Masaya ako ngayong umaga. Hindi gasinong puyat, though may kung sinong taong wala atang orasan ang nagpa-ring ng telepono ko kaninang alas-dos ng umaga. Nang nagising na ako, medyo nahirapan na uling bumawi ng tulog. Pero ok pa rin, kasi nga maganda pa rin ang gising ko. Nanalo kasi si Manny sa laban nya kay Marquez so masaya.
Pagpasok ko kanina lang, though lagi naman akong dito dumadaan sa pintuang ito papasok ng office ko, ngayon ko nalang ulit nabigyan ng pansin ang dalawang larawang nakasabit sa pader. Ang alam ko, bago pa ako ipatapon sa site, eh tatlong kwadro dati 'to, pero sa aking pagbabalik dalawa nalang sila.
Pagpasok mo palang sa main lobby ng office namin silang dalawa na agad ang bubulag sa 'yo. Nakatitig. Walang kakurap-kurap. Noong bago palang ako sa kumpanyang 'to, as in bago pa lang talaga - bagong salta ng Saudi Arabia, ang buong akala ko noon ay silang tatlo ('yong mga larawang nakasabit sa pader) ang may-ari ng kumpanya ko.
Pagkakuha ng mga documento ko, sinamahan ako ng liaison namin sa ospital for furhter medical examination - na in the end kukunan ka lang ng blood sample. Sa ospital nakita ko ulit ang mga larawang nakasabit sa aming lobby... astig ah.. mayaman pala talaga ang may-ari ng kumpanya ko, kasi may ospital rin pala.
Matapos ang medical examination, company and work orientation, pinauwi na ako para nga raw makapagpahinga ako. Kasi, noong umagang 'yon ako dumating galing Pilipinas, pagbaba ng eroplano sa paliparan ay ibinababa ko lang sa tirahan namin ang aking mga gamit at diretso na sa opisina. Umuwi na nga ako. Syempre kailangan kong kumain... Al Baek agad... sa restaurant naroon rin at nakasabit sa pader ang mga larawan na nakasabit rin sa aming lobby at sa ospital kanina... lupet talaga ni amo, may ospital na, may restaurant pa, at may construction company pa.
Makaraan ang ilang araw... ilang linggo... ilang buwan... natural marami na akong nalibot. At napansin ko na rin na mga larawang nakasabit sa aming lobby, sa ospital, sa Al Baek, at sa ibat'-iba pang establisyemento sa Saudi Arabia ay ang parehong mga mukhang naka-imprenta sa mga salapi - mula sa Riyal hanggang sa Limangdaang Riyal..
Astig si amo 'no.... he he he.. pero hindi pala sila ang may-ari ng kumpanya ko, mali ka 'don, espageti 'yon!!!... sila pala ang Royal Family at prerequisite na nakasabit ang kanilang mga larawan sa bawat opisina at establisyemento dito sa Saudi Arabia - tanda ng paggalang.
Dalawa na nga lang pala ang nakasabit ngayon, kasi dalawang taon na yata ang nakararaan ay namatay na si King Fahad. Pinalitan sya ng naka-upo ngayon na si King Abdulaziz. Dahil patay na nga si King Fahad ay tinanggal na rin ang kanyang larawan, ngayon nga ay nag-uumpisa na ring alisin ang kanyang mukha sa mga pera at puro mukha nalang ni King Abdulaziz ang ilalagay kasi sya na nga ang bagong hari.
Hindi ko lang kilala kong sino 'yong isa sa mga Royal Family na naka-display sa lobby namin. Isa pa sa hindi ko alam eh kung bawal bang i-publish sa blog ang mga larawan nila... hindi naman siguro. Tsaka for info lang naman eh...
Long live the king!!!
No comments:
Post a Comment