Sa Amerika, bukod sa demokrasya, kilalang sagisag ng bansa ang Estatwa ni Liberty sa New York, ang Hollywood sa Los Angeles, at ang mga sikat at prestiheyoso nitong mga dalubhasaan / unibersidad.
Ang Australia merong Sydney Opera House at Great Barrier. May kanggaroo at koala bears pa!
Sa Asya, marami ring mga kilalang lugar, tulad na lang ng Great Wall ang China, ang pinakamataas ng bundok sa balat ng lupa ang matatagpuan sa Nepal. Ang Taj Mahal sa India, at ang naglalakihang Pyramid sa Ehipto. Syempre pa ang Tubbatah Reef, ang Mayon Volcano, ang Chocolate Hills with tarsier on the side, at ang "world class" na galing ng Pilipinas.
Nasa Asya na rin naman tayo, eh sino ba naman sa mga panahong ito ang hindi nakakakilala sa Dubai? Halos ata lahat ng “pinaka” ay nasdito. Ang pinaka-mahal na Hotel sa buong mundo. Ang pinakamataas na “Residential Tower” ng mundo (medyo hindi ang sigurado dito) at ang pinaka-mahaba at pinaka-modernong tulay sa buong mundo ay dito rin ginagawa. Marami pang “pinaka”.
Syempre magpapatalo ba naman ang Saudi, he he he (medyo bias, kasi taga-rito ako). Bukod sa nag-uumapaw na langis dito eh meron rin syempreng “pinaka” dito.
Kung ang mga nabanggit na bansa ay may kung ano-anong nagtataasan, dito sa Jeddah eh meron rin.
Dahil sabi ko nga mabilis lang ‘to.
Eto na, wala nang kung ano-anong palabok.
Ang pinakamataas na Fountain sa buong mundo.
Ang King Fahd Fountain o mas kilala bilang Jeddah’s Fountain.
‘Yon lang, galing ako dito kagabi. Pa-pichure lang..
8 comments:
wow! astig nga ito. ang taas.
huwaw ang taas ng ihi. may higante ba jan??? hahhah :) present!!!
WOW ANG GANDA!!
dong, wow at astig talaga, syempre pa mga pinoy ang nag-me-maintain ng fountain na yan.
'poy, higante ba ka'mo?? puede... he he he, pero merong higante dito ah, plugging ulit: minsan may post ako about fossils ng higante sa disyerto ng saudi, under "Believe Me" > "Higante".
vick, maraming salamat sa pagdaan.
ha? fountain yan? hindi kaya lasing na higante yan na umiihi? wala lang... medyo gumagana lang ng patiwarik ang utak ko. (kung ano man ang ibig kong sabihin nyan, hindi ko rin alam.) hihihi!
fountain pa ba yan parang tornado na eh..hehh sarap ata maligo dyann
ifm, uu fountain po 'yan... 'kaw kasi panay-panay ata ang tambling mo eh ayan meron ka tuloy "patiwarik-thinking-syndrome"...medyo bawas-bawasan ang pag-tambling ha.. twice a day nalang muna.. he he he
d. islander, para nga masarap maligo dito, pero di ko pa na-try, property kasi ng ex-hari yan, kaya super grawdiyado, pede rin 'yong parang sa cartoons na ito-toss ka sa taas tas andoon ka lang pa-bounce-bounce..
waahhh! asteg naman yun! parang malulula ka nga sa falling water na yan...hehehe-
-
wei
Post a Comment