Dahil na rin sa dami ng laro ni Pepe kaingan kong hatiin at ipahabol ang bahaging ito. Narito ang ikalawang bahagi.
Syatô o Kunisi: Syatô ang tawag nito sa Katagalugan, at Kunisi naman sa parteng Timog na bahagi ng Pilipinas (ayon kay Tufs).Isa rin ito sa mga klasik ng larong Pinoy. Lahat yata ng batang Pinoy, probinsyano man o taga-lungsod, ay nakapaglaro ng larong ito kahit minsan lang sa kanilang buhay. Sa tulong na rin ni Kuya Erik – Ang Batang Syatô ng Tondo at ni Tufs – Kunisi Guru, ay mas naunawaan at nagbalik sa aking alaala ang paglalaro nito. Kung magaling kang sumipat at pumalo, puedeng-puede ka sa Syatô. Mas mainam laruin ang larong ito sa kaparangan, ‘yon bang malawak ang paligid. Mainam rin kung lupa o hindi sementado ang paglalaruan, kasi kailangan ng mga manlalarong maghukay sa lupa – eh mahirap namang maghukay sa semento, diba? Ok na rin kung medyo madamo ang paligid, wag lang malago, dagdag epek rin kasi ito sa luntiang paligid. Meron itong tatlong bahagi.
Unang Bahagi:
Sa una palang ay kailangan mo na ang munting hukay – ito rin kasing maliliit na mga hukay na ito ang nagiging palatandaan na may naglaro ng Syatô o Kunisi sa isang lugar. Sa bahaging ito, ang manlalarong titira ay gagawa ng isang maliit na hukay at sa ibabaw nito ay ipapatong ang maliit na kahoy (mga 5 pulgada ang sukat). Pagkatapos ay pu-pwesto ang manlalarong titira sa ibabaw ng maliit na hukay at sisipatin niya ang maliit na kahoy sa ibabaw noon. Gamit ang isa pang kahoy o patpat na mga isang metro ang haba. Pagkatapos, gamit ang patpat ii-itsa o ito-toss papalayo ng tumitirang manlalaro ang maliit na patpat. Ang ibang mga manlalarong ay nakaabang lang sa paligid upang masalo ang ini-itsang patpat, kung masalo, tapos na ang Syatô karir ng tumira kasi ang manlalarong nakasalo naman ang titira. Kung hindi naman masalo, ang manlalarong nakapulot ng ini-itsang patpat ay pu-pwesto upang susubukan nyang ihagis at patamaan ang mahabang patpat na ginamit na batang tumira. Kung tamaan, ang manlalarong nakatama ang sya namang titira. At kung hindi naman tamaan, ang bibong bata ay a-advance sa ikalawang bahagi.
Ikalawang Bahagi:
Sa bahaging ito, hawak ng manlalaro sa kanyang dalawang kamay ang dalawang patpat. Ihahagis nya sa ere ang maliit na patpat at hahatawin nya ito sa pamamagitan ng mahabang patpat. Kailangang ‘wag pa ring masalo ang maliit na patpat ng iba pang manlalarong nag-aabang sa paligid. Kung masasalo ang patpat, natural you will loose your turn, at ang manlalarong nakasalo naman ang titira. Kung hindi masasalo ang patpat, ihahagis muli ito ng manlalarong nakapulot papunta sa iyong direksyon at muli ay titirahin mo ito, parang baseball. Kung hindi mo matamaan, bibilangin ang layo nito mula sa pinagkabagsakan hanggang sa hinukay na butas na nagsisilbing “base”. Paglapit sa base, mas mainam, paglayo, medyo tagilid.
Ikatlong Bahagi:
Ngayon ang batang titira ng Syatô ay maghuhukay ng hindi naman kalaliman sa lupa o maaari pa ring gamitin ‘yong hukay na ginamit kanina sa una at ikalawang bahagi ng laro, sapat lang upang mailagay nya ang munting kahoy (mga 5 pulgada) sa hukay at ipaling ito ng approx. 45°. Makahukay at mailagay na ang kahoy sa hukay, hahatawin ng bata ang maliit na kahoy – puedeng malakas, puedeng mahina, depende sa bata. Syempre kung tinamaan ang kahoy lilipad ito pataas. Habang nasa ere ang “syatô” hahabulin ito ng batang humataw at muli ay hahatawin nya ito ng malakas papalayo sa pinaka-hukay. Ang ibang mga bata na kasali, ay nagkalat sa paligid. Aabangan nila ang syatô at kung maaari ay masalo nila ito bago pa man bumagsak sa lupa. Kung masalo ang syatô, ang nakasalo ang susunod na titira. Kung hindi naman masalo, ay magkakaroon ng bilangan, mula sa pinagbagsakan ng syatô hanggang sa hukay na pinanggalingan nito. Hindi lang maliwanag sa akin kong paglaki o pagliit ng bilang ang ikapapanalo ng tumira. Medyo delikado laruin ang larong ito, kasi puede kang tamaan ng syatô sa mata at maaaring ipatigil ang paglalaro dahil dito.
Sipa: Ito ang pambansang laro ng lahing kayumanggi, Sipa. Hindi ko ata kinagiliwan ang larong ito noon, kasi lagi akong taya. Ang “sipa” o ‘yong bagay na sisipain ng mga naglalaro ay maaaring gawa sa pinitpit na tanso o baryang binutasan sa gitna tapos nilagyan ng hinimay-himay na tali – wala namang itinatakdang kulay ng taling dapat ilagay. Kung walang barya, puede ring gamitin ang pinagbungkos na lastiko. Mas bukong-bukong-friendly ang lastiko, kasi hindi sya masakit kung tatamaan ang bukong-bukong mo, kumpara sa barya o ‘yong pinitpit na tanso. Ang pinitpit na tanso o ang barya naman ay mas mainam sipain palayo kumpara sa lastiko. Maraming paraan ng pagsipa, syempre sa paa (may sipang pambabae at panglalaki), meron din sa tuhod, meron sa siko, at ang pina-basic sa lahat na hindi nangangailangan ng karagdagang abilidad ay sa kamay. Ang pinaka-mahirap, kaya pinakamahirap kasi hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito kayang gawin ay ang “black magic” sipa. Don’t get me wrong, hindi ito ang sipang may mga bulong o orasyon, ito ‘yong sipang titirahin mo ng patalikod. Kailangan dito ang ng extrang abilidad sa pagbalanse at pagtansya. Kadalasan ay sampu ang bilang sa sipa at sa ika-sampu dapat ay sipain mo ang sipa ng malayong malayo, ‘yong hindi masasalo ng ibang mga manlalaro, kasi kung masasalo at masisipa, ikaw ang taya. Ang taya sa sipa ay syang taga hagis ng sipa sa manlalarong titira. Kung taya ka, hindi ka makakasipa. Kung matagal ka nang taya, puede ka nilang tawaging “bagoong”.
Pitik: Pitik ang tawag namin dito, hindi ko lang sa ibang tribu. Hindi ito pitikan ng kamay – pitikan ito ng lastiko. Natatandaan ko, na sa sobrang dami ng lastiko ko, punong puno ng lastiko ang kamay ko, mula wrist hanggang siko, syempre hinding-hindi ko rin malilimutan ang lastiko soup con pasta. Sa sobrang addict ko kasi sa lastiko eh lagi akong ginagabi o late na umuuwi ng bahay at sa galit ni nanay nabuo ang lastiko gourmet na ‘yon. Simple lang ang laro, kung napagkasunduan ng dalawang manlalarong apat na lastiko, e’di pagbubuhulin ang walong lastiko. At dito na magsisimula ang pitikan, kung sino ang unang makapagpakalag ng magkabuhol na lastiko sa pamamagitan ng pagpitik – sya ang panalo, sa kanya na ang lastiko.

Disclaimer:
Ang mga larawang ginamit sa entry na ito ay galing sa www.hasloo.com/philsports.
1 comment:
buti nalang at hindi tayo magkapitbahay kundi baka mangungunsumi ang mga magulang natin..
magbestfriend siguro tau sa paglalaro ng lastiko..=)..ayaw ko ng shato..burot ako dyan e..=)
Post a Comment