Tuesday, 13 May 2008

Trapik sa Jeddah

Ngayong mga panahong ito kung mag-iikot-ikot ka sa lungsod ng Jeddah, eh sigurado puro nalang hukay at katakot-takot na gawaan ng kung ano-ano ang mga kalsada at kalye. At natural kung may ginagawang kalsada, TRAPIK!!!

Opo, kahit naman papaano eh nagta-trapik na rin ngayon dito. Kahit gaano pa man kaluluwang ang mga kalsada dito eh nakaka-trapik pa rin. Akala ko noon eh sa Pinas lang ang trapik, lalo na kung galing ka ng Sta. Mesa papuntang Cubao via R. Magsaysay.. talaga namang kung medyo matulin-tulin kang maglakad eh, mas mamatamisin mo pa ang maglakad nalang. 

Noon 'yon kasi kahit naman papaano eh gumagana na 'yong tren papuntang Cubao (hindi ako sigurado kung MRT o LRT ang tawag doon, basta alam ko tren 'yon na naka-bitin). Ganoonpaman, sa baba ng riles ng MRT/LRT eh walang pinagbago trapik pa rin. Ang dami-dami pa ring pasahero, marami pa rin dyip, at naghambalang pa rin ang mga naglalakihang bus... at syempre (nakakahiya man) mawawala ba sa kalsada ang mga pasaway at nuk-nukang walang disiplinang driber at pasahero. 'Yong bang papara nalang kung saan saan.

Lahat na yatang paraan eh sinubukan ng ating pamahalaan para lang maibsan ang nakakaburat ng trapik na 'to, pero parang ganoon pa rin ('yong datus na ginagamit ko sa "ganoon pa rin" eh base sa mga huling araw ko sa Pilipinas noong nakaraang undas - maaaring nagbago na ito sa kasalukuyan).

Balik tayo sa Jeddah... dito halos ramdam na rin ang trapik, lalo na nga tuwing weekends ng gabi na ang lahat eh nasa labas ng bahay para mag-shopping, mag-tsai sa mga pampumblikong parke at 'yong umaga ng weekdays kung saan lahat eh halos sabay-sabay kung lumabas ng bahay para pumasok sa trabaho.

At 'yon nga, idag-dag mo pa ang kabi-kabila nalang na hukayan at gawaan ng kalsada.

Sabi ko nga diba, maluluwang ang mga kalsada dito, normal na hanggang anim na lane ang kalsada - one way lang. Ngalang kahit ganoon kaluluwang ang kalsada eh naroon pa rin ang trapik kasi nga mayamang bansa ang Saudi Arabia kaya naman ganoon rin karami ang sasakyan sa kalsada. Para sa mga katutubo ng lugar na ito, 'yong mga "dons", eh parang nagpapalit lang ng damit ang pagpapalit ng sasakyan dito.

Halos lahat ng sasakyan sa kalsada rito ay mga pribado, meron mang mga walang disiplina ring pampublikong sasakyan, pero hindi ganoon karami kumpara sa pampumblikong sasakyan.

Kaya bilang tugon ng hari sa lumalalang trapik: magpagawa nalang ng mga nagluluwangan pang mga kalsada at ang nauuso na ring nagtataasang fly-over, at maliliwanag na sub-way. Diba astig ang solution ng hari, mayaman eh.

Kasi sigurado hindi dito magiging epektib ang Odd & Even / Colour Coding ng MMDA sa atin, kasi sigurado lalong darami ang sasakyan. Kasi nga mayaman ang bansa, so ano ba naman kung bumili ako ng isang sasakyang pang-Odd at isang pang-Even... diba...he he he

So ang nararapat na lunas: MARAMING MALULUWANG NA KALSADA.

Haayy.. sa paglabas ng compound namin ngayon, nag-uumpisa na ang hukayan at pagbabarikada... 

8 comments:

Rio said...

may trapik din pala dyan....
buti nalang at nasanay kana dito sa pinas at hindi na bago yan sau...d bale pag uwi mo d2 sa pinas..wala pa ding pinagbago...trapik pa din at madami pa ding hinuhukay na maayos na kalsada...

kakabadtrip yang MMDA, PLDT at Maynilad na yan...pano, katatapos lang maghukay nung MMDA..aayusin...maghuhukay naman ang PLDT tapos sesementuhin n naman...tapos huhukayin na naman ng maynilad..tapos sesementuhin na naman...hindi b pwedeng mag usap usap ang mga yan para isang hukayan nlang???....maghuhukay pa sila kung kelanpasukan at tag ulan..
grr.........nanadya tlga!!

Si Me said...

doc medyo nasanay na rin, 'yong trapik naman dito hindi naman ganoon ka-heavy, ngalang medyo nakakapanibago kasi 2 years before di naman ganito. isa pa, dyan kasi sa atin nagta-trapik kasi maraming tao at sasakyan sa kalsada, dito maraming sasakyan lang, di kasi uso dito ang namamasyal ng walang tsikot.. he he he, kaya ayon punong-puno ng sasakyan ang mga kalsada...

kanya-kanyang hukay rin dito doc tulad dyan. huhukay ang saudi water, tapos saudi electric, hahabol pa ang saudi telecom, at kanya-kanya 'yon ha.. ngalang dito naman mabilis matapos ang hukayan, matagal na 'yong 3 araw at hindi rin problem ang ulan dito (di naman kasi umuulan dito eh), hinihintay pa nga ang ulan dito.

Anonymous said...

LRT 2 yung bumabagtas ng daan mula recto hanggang santolan. dumadaan yun sa cubao. pero yung MRT dumadaan din sa cubao. nga lang, ang ruta niya eh taft hanggang north avenue!

takte. kung ako sa kanila, bibili ako ng bagong bansa, para may paglagyan at daanan ang ibang kotse don.

Anonymous said...
This comment has been removed by a blog administrator.
Anonymous said...

kahit saan pala may traffic na din. so sigurado magkakatraffic dyan lalo soon dahil sa pagpapagawa ng marami pang maluluwang na kalsada.

dito naman sa toronto minsan din may traffic pero kadalasan ang dahilan dahil sa aksidente.

Si Me said...

salamat sa pagdaan missymisyel..

siguro nga sa lahat ng panig na mundo nagta-trapik.. and tama ka doon, pagdami ng maluluwang na kalsada baka patuloy pa ring maragdagan ang mga sasakyan, kasi kung maraming maluluwang na kalsada tapos konti lang ang sasakyan, sayang naman 'yong kalsada, he he he...

merci!

emotera said...

yan ang nakakainis sa mga hukay eh ang traffic...pero buti dyan mga 3 days lng tpos na ang hukayan eh dito sa pinas naku weeks and months ang bibilangin at sa liit ng kalsada one way ang nangyayari so late kn tlga lakad mu...

at eto pa pag naghukay sila at nagsemento na nagiging panget na ang kalsada dhil hindi pantay ang pagkakasemento o kaya naman hindi na sinesemnto kaya ayun lubak lubak na ang kalsada

Dakilang Islander said...

parang dubai na rin pala sa dyan...puro hukay at construction.

dito naman sa isla umaga lang may traffic eh single lane lang ang haba ng pila ng sasakyan walang pwd mg overtake kaya advantage ang scooter