Wednesday, 19 March 2008

Liham ni Kuya kay Bunso

Disclaimer:

Ang bukas na liham na ito ng isang kuya para sa kanyang bunsong kapatid na babae ay galing sa isang kuyang hindi nagpakilala o kaya nama’y nagtatago ang pangalan. Ganoon din sa bunsong kapatid na babae, na hindi rin alam ang pagkakakilanlan. Ang lahat ng pagpuna, papuri, sigaw, at kredits para sa bukas na liham na ito ay para lamang sa inyong dalawa – para kay Kuya at para kay bunso.

Ganoonpaman, ang larawan ng cute na cute at hunk na hunk na kuya, at ang larawan ng pagkaganda-gandang bunsong kapatid na babae (saan pa ba magmamana, e’di sa kuya), sa post na ito hindi na rin papangalan por sekyurity porposes, Naks! at hindi nangangahulugan na sila ang magkapatid na tinutukoy sa bukas na liham na ito.

Salamat rin kay Lyzius, at sa ‘yong mga bubuwit.

Dear Bunso,


Dalaga na ang bunso ng pamilya. Baka kung kani-kanino ka na nagpapaligaw nyan ah. Piliin mo naman. Okay lang naman kahit hindi mapera ‘yung nanliligaw sa ‘yo, basta ba may sariling kotse, bahay, at ekta-ektaryang rancho, pwede na ‘yun. Haha. Seriousli, di ko alam ang gagawin ko pag meron ka nang ipapakilalang boypren. Kakaliskisan ko ba? Pano ko kakaliskisan, pakuwadrado, pa-diagonal o pa letrang Zorro? Kelangan bang itak ang pangkaliskis ko o pwede na ang palakol?


Pasensiya ka na kung hindi kita mabigyan ng advice kung anuman ang pinagdaraanan mo ngayon. Kung tungkol sa ‘mens’, tanungin mo na lang si ate BebeMo. Wala nga akong idea kung bakit tinatawag na ‘mens’ yan e babae naman kayo, dapat ‘womens’. Kung naging lalake ka lang, andali lang sana ng role ko bilang kuya mo. Dadalhin lang kita sa beerhaus at ipapaubaya sa mga babaeng kasinluluwang ng Orocan ang pekpek na magtuturo sa ‘yo ng sakramento ng binyag. Tapos na. The end.


Medyo clueless pa rin ako sa pagiging kuya. Pilit ko ngang inaalala kung pano ba ako bilang kuya nung past life ko. Ang alam ko lang dati akong ‘kuya’ ipis. At si ‘kuya’ ipis ay walang ginawa kundi batukan si ‘bunsong’ ipis. Hehe siyempre, hindi kita puwedeng batukan dahil dalaga ka na. Kaya huwag na huwag kang gagawa ng bagay na magiging dahilan para mapilitan akong batukan ka.


Una, wag kang naglalakad ng sobrang pakembot kembot. Maraming nagdaraan, hindi sa ‘yo ang kalsada. Saka pato lang ang gumagawa ng ganun. Huwag ka ring patuwad-tuwad, kung ayaw mong habulin ka ng mga manyak.


Pangalawa, wag kang magsusuot ng maiikli kung ayaw mong lumuwa ang kaluluwa mo. At pag lumuwa ang kaluluwa, hindi na babalik yan. Sabi ng titser ko sa religion, pag nawalan ka ng kaluluwa, magiging zombie ka. At huwag tinitipid ang telang suot. Hindi pa naman naghihikahos sa tela ang Pilipinas.


Pangatlo, mag-aral ng mabuti. Kelangang magsipag sa buhay kahit wala na si Papa. Basta’t nandito ako, patatapusin kita sa pag-aaral, kahit pa magtrabaho akong macho dancer, gagawin ko ‘yun para sa ‘yo.


Finals exam mo na ngayong buwan. Tignan mo, ambilis lang ng panahon, third year nursing ka na sa susunod na pasukan. Heto, ipapadala ko na tuition mo. May dagdag pang allowance ‘yan. Nauto ko kasi ‘yung kaopismeyt kong bilhin ‘yung industrial electric fan na pinanalunan ko sa parapol sa opis. ‘Bilhin mo na bosing, nakakapagpalamig ng ulo ‘yan. Oo pramis, basta itutok mo lang ulo mo sa elisi’. Hehe, binili naman agad sa akin ng 600 pesos. Tapos nakita ko ‘yung presyo nun nasa halagang 450 pesos lang pala. Tumubo pa ako ng siyento singkwenta.

Sooner or later, hindi na ako ang namber wan na lalaki sa buhay mo. Okay lang ‘yun, importante mahal ka ng boypren mo at aalagaan ka nya ng mabuti. Wag ka lang nyang paiiyakin at magsusumbong ka sa ‘kin. Alam mo namang immature ako sa mga ganyang bagay, baka idaan ko ang boypren mo sa ‘assassin-for-hire’ o sindihan ko na lang ng buhay. Oo, pramis, try mong magsumbong sa ‘kin.

Nagmamahal – walang iba,

Kuya

No comments: