Syempre, ang pamilya ko – ang tatlo kong kapatid, ang lola at lolo ko na nagpalaki sa amin, ‘yong mga pinsanin ko, mga kaibigan ko, at syempre ang barkada ko.
Sunod syempre na na-miss ko ‘eh ‘yong mga pagkain sa Pinas. Though dito nakakapagluto naman ng lutong Pinoy, pero iba parin talaga kung asa Pilipinas ka. Kasi hindi ka na maghahagilap ng ibang sangkap na isasahog. Lalo ang sahog na adobo at sinigang na baboy! Kangkong at Mama Sita Sinigang Mix lang ang mahahanap dito, asa pa na puede ang karneng baboy dito, he he he. Bawal kasi ang karneng baboy dito.
Sa dami rin ng fastfood dito, akala ko wala akong mami-miss. Though batang McDo ako, syempre kahit papaano kumakain pa rin sa ibang chains. Merong Pizza-hut, Sub-way, Dominos’, Dunkin’ Donuts, Popeyes halos lahat ata ng fastfood chins dyan sa atin eh meron rin dito, maliban pala sa Wendy’s, at ‘yong Carls JR sa Pinas eh Hardee’s dito at syempre ang Proud to be Pinoy na Jollibee.
At dahil nabanggit na rin lang ang Jollibee, parang napapakanta tuloy ako ng:
I love you Sabado, pati na rin Linggo.
Hintay ka lang Jollibee nan’dyan na ‘ko.
Panlasang Pilipino,
At home sa Jollibee!
Hanggang sa: Isa pa! Isa pang Chicken Joy!
Kasi nga diba batang McDo ako, hindi naman dahil sa hindi ako makabayan, mas nasasarapan lang ako sa burger ng McDo, kanya-kanyang panlasa lang ‘yan. (tama na ang paliwanag!)
Nang dumating ako dito, sabi ng ibang Pinoy eh merong daw dating Jollibee dito, kaso nga that time siguro eh Pilipino lang ang market ng Jollibee kaya matapos ang ilang panahon eh nagsara rin. Nung nalaman ko ‘yon, batang McDo man ako, eh parang nalungkot naman ako. Para bang nandun ‘yong pananabik sa Chicken Joy. Parang saying! ‘di ko na inabot.
At makalipas nga ang ilang taon – mga ilang buwan na siguro ang nakararaan eh usap-usapan na dito sa Jeddah ang muling pagbubukas ng Jollibee. Syempre excited ang lahat. Though that time bali-balita pa alng ang lahat at wala pang matibay na ebidensya na makakaroon na nga ng Jollibee dito sa Jeddah, eh andoon ‘yong tuwa ko.
Hanggang sa kagabi, matapos kaming magpagupit eh napadaan kami sa Jeddah Internation Market, kung saan itinatayo ang bagong Jollibee.
Eto medyo madrama, kahit na nga batang McDo ako (kaasar na ba, paulit-ulit ‘no?), pero parang proud na proud ako bilang Pinoy. Akalain mo ‘yon at nakarating na muli dito sa Jeddah ang Jollibee. Medyo exaggerated man, pero parang mangiyak-ngiyak ako. Kahit pa magtinginan ang iba nating kababayan sa akin kagabi at iwanan ako ni Kuya Erik na mangiyak-ngiyak na nakatunganga sa harap ng ginagawang Jollibee – pakialam ko sa kanila, eh naiiyak ako eh.
At natapos na nga ang aking ka-dramahan.
Mabuhay ka Pinoy!!!
Ano? Ja-Jollibee ako, join kayo?
9 comments:
join ako dyan. hehehe... astig nga naman talaga ang jonibee (as some kids call it). tsaka hindi mo na rin nabangit ang masarap na stapegi (as some kids also call it).
hay naku batang jollibee ako, kung si casuy nga eh bajaboo...di ko alam kung saan napulot ni casuy ang bajaboo samantalang ang lahat ng bata eh jabi ang alam... cheeseburger lang ang gusto ko sa mcdo pero the rest, bajaboo talaga ako...dito rin me jolibee pero hindi makulay na ganyan...kulay white lang tas me kasosyo pang round table pizza... ewan ba dun...
oh tlga may jabi na jan...at least tunay na jollibe ang sa dubai kc prang wla lng di ganyan ang style...di nga ako nakakain dun ni minsan..ewan ko lng c lyzius kung lagi ba dun
@dong
uu nga sarap ng stapegi dun, at tyempre tiken joy!
@lyzius / islander
he he he, o diba mas makulay ang jeddah.. walang pang exact date kung kelan ang bukas, pero sigurado dudumugin 'to sa opening, 'di lang ng mga pinoy, pati pana (ewan lang ha, kasi familiar sa kanila ang jabi).
eh kahit ako nga naiiyak isipin lang na anytime aalis ako. kahit andito pa ako sa pinas parang feeling ko sobrang bigat ng loob ko pag iniisip kong hindi ko madadala sa pupuntahan ko ang pinas. handa mo na panlibre mo dyan. pagbumukas yang jollibee dyan, ikaw ang taya. ililipat natin ang attendance sheet natin dun.
batang jollibee din ako eh. kung pinoy ka at laking pinas malamang pagdaanan ang pagiging jabi. ehehehe. pero tama ka na mas masarap ang burger sa mcdo. :D
sama ako..libre mo ako sundae...=)
laking jollibee din ako..masaya na ako dati kapag may uwi ang inay ko kahit isang burger lang..hati pa kami ng kapatid ko nun..=)
@IFM
di puedeng dalhin ang buong pilipinas pag-alis, kasi sigurado, mag-o-over baggage ka... he he he..
@KDR
diba sarap ng burger mcdo... pero syempre walang tatalo sa stapegi at tsiken joy ng jabi..
@Doc Rio
sige doc, sagot ko na ang sundae mo sa opening next week, pa-FEDEX ko nalang..
Thanks for writing this.
Post a Comment