Sunday, 8 June 2008

Hgh Tech Homo Sapiens

As time evolves, human are becoming more and more dependent to the technology this world can offer. Almost all things are now being run by a computer.

Limitless.

Uncontrolled.

Having said that, this craze or the human dependency on computers are not limited by age group, by race, by the color of the skin, by social status, by gender.

This may prove that we have become far too dependent on this technologies, on our computers.

Just to test.

1. Are you male or female?

(please look down for the answer...)

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

See.... it's "LOOK DOWN", not "SCROOL DOWN".

Manlalaro sa Kalsada: Moya Baridh Boy

Nag-uumpisa na ang “summer” o ang tag-init sa panig na ito ng mundo. Lagi naman talagang mainit dito, pero sa mga panahong ito, mainit na talaga. ‘Yon bang ramdam mo na kahit papaano. Medyo mas mainit ng ilang sentigrado sa nakasanayang init.

Sa umaga, di pa naman kainitan, ano ba naman ‘yong 36°C ng 07:00 ng umaga… normal lang ‘yon, ika nga “kasarapan” lang. Sa tanghali nasa 41°C na yan… oki pa rin, naka-A/C naman ang silid eh. ‘Yon ang dating panahon.

Pero sa mga panahong ito, ang init sa umaga eh parang init na sa tangahali. Talagang mainit. Sa kasukdulan ng tag-init, umaabot ang antas ng temperatura dito ng hanggang 51°C! Kahit ang simoy ng hangin sobra init. Parang hulab sa pugon sa sobrang init. At pramis hindi magandang idiya ang gumamit ng bintelador sa init ng hulab.

Nag-uumpisa ang tag-init dito ng mid-May, kasukdulan ng Agosto, at medyo humuhupa na sa katapusan ng Setyembre hanggang sa mangalahati ang Oktubre.

At dahil nga sa Summer na ngayon, pangkaraniwan nang makikita sa kalsada ngayon si Moya Baridh Boy. Mga nagtitinda ng tubig sa kalsada.

Ilabas mo lang ang 1 riyal mo sa bintana ng sasakyan, sigurado may mag-aabot sa’yo ng malamig na tubig. Nabanggit ko na ‘to sa “KALSADA” entry ko, pero ngayon lang kasi ako naka-kuha ng malinaw na kuha ng nagbibenta talaga ng tubig (as in may abutan). At dahil nga tag-init na, nagkalat na sila sa halos lahat ng kalsada ng Jeddah, hindi mo na sila kailangang hagilapin.

Thursday, 5 June 2008

Manlalaro sa Kalsada: Padyak-Sadik

Gaya nga ng nabanggit ko noong nakaraan entry ko sa "Kalsada", eh sa mga susunod na araw ay ipapakilala ko sa inyo ang mga "manlalaro sa kalsada" ng Jeddah.

Bukod sa nagluluwangang mga kalsada dito, ano pa ba ang laman ng kalsada ng Jeddah. Meron na nga tayong "Water Boy" o ang "Moya Baridh boy" (mga nagbi-benta ng malamig na tubig), mga taxi, mga prebadong sasakyan, at mga pampublikong bus.

Kung akala mo sa Pinas lang merong padyak, mali ka dun.. spaghetti 'yon...

Ipinakikilala: Ang Padyak-Sadik ng Jeddah





Sa larawang ito, medyo delikado talaga, at malakas talaga ang loob ng Pakong ito, kasi sa national highway pumapadyak, nakikipagsabayan sa mga matutuling sasakyan. Kung masagi o "sagiin", sensya nalang ganun talaga ang buhay. Ano ba naman 'yong masagi at tumilapol ng ilang metro, malamang at sigurado bangasan pagbagsak.

Kalimitang mga Indiano, Pakistani, at Bangali ang makikita mo sa kalsadang pumapadyak, pero meron na ring mangilan-ngilang tayong mga kababayang Pinoy na pumapadyak na rin.

Ang pinagkaiba nga lang ng padyak ng tatlong unang nabanggit na lahi eh ang bisikleta ng Pinoy eh maporma (as ever). Pormang hindi mumurahin. Kahit bisikleta lang, makikita mong maayos at maganda ang tindig. Diba, Pinoy na Pinoy. Wala pa akong mailagay ng pichure ng Pinoy sa bisikleta, sabi ko nga mangilan-ngilan lang sila.


UPDATE

Kahapon ng hapon sa aking pag-uwi, na-ispatan ng aking ispay-kamera (feeling XXX) ang isang kabayang ito na naka-bisikleta. Papunta 'to ng baqala (tindahan), sa gilid ito ng aming compound. Alam ko kabayan ito, kasi sa lugar na ito mga Pinoy lang naman ang kadalasang naka-shorts - mapa-loob o labas man ng bahay.

Tsinelas

Weekend na naman sa panig na ito ng mundo, nag-uumisa kasi ang isang linggo namin dito ng Sabado. The good thing about the weekend, half day lang kami ngayon.

Natapos na naman ang isang linggo ko. Natapos na parang ganoon lang. Ang bilis-bilis kasi ng araw. Sa kalendaryo Huwebes na ngayon, pero pakiramdam ko eh Lunes palang. Ganoonopaman, hindi tungkol sa kalendaryo at araw ang entry ko sa araw na ito, kundi ang bago kong tsinelas!!!

Tsinelas pa rin.

Matagal ko nang balak bumili ng tsinelas. Pero dahil sa hindi naman ako ‘yong madalas naka-tsinelas kaya lagi ko nalang na-ipagwawalang-bahala ang pagbili nito.

Konting pagpapaliwanag lang kung bakit “hindi ako madalas naka-tsinelas”. Sounds defensive? Uu, defensive talaga ako. Opisina – bahay – simbahan – mall – jogging area lang naman ang ruta ko halos araw-araw.

Sa opisina naman eh naka-sapatos ako at safety shoes naman sa site.

Sa bahay maliban sa ilang minuto sigurong naka-tsinelas ako (pagpunta ng banyo, kusina, pagtambay sa lobby), the rest eh naka-tapak naman ako.

Sa simbahan (atin-atin lang 'to ha, uu, may simbahan rin ang mga Kristiyano dito, kahit bawal - under-ground church kung tawagin - kaya naman kung magkahulihan eh kulong agad tapos deport).

Sa mall naman, madalas kasing pagkagaling ng opisina eh diretso na ng mall, so naka-sapatos pa rin.

At kung tatakbo o jo-jogging naman ako, syempre hindi ko naman puwedeng gamitin ‘yong tsinelas o kaya ‘yong walking shoes ko (diba may walking shoes talaga ako), syempre dapat naka-running shoes ako.

So minsan lang talaga ako naka-tsinelas.

Last month na-intriga ako sa entry ni Doc Rio tungkol sa bagong labang tsinelas, at hindi lang basta tsinelas ha, havianas. Though that time, wala man lang akong ka-ide-idea kung ano bang ‘tong havianas na ‘to.

At bago pa man matapos ang buwan ng Mayo, nabanggit din sa The Morning Bolero Kronikles ang tungkol sa Havianas. Mukhang sikat ‘tong tsinelas na ‘to.

At noong Martes nga, naisipan ko nang bumili ako ng bagong tsinelas. Syempre Havianas, para naman malaman ko kung ano ba ang meron sa Havianang ito.

Kahit naman papaano eh available dito sa Saudi ang Havianas, lalo na sa mga tindahang ang main market eh mga Pinoy. Ang dami ngang Havianas, makukulay at medyo kakaiba sa pangkaraniwang tsinelas ang disenyo.


Marami ring kabayan na ngayon ko lang rin napansing Havianas pala ang tsinelas na suot. Mukhang nawala ata ‘yong Beachwalk at Islander sa sirkulasyon ah, na sikat na sikat rin. May kasabay nga akong bumibili na meron pang dalang listahan, with picture pa ha, ng mga design ng Havianas, pabili lang daw sa kanya galing sa Pinas (wala bang Havianas sa Pinas?), mas mura daw dito. Isang pares kasi eh natatawaran hanggang SR 35.00 (SR 1.00 = PhP 11.76).

Oki wala nang paligoy-ligoy, ang gusto ko lang naman eh ipagmalaki ang bago kong Havianas… he he he… naka-Havianas na rin ako.

Tadah!!!



Bow.

Sunday, 1 June 2008

Jeddah Fountain

Mabilis na mabilis lang 'to.... pramis.

Sa Europa, ang France ay kilala sa matayog nitong Eiffel Tower, sa Aleman nariyan ang Berlin Wall (nariyan pa ba?). At sino ba naman ang makakalimot sa “London Bridge is falling down…” ng London.

Sa
Amerika, bukod sa demokrasya, kilalang sagisag ng bansa ang Estatwa ni Liberty sa New York, ang Hollywood sa Los Angeles, at ang mga sikat at prestiheyoso nitong mga dalubhasaan / unibersidad.

Ang Australia merong Sydney Opera House at Great Barrier. May kanggaroo at koala bears pa!

Sa
Asya, marami ring mga kilalang lugar, tulad na lang ng Great Wall ang China, ang pinakamataas ng bundok sa balat ng lupa ang matatagpuan sa Nepal. Ang Taj Mahal sa India, at ang naglalakihang Pyramid sa Ehipto. Syempre pa ang Tubbatah Reef, ang Mayon Volcano, ang Chocolate Hills with tarsier on the side, at ang "world class" na galing ng Pilipinas.

Nasa Asya na rin naman tayo, eh sino ba naman sa mga panahong ito ang hindi nakakakilala sa Dubai? Halos ata lahat ng “
pinaka” ay nasdito. Ang pinaka-mahal na Hotel sa buong mundo. Ang pinakamataas na “Residential Tower” ng mundo (medyo hindi ang sigurado dito) at ang pinaka-mahaba at pinaka-modernong tulay sa buong mundo ay dito rin ginagawa. Marami pang “pinaka”.

Syempre magpapatalo ba naman ang Saudi, he he he (
medyo bias, kasi taga-rito ako). Bukod sa nag-uumapaw na langis dito eh meron rin syempreng “pinaka” dito.

Kung ang mga nabanggit na bansa ay may kung ano-anong nagtataasan, dito sa Jeddah eh meron rin.

Dahil sabi ko nga mabilis lang ‘to.

Eto na, wala nang kung ano-anong palabok.

Ang pinakamataas na Fountain sa buong mundo.



Ang
King Fahd Fountain o mas kilala bilang Jeddah’s Fountain.

‘Yon lang, galing ako dito kagabi. Pa-pichure lang..