Tuesday, 11 March 2008

Kahapon Lamang...

Kaninang umaga pagkagising ko, hindi naman sa hindi maganda ang gising ko, pero parang medyo inis pa rin. Matapos magpasalamat sa lumalang sa akin sa isang muli ay napakagandang umaga, para bang naalala ko kung bakit ba ako feeling puyat ngayong umaga. Pineste nga pala ako ng beta version ng IE 8. Hindi ga ako makapag-blog, sino gang hindi mape-peste noon.

Matapos maligo, siguro nadala ng tubig 'yong inis ko, kasi pagpasok ko sa silid ko parang ok na ulit. Isang tasang kape, at isang paketeng Kitkat (masarap na kumbinasyon sa almusal 'to).

Nang nakapaghanda na nga ako, so baba na ako ng bahay hintay na kasi 'yong service. Eto na... naranasan mo na ba bigla nalang kumakanta ang utak mo, at hindi mo namamalayang sumasabay ka na pala? Ganoon nga ang nangyari.. Kumakanta ang isip ko at ang hindi ko lubos maisip ay kung kailan pa ako naging fan ni Ate Shawee (chicharon...chicharon nga!!!)? Nag-umpisa kasi sa isang hit ni Ate Shawee ang kanta.. music please.

intro... intro... intro...
mmmmmm...mmmmm... oooohhhhh
Kahapon lamang....

Umpisa palang 'yon, nang bigla na lamang tumalon 'yong disc..

Ang aming bati.
Meri Krismas, na maluwalhati...
Ang pag-ibig ay syang naghari
Araw-araw ay magiging Pasko lagi..

Haayyy.. Pasko na ba? Pero malapit na ah.. siyam na buwan pa pala.... ooopppss.. pero malapit na rin. Sa sunod na linggo na rin ata pasko na rin, Pasko ng Pagkabuhay... he he he

Habang sumasabay ako sa pagkanta, napapangiti-ngiti lang ako..

Sana nga Pasko na ano... ganoonpaman, sabi nga ng kanta, araw-araw ay magiging Pasko lagi... at nasa atin na 'yon kung gusto nating maging Pasko araw-araw.

Gusto ba nating magising nalang lagi tuwing umaga na parang pang-sinakulo ang ating mga mukha na para bang may pumapalo sa ating likuran habang pasan natin ang mundo, o gumising tayong parang mga batang excited na excited sa regalong kanyang bubuksan sa ilalim ng Krismas Tri, sa araw ng Pasko?

Sabagay, ang bagong araw naman ay tunay ngang maituturing na kaloob o regalo galing sa dakilang manlilikha. Bagong araw, bagong buhay. Bagong buhay, bagong pag-asa.

Meri Krismas!!!

Tenkyu, tenkyu... ang babait ninyo.
Tenkyu.

No comments: