Sunday, 8 June 2008

Manlalaro sa Kalsada: Moya Baridh Boy

Nag-uumpisa na ang “summer” o ang tag-init sa panig na ito ng mundo. Lagi naman talagang mainit dito, pero sa mga panahong ito, mainit na talaga. ‘Yon bang ramdam mo na kahit papaano. Medyo mas mainit ng ilang sentigrado sa nakasanayang init.

Sa umaga, di pa naman kainitan, ano ba naman ‘yong 36°C ng 07:00 ng umaga… normal lang ‘yon, ika nga “kasarapan” lang. Sa tanghali nasa 41°C na yan… oki pa rin, naka-A/C naman ang silid eh. ‘Yon ang dating panahon.

Pero sa mga panahong ito, ang init sa umaga eh parang init na sa tangahali. Talagang mainit. Sa kasukdulan ng tag-init, umaabot ang antas ng temperatura dito ng hanggang 51°C! Kahit ang simoy ng hangin sobra init. Parang hulab sa pugon sa sobrang init. At pramis hindi magandang idiya ang gumamit ng bintelador sa init ng hulab.

Nag-uumpisa ang tag-init dito ng mid-May, kasukdulan ng Agosto, at medyo humuhupa na sa katapusan ng Setyembre hanggang sa mangalahati ang Oktubre.

At dahil nga sa Summer na ngayon, pangkaraniwan nang makikita sa kalsada ngayon si Moya Baridh Boy. Mga nagtitinda ng tubig sa kalsada.

Ilabas mo lang ang 1 riyal mo sa bintana ng sasakyan, sigurado may mag-aabot sa’yo ng malamig na tubig. Nabanggit ko na ‘to sa “KALSADA” entry ko, pero ngayon lang kasi ako naka-kuha ng malinaw na kuha ng nagbibenta talaga ng tubig (as in may abutan). At dahil nga tag-init na, nagkalat na sila sa halos lahat ng kalsada ng Jeddah, hindi mo na sila kailangang hagilapin.

2 comments:

Anonymous said...

omg!! sobrang init nun.. shucks!

Si Me said...

pipita, mainit talaga pero sanayan lang rin. sa tanghali ang tubig galing sa gripo puede nang ipang-kape sa sobrang init. Pero pagkatapos naman ng tag-init bumabawi, kasi kung tag-lamig, sobra lamig naman.