Thursday, 5 June 2008

Tsinelas

Weekend na naman sa panig na ito ng mundo, nag-uumisa kasi ang isang linggo namin dito ng Sabado. The good thing about the weekend, half day lang kami ngayon.

Natapos na naman ang isang linggo ko. Natapos na parang ganoon lang. Ang bilis-bilis kasi ng araw. Sa kalendaryo Huwebes na ngayon, pero pakiramdam ko eh Lunes palang. Ganoonopaman, hindi tungkol sa kalendaryo at araw ang entry ko sa araw na ito, kundi ang bago kong tsinelas!!!

Tsinelas pa rin.

Matagal ko nang balak bumili ng tsinelas. Pero dahil sa hindi naman ako ‘yong madalas naka-tsinelas kaya lagi ko nalang na-ipagwawalang-bahala ang pagbili nito.

Konting pagpapaliwanag lang kung bakit “hindi ako madalas naka-tsinelas”. Sounds defensive? Uu, defensive talaga ako. Opisina – bahay – simbahan – mall – jogging area lang naman ang ruta ko halos araw-araw.

Sa opisina naman eh naka-sapatos ako at safety shoes naman sa site.

Sa bahay maliban sa ilang minuto sigurong naka-tsinelas ako (pagpunta ng banyo, kusina, pagtambay sa lobby), the rest eh naka-tapak naman ako.

Sa simbahan (atin-atin lang 'to ha, uu, may simbahan rin ang mga Kristiyano dito, kahit bawal - under-ground church kung tawagin - kaya naman kung magkahulihan eh kulong agad tapos deport).

Sa mall naman, madalas kasing pagkagaling ng opisina eh diretso na ng mall, so naka-sapatos pa rin.

At kung tatakbo o jo-jogging naman ako, syempre hindi ko naman puwedeng gamitin ‘yong tsinelas o kaya ‘yong walking shoes ko (diba may walking shoes talaga ako), syempre dapat naka-running shoes ako.

So minsan lang talaga ako naka-tsinelas.

Last month na-intriga ako sa entry ni Doc Rio tungkol sa bagong labang tsinelas, at hindi lang basta tsinelas ha, havianas. Though that time, wala man lang akong ka-ide-idea kung ano bang ‘tong havianas na ‘to.

At bago pa man matapos ang buwan ng Mayo, nabanggit din sa The Morning Bolero Kronikles ang tungkol sa Havianas. Mukhang sikat ‘tong tsinelas na ‘to.

At noong Martes nga, naisipan ko nang bumili ako ng bagong tsinelas. Syempre Havianas, para naman malaman ko kung ano ba ang meron sa Havianang ito.

Kahit naman papaano eh available dito sa Saudi ang Havianas, lalo na sa mga tindahang ang main market eh mga Pinoy. Ang dami ngang Havianas, makukulay at medyo kakaiba sa pangkaraniwang tsinelas ang disenyo.


Marami ring kabayan na ngayon ko lang rin napansing Havianas pala ang tsinelas na suot. Mukhang nawala ata ‘yong Beachwalk at Islander sa sirkulasyon ah, na sikat na sikat rin. May kasabay nga akong bumibili na meron pang dalang listahan, with picture pa ha, ng mga design ng Havianas, pabili lang daw sa kanya galing sa Pinas (wala bang Havianas sa Pinas?), mas mura daw dito. Isang pares kasi eh natatawaran hanggang SR 35.00 (SR 1.00 = PhP 11.76).

Oki wala nang paligoy-ligoy, ang gusto ko lang naman eh ipagmalaki ang bago kong Havianas… he he he… naka-Havianas na rin ako.

Tadah!!!



Bow.

5 comments:

escape said...

hahaha... astig post! sosyal ka na rin. sa akin kasi habayanaz. ewan ko kung saan galing to. hehehe...

Rio said...

huwaw! buti ka pa meron na...ako? can't afford pa ding bumili nyan at wala talaga akong balak bumili..
psst!! baka naman gusto mo akong regaluhan para pamasko...deeply appreciated!!..thanks in advace..hahaha..

ganda ng kulay ah!! red and blue=)

Anonymous said...

hehehe wow! hay, ako never ako bibili nyan ang mahal kasi hanggang nga tag PHP700-PHP100 lang mga tsinelas ko sobrang mura. hehehe nagtitipid kasi ako.

Si Me said...

dong, naki-saucy.. he he he... ganoonpaman, havianas man o habayanaz, sa lupa pa rin nakatapak, dipa...

doc, can't afford ka dyan... ilang bagang lang yan eh solve na isang pares, he he he.. medyo mahal nga lang siguro dyan s'tin dahil sa mga tax na ipinapatong...malayo pa naman pasko ah??? tsaka di ko alam size...

pipita, nakabili lang ang mangyan kasi mura, ang huling tsinelas ko dyan sa atin eh 'yong tig 30 pesos na beachwalk, dala ko pa hanggang dito (napamahal na kasi sa paa ko) he he he...

Anonymous said...

sosyal! naku, mapipilitan ka nyang magpa-footspa para bagay sa havaianas. hehehe... ako, di ako pwedeng magsoot nyan dahil di bagay sa luya ang mga mamahaling step-in.
God bless!