Saturday, 31 May 2008

Konti ang Lakad

Noong nakaraang araw, ang headline sa The Morning Bolero Kronikels, “Nasaan ang Tsinelas Ko?”.


Natuwa naman ako usapang tsinelas na ‘to. Nagbalik tuloy sa alaala ng mangyan ang kanyang mga kwentong tsinelas sa bundok.


Isang mangyan ang pinababa ng bundok ng kanyang tribo para bumili ng na-uusong sapin sa paa. Tsinelas daw ang tawag nila dito, at usap-usapan na sa bundok ang ginhawang dulot ng tsinelas sa paa. Malambot, komportable sa paa, at talaga namang sigung-sigu sa paa lalo na sa mangyan na ang hobby ay maglakad ng kilo-kilometro at manghabol ng tamaraw.


Kaya naman agad na naghanda ang batang mangyan pababa sa bayan. Sininop ang mga dapo (orchid) na maaaring ipamalit ng tsinelas o kaya naman eh maibenta para merong pambili ng tsinelas. Sa paglalakad ng mangyan patungong bayan ay ganoon na lang ang kanyang kagalakang sa wakas eh magkakaroon na rin sya ng sapin sa paa. Nakikinita-kinita na nya agad ang kanyang sarili, soot ang bagong tsinelas na tumatakbo sa kaparangan.... habang hinahabol ng baboy ramo o tamaraw.


Makaraan nga ang ilang oras na lakaran, narating ng mangyan ang bayan.


Sa palengke parang may pista ng tsinelas. Maraming tsinelas ang nakalatag sa pamilihan. Iba-ibang laki. Iba-ibang kulay.


Ganoon na lang ang kagalakan ng batang mangyan - sa wakas eto na ang pinakhihintay nyang araw, ang araw na makakatikim ng tsinelas ang kanyang mga paa.


Para makabili, eh nag-alok muna ang batang mangyan ng dala-dala nitong dapo (orchid) sa mga nagdaraang mamimili, maging sa mga nagtitinda. At nang makabuo na nga ng sapat na halaga, yagyag na ito sa pinaka-malapit na tindahan ng tsinelas.


Batang Mangyan: Sandugo, ako pabili nito. (sabay turo sa tsinelas)


Tindera: Anong gusto mo? Ito, sampung piso lang. Ito singkwenta pesos.


Ang tsinelas na tig-sampung piso eh ang generic brand na halo-halong tsinelas, nakatali ang bawat pares para hindi magkawalaan ang kaliwa at kanan. Samantalang "branded" naman ang tsinelas na tig-singkwenta pesos kaya naman masinop itong nakabalot sa sarili nitong plastic.


Bago pa makasagot ang batang mangyan kung anong klaseng tsinelas ang gusto nya, eh iniabot na sa kanya ang tindera ng "branded" na tsinelas.


Tindera: Eto, sukatin mo muna ito, sandugo!


Tanggap naman ang mangyan at sinukat nga.


Aba, sigung-sigu! (kasyang-kasya) Maging ang kulay na asul ay bagay na bagay. Fit na fit, medyo inilakad-lakad pa nya para sigurado talagang komportable.


Hindi maipaliwanag na kasiyahan ang dulot sa batang mangyan ng maisuot nya ang kanyang kauna-unahang tsinelas.


Bigay nya agad ang bayad.


Nakangiting tinanggap ang tindera ang kanyang bayad. Bilang, bilang, bilang. At nakataas ang kilay na ibinalik sa batang mangyan ang ibinayad sabay bawi ng tsinelas.


Mangyan: Sandugo, bakit naman ganoon?


Tindera: Kulang ang pera mo sandugo, kung gusto mo ito na lang tig-sampung piso! Sabay abot ng tindera sa isang pares ng tsinelas na nakatali ang bawat dahon - kaliwa at kanan.


Tinanggap naman ng mangyan, at sinukat.


Kasya rin. Oki na rin ang kulay.


Nagbayad ang batang mangyan.


Habang papaalis ng tindahan, isinuot agad ang biniling tsinelas (hindi na nga inalis ang tali ng pares), pabulong-bulong lang ang batang mangyan.

Lakad... lakad... hakbang ang kaliwa, hakbang ang kanan. Nakatali pa rin ang dalawang pares...

Napabuntong-hininga nalang ang mangyan.

Mangyan: Kaya pala mura, konti lang ang lakad.

7 comments:

.::. Vanny .:. said...

wow! tsinelas! haha. ;)

bloghoppin! ;)

Anonymous said...

hhahhahha! grabe! parang tanga ako dito tumatawa mag-sa. kasi naman... hay naku.... ba't di kasi tinuruan ni mamang tindero si batang mangyan na dapat tanggalin ang tali.

PoPoY said...

kung si nakitana ay natawa ako naman ay naluha.

naawa ako sa batang mangyan. kung nandun alng ako baka inabunohan ko na lang ang kulang pambili ng tsinelas nya.

magandang gawing INDIE FILM ito ME.

ang galing naman ng pagakakasulat kahit may humor sa huli.

ayos!!!!

nakalagok na naman ako ng dosage ng kultura ng mangyan :)

Rio said...

hahahahaha......kaya pala mura dahil maliit ang lakad..naman naman naman!!
nakakatawa tong kwento mo mangyan!! mangyan ka tlaga!! hehehe

Si Me said...

vanny, maraming salamat sa pagdaan, daan-daan lang, pede rin tumambay..

nakitana, oki lang tawa nang tawa, mahirap pigilan yan, baka mautot ka.. he he he... umalis na kasi agad ang mangyan kaya di na naipaliwanag na dapat alisin 'yong tali (excited ba.)

'poy...noong una natawa talaga ako, as in malakas, but habang sinusulat ko 'to, naisip ko 'yong realidad kung ano ang kalagayan ng mangyan at ng mga taong sa bayan...pang-Indie film??? mmmhh... salamat.

Si Me said...

doc, wala tayong magagawa, mangyan eh....alam mo bang after 2 days pa bago nakarating ulit ng bahay nila 'yong mangyan kasi nga konti lang ang lakad... he he he

Anonymous said...

akala ko ibinalik nya. ngayon ko lang nabasa itong lathalain na ito.di kasi me gaanong dumadalaw dito noon