“Sadik, yahla! Lets go to JIM!”, o kaya, “Kabayan, JIM tayo.” diba astig, sounds healthy and fit pa..
Well, obsyutli hindi sya nag-klik kaya, Sarawat na lang for short.
Namasyal lang kagabi, para “magpababa” ng kinain, at the same time ehersisyo na rin. Ilang kilometrong lakarin rin ‘yon, one-way lang naman, gagabihin na kasi ako kung maglalakad pa ako pabalik.
Hindi naman kainitan kagabi, kasi medyo nagbabadya ang langit na umulan. Pero alam mo naman ang langit dito, puro banta lang… wala rin, hindi rin umulan, the good thing is, malamig ang simoy ng hanggin.
Balik sa Sarawat. Ang sadya ko talaga sa Sarawat ay para tingnan kung nagbukas na ba ang Jollibee. Though pakiramdam ko eh hindi pa nagbubukas, nag-bakasakali na rin ako.
Pasok sa Gate 2
Deretso lang.
Kanan.
Kaliwa… at konting deretso.
Jabi na!!!!
Kung bukas na ang Jollibee, mukhang hindi pumatok, kasi walang katao-tao sa paligid, maliban sa mangilan-ngilang nag-go-grocery.
Silip ko.
Sarado pa.
Nakapinid pa ang pintuan.
Sa taas isang malaking karatula ang nakapaskil.
Soon to Open! (how soon is soon??, sabi next week, eh next week na this week ah?!)
Dahil bigo, naglibot-libot nalang sa grocery. Baka may mabili.
Kahit na sikat na tambayan ng mga Pinoy ang Sarawat eh hindi naman ako madalas mapatambay dito. Sa Balad ang tambayan ko – parang Divisoria ng Jeddah sa dami rin ng Pinoy. Sa Balad kasi puede kang tumawad, dito sa Sarawat, walang tawaran. Basta ‘yon na ‘yon.
Punta ako ng grocery, sa may gulayan.
Hulaan nyo kung ano ang aking nakita?
Common knowledge na dito sa Jeddah kung gaano kamahal ang mga Manga galing ng Pilipinas. Bukod kasi sa super bango ito eh talaga namang matamis. FYI: 24.95 Riyals per kilo ng manga dito, kumpara sa manga ng India at Pakistan na 9 Riyals per kilo lang.
Diba, ginto ang presyo.
Pero kahit ganoon ang presyo, eh lagin ubos pa rin.
Bukod sa manga, isa pang nakatawag pansin sa akin eh ang pinatuyong kamyas at ang dahon ng saging.
Opo, pinatuyong kamyas, ‘yong masarap isama sa sinaing na isda, tapos kung ubos na ‘yong isda at said na rin ‘yong sabaw sa palayok eh puede mong iprito. Magkano per kilo?
SR 25.95

At ang dahon ng saging, per kilo na rin ang bentahan. Hindi ko lang alam kung saan ginagamit ang dahon ng saging dito, pero mukhang mabenta rin. magkano?
SR 24.95
SR 24.95
Diba dyan sa atin parang wala lang ‘yong pinatuyong kamyas at dahon ng saging, dito sa Saudi ginto ang mga ‘yan.
Balak ko tuloy sa pagbakasyon ko at pagbabalik dito eh magdadala ako ang pinatuyong kamyas at bumbong ng dahon ng saging…
Hindi nga lang pala dahon ng saging meron, pati saging na saba. Sa Mindoro halos araw-araw eh dyip-dyip ng saging na saba ang inilalabas, di ko lang alam kung saan dinadala – as in maraming-marami, sagana sa suplay. Sa dami nga ng saging eh kalimitang baboy na lang ang nakikinabang.
Alam nyo ba kung magkano ang kilo ng saging na saba dito?
SR 24.50
Ang isang kilo halos apat na piraso lang.
Sabi nga : One Man’s trash, is another man’s gold. (‘di ko alam eksakto kung ganyan talaga yan, but that’s the thought)
8 comments:
mahal naman nyan...dito bihira ang saba..sa de belchoir lang ako nakakakita nun pero madalas wala. ang saba kasi ng indiano di ba parang latundan at lakatan lang. di feel kainin...
ang pinatuyong kamyas dito, 15.95 dhs ang isang pakete.1/4 kilo ata. ang dahon ng saging naman 10 dhs ata di ko sure kasi di ako bumibili
tagal naman magbukas ng jabi dyan... naiinip na akong mailibre mo..hehe
Diba dyan sa atin parang wala lang ‘yong pinatuyong kamyas at dahon ng saging, dito sa Saudi ginto ang mga ‘yan.
>>> pambihirang kamyas. sana ang mga damo ay kakainin na rin ng mga arabo para yayaman ang pinas.
yang jabi na yan dyan ay may pagka-filipino time din pala.
waaa. ang mahal ng pinatuyong kamyas at yang dahon ng saging hinahataw ko lang yan eh heheh :)
grabe iba talaga pag nasa ibang lugar ka :)
kuya. mukhang inaabangan mo ang pagbubukas ng jabi ah. weee...
kapag bukas na kain ka ah. tapos picture picture!
parang sobrang xcited mo na sa Jabi nyo dyan sa Jedah ah..heheh meron din kayang TLC
lyzius, uu nga sobra mahal talaga, syempre pagdating dito eh imported na (nagbayad na ng tax). nakapakete na ang kamyas dyan, dito kanya-kanyang salok lang, 'yong sigurong dahon ng saging eh para sa pamamalantsa...
doc, tama ka, sobra-pa-sa-over na excited ako sa pagbubukas nag jabi..
dong, alam mo baka puede rin ang damo, kasi konti lang ang damo dito, kaya di imposibleng sa mga darating na panahon eh mag-aangkat na rin sila ng damo, eto 'yong damo sa garden ha, not hte other type..he he he
'poy, sobra mahal at mahalaga talaga, kaya ng sa putchero eh kung puedeng isama na pati balat ng saging na saba eh isasama para sulit ang binayad. 'yong dahon ng saging importante rin sa pamamalantsa kasi importante ang makintab na liston ng pantalon.. he he he
king daddy, uu ba, manlilibre pa ako.. he he he, basta sa opening, kita-kits nalang tayo, hanapin nyo lang 'yong mangyan na nakabahag... he he he
d. islander, siguro naman walang "TLC" question dito, kasi kahit sa mga turo-turong burger chain dito eh prerequisite ang TLC, meron pang fries na kasama 'yon sa ayaw at sa gusto mo.
Post a Comment