Si Tatay Lino. Tay alam ko namang sa mga pagkakataong ito eh hindi mo na mababasa ang mga sanaysay na ito, pero alam ko namang nasa mas maayos na lugar ka na ngayon, kasama ang Panginoon…ganunpaman kung meron mang connection dyan eh maki-FB na laang muna.
FUN
WALK
Si Tatay
Lino ang aking lolo, asawa ng aking lola, at magulang ng aking nanay. Si Tatay
Lino ang nag-pakilala sa amin sa walkathon. Ang mahabang lakarin mula Bongabong
hanggang Luna (at balikan ‘yon ha)…mapalad na laang kung sa aming
paglalakad ay dumaan ang dump track, at makisakay kami sa likod. Depende pa un
sa truck. Mas mainam kung ‘yong track ng buhangin dahil buhangin at graba ang
dating pasahero, eh kumusta naman kung track ng basura? Ganunpaman, sya pa rin ang
aming gracious host tuwing napunta kami sa hulo.
KAIN
TAYO
Pagkain ba
ang hanap mo? Hindi laang basta kung anong pagkain…’yong kakaibang pagkain.
Maraming ganyang kakanin si Tatay, ilan sa kaniyang mga paborito ang sinangag
na guyam (‘yong may mainit nang kawali na naka-abang sa tirahan ng guyam at
kakalugin na laang ‘yong tirahan, pag-bagsak mandin ng guyam at sinangag na),
adobong kabog at bayawak – may ahas rin. Kung sanay na tayong makarinig na
ginisa sa sariling mantika – eto ang matindi: NILUTO SA SARILING BAHAY!?? Hindi
eto magugustuhan ni Pong Pagong.
HAPDI
at PANATA
http://www.uckg.hk/bakit-sa-holy-week-lang/ |
Noong
unang panahon eh isa si Tatay sa mga namamanata tuwing Mahal na Araw. ‘Yong
naghahaplit ng pinagtagni-tagning kahoy sa likod na sinusugatan ng blade.
Masakit ah. As in bago matapos ang penetensta eh duguan ang likod – tas ililigo
sa dagat un…mahapdi mandin. At bago ang haplitan sa likod eh nagpapa-apak rin
sa prosisyon. Nakaka-konsensya mandin apakan ‘yong mga nagpapa-apak sa
prosisyon lalo pa na alam ko na isa si Tatay sa mga nakadapa sa daraan ng
prosisyon…buti pa naman sana kung mamumukhaan, eh nakatakip ang mukha…actually “titisurin”
laang naman talaga dapat, pero kung ang nakadapa eh ‘yong morion na nanghahabol
– hindi tisod o apak – tungtong!
TULI
http://my_sarisari_store.typepad.com/my_sarisari_store/circumcision/ |
Si Tatay
rin ang taong nasa likod ko nung ako’y tulian. Though prior to that “tulian”
portion, eh nagtatago ako sa kanila ni Tatay Meo, kasi tuwing nauwi na laang
sila sa bayan at nakita ako eh alam na ang tanong – “tingin nga kung tampos
na, at pede na tuliin”. At nang dumating na nga araw na magbibinata na si
tutoy – umaga, naligo (matagal na ligo), pumila ng walang salwal, at
inipit na nga ang balat sa lukaw, at “pak!” nagkita ang labaha at lukaw…ang
sakit mandin…and the rest as they say is history.
WALIS,
BIBLIYA at PANANAMPALATAYA
Kay Tatay
ko rin unang narinig ang ikapo. Tuwing gumagawa sya ng walis tingting na
pambenta sa bayan eh naghihiwalay na sya para sa ikapo. Kung makatapos sya ng
sampung walis tingting, isusubi na nya ang benta sa isang walis, para sa
Panginoon. At kung dati eh wagas kung mamanata si Tatay, eh wagas rin yan
mag-aral ng Bibliya. Sya ‘yong sa gitna ng usapan eh maglalabas ng Bibliya at
babasahan ka ng ilang talata galing dito. Kahit malayo ang simbahan hangga’t
kayang lakarin eh lalakarin. At tuwing nasimba laang naka-pustura si Tatay.
MAG-SUSUKA,
MAG-UULING, MAGSASAKA, MANGANGASO, MANGANGALAKAL
Masipag
si Tatay, kahit hindi naman kanya ang lupa eh tataniman, mag-uuling; at dealer
ng suka sa mga piling sari-sari store sa aplaya. Masinop, kasi lahat ng mga
napupulot na pwede pang magamit eh inuuwi sa bahay.
Sa huli,
sya si Tatay Lino. Ang Lolo ko. Tay hindi na tayo naka-punta ng Vigan. Kumusta
na laang sa mga kapamilya natin dyan. Hanggang sa muli nating pagkikita Tay.
Hindi mo man madalas marinig na sinasabi koi to, pero alam ko naman na alam nyo
– MAHAL NA MAHAL NAMIN KAYO.
No comments:
Post a Comment