Tuesday, 24 March 2015

Si Tatay Lino


Si Tatay Lino. Tay alam ko namang sa mga pagkakataong ito eh hindi mo na mababasa ang mga sanaysay na ito, pero alam ko namang nasa mas maayos na lugar ka na ngayon, kasama ang Panginoon…ganunpaman kung meron mang connection dyan eh maki-FB na laang muna.

FUN WALK
Si Tatay Lino ang aking lolo, asawa ng aking lola, at magulang ng aking nanay. Si Tatay Lino ang nag-pakilala sa amin sa walkathon. Ang mahabang lakarin mula Bongabong hanggang Luna (at balikan ‘yon ha)…mapalad na laang kung sa aming paglalakad ay dumaan ang dump track, at makisakay kami sa likod. Depende pa un sa truck. Mas mainam kung ‘yong track ng buhangin dahil buhangin at graba ang dating pasahero, eh kumusta naman kung track ng basura? Ganunpaman, sya pa rin ang aming gracious host tuwing napunta kami sa hulo.

KAIN TAYO
Pagkain ba ang hanap mo? Hindi laang basta kung anong pagkain…’yong kakaibang pagkain. Maraming ganyang kakanin si Tatay, ilan sa kaniyang mga paborito ang sinangag na guyam (‘yong may mainit nang kawali na naka-abang sa tirahan ng guyam at kakalugin na laang ‘yong tirahan, pag-bagsak mandin ng guyam at sinangag na), adobong kabog at bayawak – may ahas rin. Kung sanay na tayong makarinig na ginisa sa sariling mantika – eto ang matindi: NILUTO SA SARILING BAHAY!?? Hindi eto magugustuhan ni Pong Pagong.

HAPDI at PANATA
http://www.uckg.hk/bakit-sa-holy-week-lang/
Noong unang panahon eh isa si Tatay sa mga namamanata tuwing Mahal na Araw. ‘Yong naghahaplit ng pinagtagni-tagning kahoy sa likod na sinusugatan ng blade. Masakit ah. As in bago matapos ang penetensta eh duguan ang likod – tas ililigo sa dagat un…mahapdi mandin. At bago ang haplitan sa likod eh nagpapa-apak rin sa prosisyon. Nakaka-konsensya mandin apakan ‘yong mga nagpapa-apak sa prosisyon lalo pa na alam ko na isa si Tatay sa mga nakadapa sa daraan ng prosisyon…buti pa naman sana kung mamumukhaan, eh nakatakip ang mukha…actually “titisurin” laang naman talaga dapat, pero kung ang nakadapa eh ‘yong morion na nanghahabol – hindi tisod o apak – tungtong!

TULI
http://my_sarisari_store.typepad.com/my_sarisari_store/circumcision/
Si Tatay rin ang taong nasa likod ko nung ako’y tulian. Though prior to that “tulian” portion, eh nagtatago ako sa kanila ni Tatay Meo, kasi tuwing nauwi na laang sila sa bayan at nakita ako eh alam na ang tanong – “tingin nga kung tampos na, at pede na tuliin”. At nang dumating na nga araw na magbibinata na si tutoy – umaga, naligo (matagal na ligo), pumila ng walang salwal, at inipit na nga ang balat sa lukaw, at “pak!” nagkita ang labaha at lukaw…ang sakit mandin…and the rest as they say is history.

WALIS, BIBLIYA at PANANAMPALATAYA
Kay Tatay ko rin unang narinig ang ikapo. Tuwing gumagawa sya ng walis tingting na pambenta sa bayan eh naghihiwalay na sya para sa ikapo. Kung makatapos sya ng sampung walis tingting, isusubi na nya ang benta sa isang walis, para sa Panginoon. At kung dati eh wagas kung mamanata si Tatay, eh wagas rin yan mag-aral ng Bibliya. Sya ‘yong sa gitna ng usapan eh maglalabas ng Bibliya at babasahan ka ng ilang talata galing dito. Kahit malayo ang simbahan hangga’t kayang lakarin eh lalakarin. At tuwing nasimba laang naka-pustura si Tatay.

MAG-SUSUKA, MAG-UULING, MAGSASAKA, MANGANGASO, MANGANGALAKAL
Masipag si Tatay, kahit hindi naman kanya ang lupa eh tataniman, mag-uuling; at dealer ng suka sa mga piling sari-sari store sa aplaya. Masinop, kasi lahat ng mga napupulot na pwede pang magamit eh inuuwi sa bahay.

Sa huli, sya si Tatay Lino. Ang Lolo ko. Tay hindi na tayo naka-punta ng Vigan. Kumusta na laang sa mga kapamilya natin dyan. Hanggang sa muli nating pagkikita Tay. Hindi mo man madalas marinig na sinasabi koi to, pero alam ko naman na alam nyo – MAHAL NA MAHAL NAMIN KAYO.