Isang araw, kahit isang blog lang. Yan ang plano ko. Sabi ko hinding-hindi ko palilipasin ang isang buong araw o ang bente kwatro oras ng wala man lang akong maisulat sa aking blog. Kaya kagabi, medyo may kalaliman man ang gabi ay pinilit kong sumulat.
IE 7 ang gamit kong browser. Ok naman... hanggang sa noong isang gabi ay may nakita akong bagong version, IE 8, though it's still a beta pero try ko na rin. Syempre hindi ko lang alam kong common 'to sa lahat ng tao, na ang gusto natin ay nasa atin ang latest. Kaya naman download agad ako and install.
Matapos ang installation, ok.. astig ang porma. Dito sa IE version 8 na 'to, confirm na ngang nabili na ni Tito Bill ang Yahoo!, kasi sa toolbar nya, kung sa IE 7 halos lahat ng icon ay MSN or hotmail related feature, dito sa version na 'to, mixed na - at mapapansin mo na maraming icon ang para sa Yahoo!. Ok naman ang porma 'yon nga lang sandamakmak ang icons and shortcuts sa itaas - in-occupied na nya siguro 'yong 15% ng itaas na bahagi ng browser.
So ok na lahat diba? E'di punta agad ako sa blog site, ko.. tipa agad
http://me-blogkoto.blogspot.com
At doon nag-umpisa ang pakikipag-away ko sa aking sarili kung bakit ba naman nai-install-install ko pa ang version na 'to. Hindi ako makapag-login sa blog account ko. Meron kung ano-anong cookie and java settings pa na hinihingi. Sa madaling salita, naubos ang mahigit isang oras ko sa wala, at talaga namang nakatikim ng pagkarami-raming mura ang aking sarili mula sa akin bago ako nawalan ng pag-asa.
Hanggang sa huling subok, aba pumasok na. At nakakapag-blog na nga ako. Ok na, 'yon ang akala ko, kasi noong time na mag-i-insert na ako ng image, naghang ang browser at ang mga tinipa ko sa loob ng mahigit labinglimang minuto ay nauwi sa wala.
Kasi nga kahit papaano solid Windows ako, so na try ko rin na mai-publish 'yong blog - "Panaginip: Tubig", kaso walang image.
Huli na ng mapagisip-isip ko na hindi nga pala IE lang ang nag-iisang browser sa balat ng internet. Punta ako ng Safari, Firefox, Opera. At sa mga iyon tunay nga namang iba't-ibang karanasan sa bawat isa. Safari for windows, the best - basta kakaiba sya (now makes me think to convert from windows to mac), Firefox napaka simple - mama-maximized mo talaga ang buong space kasi konting-konti lang ang icons and short-cuts sa itaas na bahagi ng browser unlike IE 8. At Opera, gaya ng Firefox simple lang rin, pero hindi gaya ng Firefox na once installed diretso browse na agad. Sa Opera, may mga basic setups pa rin na kailangang i-set, but its a good news for mobile user. Kasi dito sa Opera, if you're using Opera on your mobile as your internet browser, puede mong i-synchronized ang mga nasa favorites mo sa 'yong PC to your mobile set, diba astig. At meron pa syang "Speed Dial" thingy..
Sa huli naisip ko rin na kaya nga pala binili ng Windows ang Yahoo! is to compete with Googles. So siguro sa umpisa, opinyon ko lang 'to, yong ibang Google features and products ay medyo hindi maa-accomodate ng IE, syempre ang produkto nila ang kanilang palalakasin.
So yon na yon... natulog ako kagabi ng may apat na browser installed. he he he
1 comment:
hirap kasi sa tao walang kasiyahan sa buhay. Nyahahaha
Post a Comment