Bagong gupit ako ngayon.
Kagabi kasi kasama ang mga batang Jeddah, nagkayayaang magpagupit. Though hindi pa naman ganoon karami ang buhok ko, pero dahil sa tutal nandoon na lang rin naman kami sa barberya, e bakit hindi pa magpagupit. And this time, SR 10.00 lang ang gupit. Pako kasi ang maggugupit.
Note: Sa hindi naman medyo katagalang panahon ng pagtigil ko dito sa Jeddah, pangalawang beses pa lang ito na ako ay nagpagupit sa ibang lahi (Pako o Pana), kasi may Pilipino talagang gumugupit ng buhok ko dito. Medyo may tatlong beses na mahal kesa sa gupit ng ibang lahi (plus tip) pero sulit naman ang gupit. Kasi nga kung Pinoy ang gugupit sa Pinoy eh sigurado maganda ang kalalabasan, kasi kahit papaano alam nang Pinoy ang panlasa ng kapwa Pinoy sa gupitan.
Kung “good tipper” ka, sigurado sulit na sulit ang serbisyo. Kasi hindi lang gupit ang ibibigay sa ‘yo, meron pang shampoo (hindi ka bibigyan ng shampoo ha, i-sha-shampoo ang buhok), kung medyo marami na rin begote at balbas eh kasama na ring tatabasan, at sa huli meron ka pang masahe. O diba, saan ka pa, not to mention ‘yong ang mga sandamak-mak na kwentong barberya habang naggugupitan. Kaya sulit naman ang bayad, kahit medyo may kamahalan.
Unang sumalang sa gupitan si Bert (medyo hydrated-curly-tips-though-a-bit-oily type ang buhok), regular na kasing parokyano dito si Bert, kilala na nga sya noong dalawang Pako eh. At kasabay nya si Kuya Erik (regular healthy hair - parang buhok ni Joseph na kaswela ko noong hayskul), na first taym rin sa barberya na ito, though hindi ito ang mga unang pagkakataong nagupitan sya ng ibang lahi.
Habang nakasalang ang dalawa, panay naman ang bulong ni Elvs (isa ring batang Jeddah) sa telepono. Di ko sure kong me kausap o bumubulong ng orasyon. Ako naman at si Genaro (batang Jeddah pa rin - Tirador ng Danube) eh ginawang studyo ang barberya, he he he… kami lang kasi ang nagpapagupit nang mga oras na ‘yon at walang ibang lahi maliban sa dalawang Pako na nagugupit kay Kuya Erik at Bert.
Opo, ginawa ngang studyo, kasi pichur dito, pichur doon, posing dito, posing doon ang nangyari. Lahat ata ng anggolo eh nakunan ng larawan. At join na rin sa pichuran si Elvs ng matapos ang “bulungan sa N95”.
Nang matapos nang gupitan si Bert at Kuya Erik, eto na ako (regular na type ang buhok ko kung konti pa lang, pero pag dumami na, nagkakaroon na sila ng sari-sarili nilang buhay, hindi na sumusunod sa suklay) na ang sumalang. Katakot-takot na paliwanagan na naman kung akong gupit ang gusto. In peyrnes ha, alam ng Pakong ito ang “barbers-cut”. Ito ang mahirap kung magpapagupit sa ibang lahi, mahirap ipaliwanag ang gusto mo, mauubos ang Urdo at Arabic mo maipaliwanag lang ang gusto mong gupit. Noong huling pagupit ko sa ibang lahi eh nauwi ang lahat sa kalbo (the safest choice).
Sumalang na rin si Elvs (hair-gel-dependent-type ang buhok, para lang kasing tambo sa ulo kung walang gel ang buhok - lalo na kung marami na) sa kabila. At nag-umpisa na ang gupitan.
Gupit.. gupit… gupit..
"My friend, sweya here… hena hada sweya-sweya, sa? La, mafi kati, hada sweya."
(nagpapaliwanag lang na sa bandang likod eh konting bawas lang, trim ga.)
At natapos nga ang gupitan. Tahimik na gupitan. Ano naman in-expect ko ? Na makipag-kwentuhan ‘yong Pako sa akin habang ako ay ginugupitan? Eh ano naman kaya ang paku-kwentuhan namin? He he he…
Kaya natapos na nga ang gupitan… ano kaya ang resulta?

So far, 10 o’clock na, parang wala pa ring nakakapansing bagong gupit ako.
5 comments:
nyahahaha,,,patay ang butiki sa buhok mo...ako hindi pa nagpapagupit simula dumating dito...ang mahal eh
nice hair cut ha...=)
dapat my side view, back view, front view na kuha...hehe=)
@lyzius
lam mo wala pa ata akong nakikitang butiking Jeddah dito, kaya siguro wala namang babagsak na butiki... eh di super haba na ng hair mo??? hanggang talampakan na ba? magkano gupit dyan?
@doc rio
maraming salamat... sigurado ka ha nice hair-cut, walang stir yan ha...kasi babalik ako mamya dun para mabigyan ng tip (di ko kasi natipan last nayt)..
'yong mug-shot ko maya-maya... he he he
walang nakapansin na ginupitan ka? ginupitan ka ba talaga?
@IFM
ako bagong gupit.. hindeeee..., bagong ligo lang, kaw naman di na mabiro... he he he
Post a Comment