Saturday, 29 March 2008

Mata sa Bintana

Napanood mo ba si Osang noon sa Babae sa Bintana? Kung hindi mo napanood, napanood ko ‘yon. Napanood ko kung paano noon bosohan ni Goma si Osang mula sa bintana - at kung paano mag-init ang buong sinehan nang magkita na ang mamboboso at binobosohan.

Intro lang ‘yon, kasi kahapon – maikwento ko lang, ‘yon nga kahapon ng hapon pumunta ako sa bahay ng isang kaibigan na hindi ko na muna papangalanan sa ngayon. Akswali, apat kaming bumisita sa bahay ng kaibagan naming ito. Natural, ewan ko lang kung natural ito ha, kasi halos bente-kwatro oras na kaming magkakasama simula pa noong Huwebes ng gabi, pero hindi pa rin magka-ubusan ng wento. Marami pa ring kwento, at parang walang katapusan.

Parang hindi naman maganda kung puro kwentuhan nalang at puede ba naman ‘yon, wento lang ng wento, syempre may kainan din. ‘Yong isa kasi naming kasama ay nakatanggap ng mahiwagang “envelop” mula sa kumpanya niya. Ano ang laman ng mahiwagang sobre? Wala nang naglakas loob umusisa, basta sa pagkakaalam namin ay sapat ‘yon para bumili ng dalawang biggie-size spicy Al-Baek, na syang aming pinagsalu-saluhan.

Asyuswal, wento at wento pa rin habang kumakain.

Haayy.. natapos din ang kainan. Kainan lang ang natapos ha, kasi tuloy pa rin ang kwentuhan.

Kadalasan, ang isang tao matapos kumain, sya ay maaring magpahinga, o kaya ay umidlip kasi nga busog, o kaya naman eh medyo magpalakad-lakad para nga raw “bumaba” ang kinain. Sa mga ‘yosi-kadiri”, mas ok raw mag-yosi pagkakakain, hindi ko lang alam ang feeling kasi ‘di ko pa nasusubukan. Ito ang mga kadalasang after-meal-ritual ng isang tao. Pero kahapon, matapos kaming kumain, wala sa mga ito ang aming ginawang ritual. Maging Sino Ka Man Family Portrait – tama, yan ang aming after-meal ritual, kakaiba ‘no? Pero ok naman. Full of “emotion” with filled tummy ang family portrait.

Matapos nga ang makasaysayang piktsuran, may naramdaman akong kakaiba. Naiihi ako. Natural kung naiihi, pupunta ng banyo. Kaya ganoon na nga ang ginawa ko, iniwan ko ang grupo at tumalilis ako papuntang banyo.

Pagpasok ko ng banyo. Mmmhh.. ok naman, halatang maayos sa banyo ang nakatira. Hindi ganoon kalaki ang banyo pero maayos. Ok naman ang bowl, wala nga lang toilet seat, pero ok na rin – nakikigamit lang ako eh. Sa itaas ng bowl, medyo gilid, merong isang maliit na bintana. Smoked glass.

Eto nga, ihing-ihi na eh.

‘Di baba ko zipper ng pantalon ko.

Dinukot at inilabas si mini-me.

Sinipat ang bowl.

At ……….. aaaahhhh ang sarap ng feeling, pramis.

Habang umiihi ako, medyo napatingin ako sa bintana. Oo, doon sa bintana sa itaas lang ng bowl. Parang merong kung ano sa likod ng salamin. Pilit kong sinipat kung ano ‘yon, umiihi pa rin ako.

Mata!

Mata nga!

Mapupungay ang mata. Malabo man ang salamin, subalit hindi ako maaaring magkamali na nangungusap ang mga matang ito sa bintana – nakatitig sa akin. Habang nakatuon ang aking atensyon sa pares ng matang iyon sa bintana, na-alala ko na tapos na pala akong umihi at hawak ko pa rin si mini-me.

Binobosohan ako ng mga mata!!??

Kaya naman, dali-dali pagpag ko si mini-me, tapos balik ko ulit sa loob ng pantalon.

Flush.

Nadoon pa rin ang mga mata. Nakatitig pa rin sa akin. Nangungusap. May sinasabi.

Nilapitan ko ang bintana. Mata nga talaga ‘to. At hindi ko man lang kinakitaan ng pagkahiya ang mga matang ito, matapos nya akong bosohan! Kinatok ko ang salamin. Andoon pa rin ang mga mata, hindi natitinag. Patuloy na nakamasid, Eh wala naman akong balak makipagtitigan sa matang ‘yon buong maghapon, so iniwanan ko nalang. Wala namang nawala sa akin eh, ewan ko lang sa may-ari ng mata… sana lang nag-enjoy sya!

Hanggang sa paglabas ko ng banyo ay naroon pa rin ang mga matang iyon. Matang mapupungay. Matang nangungusap.

Mata nino?

‘Yon ang tanong.

Tanong na kailangan kong itanong sa kaibigan kong nakatira sa bahay na ‘yon.

Itutuloy…

No comments: