na obsyut naman na malayo pa ang Pasko. Minsan naman eh saksakan ng banas!
Sa pangkaraniwang panahon, o halimbawa na laang noong isang taon, ganitong buwan sa lugar na ito, eh pagka-init-init na. Wala nang kung ano-anong kaartihan noon ang Inang Kalikasan, basta mainit nalang. Nakakapaso ang mga bakal na babad sa araw.
Pero ngayon taon nga, eh medyo nag-iinarte ang panahon. Kasi nasa ika-apat na buwan na tayo ng kasalukuyang taon, eh wala pa ring kongkretong lagay ang panahon.
Pero ang maganda lang, kahapon, ika labing dalawa ng Abril taong dalawang libo at walo, sa ganap na ika dalawan ng umaga ay bumuhos na ang ulan dito sa Jeddah. Sa wakas, natuloy rin. Kahapon pa 'yon, opo kahapon pa umulan, huli lang ang entry.
Hindi ko na rin nga namalayang umulan eh, kasi alas-dos ba naman, sa mga oras na 'yon pihadong tulog na tulog na ako noon. Kaya umaga ko na lang nalaman na umulan, dahil na rin baha sa ilang bahagi ng compound. At base na rin sa dami ng nagkalat na sanawan sa paligid ng compound kinaumagahan, eh masasabi kong may kalakasan ang pag-iyak ng langit noong madaling araw.
Kahapon 'yon, kasi ngayong umaga naman, eh balik sa dati... wala na namang wenta ang panahon. Hindi mo alam kung uulan, iinit, magsa-sandstorm.. o ewan, tanging panahon lang ang nakakaalam.
Yon ang ulat ng panahon.... eto po si Kuya Kim... at para sa dagdag kaalaman, narito ang si Ginoong Peter Pasion:
Peter, pasok!!!!
Peter: Mike ikaw ba yan, tantanan mo na ako?! Kuya Kim?? Kuya!!!
To my friends who enjoy a glass of wine. and those who don't. As Ben Franklin said: In wine there is wisdom, in beer there is freedom, in water there is bacteria. In a number of carefully controlled trials, scientists have demonstrated that if we drink 1 liter of water each day, at the end of the year we would have absorbed more than 1 kilo of Escherichia coli, (E. coli) - bacteria found in feces. In other words, we are consuming 1 kilo of poop. However, we do NOT run that risk when drinking wine & beer (or tequila, rum, whiskey or other liquor) because alcohol has to go through a purification process of boiling, filtering and/or fermenting.
Remember: Water = Poop, Wine = Health
Therefore, it's better to drink wine and talk stupid, than to drink water and be full of shit .There is no need to thank me for this valuable information: I'm doing it as a public service.
Salamat sa inyong pagsubaybay... Kami po ang Patrol ng Pilipino, Nagbabalita sa Inyo Bente Kwatro Oras, Dahil di Natutulog ang Balita sa Sama-sama nating pagiging, Saksi!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
He he he he..para po sa inyong kaalaman...di po ako lasinggero...manginginom lang po!ung sapat lang na maging makulit para gumanda ang usapan...at wag po nating ilalagay sa ulo para walang gulo...ako po ang inyong...SAKSI! ha ha h a ha
Hehehe..aba naman at extra pa ang namesung ni pedro dito...maloko nga itong pedro na ito at me internet exposure...gusto mo ng pichur nya habang nagvivideoke?
siguro pwede nang isama ang sarili ko sa matutwa kasi umulan pero hindi eh, umulan nga pero wala kaming tubig sa banyo kaninang umaga - wisik wisik na naman ang nangyari ang ikinatatakot ko baka masanay na lang ako sa wisik...... he he he I wish pati sa banyo namin umulan.
pwede mo nang palitan si kuya kim...=)
para sa iyong katanungan,,,may sagot na po ako...dalaw nalang po kayo ulit sa bahay ko=) at andun po ang hinihingi nyong kasagutan...=) add po kita ha..=)
@ G. P.
wala naman akong sinabing lasenggo ka... mukhang depensive ah.. he he he...
@ lyzius
intresado tuloy ako sa picture ni G.P., wala bang video?
@ jmhe
sanayan lang 'yan.. damihan mo nalang ng wisik.. he he he
@ dra. rio
salamat sa payo.. add rin po kita.
Post a Comment