Wednesday, 21 May 2008

New 7 Wonders Update

Mabilis na mabilis lang 'to mga kababayan ko.

Update ko lang tayo ng listahan ng New 7 Wonders of the World kung saan may apat na pambato ang bansang Pilipinas.


Narito ang updated na listahan as of today: 21 May 2008, 10:00 GMT



Patuloy pa rin ang pananatili sa Top 10 ng Tubbatah Reef ng Palawan at ang Chocolate Hills ng Bohol. Samantalang nakapuwesto na sa pang-sampung posisyon ang Subterranean River ng Palawan pa rin. Matatandang noong mga nakaraang linggo ito ay nasa ika 39 posisyon, at dahil sa patuloy nating pag suporta at pagboto eh pumasok na ito sa ika 10 puwesto.

Nakasama rin sa Top 77 ang Mayon Volcano at nakapuwesto ito ngayon sa ika 33 posisyon.


Muli patuloy po akong nanawagan sa ating pagsuporta at pagboto sa ating mga pambato.


Mabuhay ka Pilipinas!

1 comment:

ifoundme said...

salamat at niremind mo kami ulit.... kelangan makapagvote ako. yan ang isa sa mga ipopost ko ngayong araw na to