Friday, 13 June 2008

Sukatan o Bas-ukan?

Mabilis na mabilis lang 'to. 'Sangtambak ang trabaho kahapon pa. Ngayon nga Biyernes na, dapat wala akong pasok, eh kailangan pang pumasok at mamasyal sa bago naming project. Anong project, later na lang...

Eto na.
Kagabi sinamahan ko kapatid ko na magshopping, kailangan nya kasi ng "tuxedo" para sa trabaho. Eh SALE 'yong napuntantahan namin. Natural kung SALE sangkatutak ang mga mamimili. Ang dami. Hindi nga siguro sa Pinoy lang ang ugaling kung me SALE eh sigurado dudumugin, kasi kabagi mangilan-ngilan lang ang napansin kong Pinoy, mas marami ang iba pang mga lahi.

Maraming mabibili, maraming mapagpipilian. Sa Men's Section, dami ring SALE, t-shirts, polo, shorts, pants, medyas, briefs, boxers, sandals, lahat na yata SALE.

May mga T-shirts na SR 10.00 lang ang halaga eh maganda na. Daig ko pa tuloy ang nag-ukay-ukay.
Nang makapili na ako ng mga tatlong pirasong t-shirts, hanap ko ang fitting-room, syempre kailangang sukatin.

Pagpasok ko ng fitting-room nagulat ako. 'Di ko tuloy alam kung fitting-room ba 'yong napasukan ko o storage room. Ang daming naka-bas-ok na damit. Ang kalat. As in makalat - nagkalat ang mga damit, nagkalat ang mga hangers.




Nagkalat ang damit at hangers sa loob. Buti sana kung nakasabit man lang, pero nagkalat lang sa sahig. Lahat ata ng mga sinukat at hindi nagustuhan eh iniwanan nalang doon. Akala ko tuloy eh closet 'yong pinasukan ko, o bas-ukan ng damit, "Fitting Room" pala.

No comments: