Monday, 31 March 2008

Mikrobyo ni Pepe

Naranasan mo na bang batiin ka ng ibang lahi sa wikang Tagalog? Kung, oo, ako rin, at nakakapukaw ng damdamin bilang isang Pilipino. Kasi kahit papaano may ibang lahi na sumusubok magsalita ng ating sariling wika. Siguro, patas lang rin, kasi tayo namang mga Pinoy kahit saan mapunta ay sumusubok rin tayong magsalita ng wika ng bansang ating pinuntahan.

Halimbawa na lang, dito sa Saudi, kahit papaano, medyo nakakapagsalita rin ako ng Arabic. At sa trabaho naman, sa pakikipaghalubilo natin sa ating mga ka-manggagawa, kahit papaano ay natotoo rin tayo ng kanilang mga wika. Konting Urdu, konting Bangla, konting Italian, konting French, konting German, konting Mekene, konting Bisaya, konting Panggalatok, konting Ilocano, konting Waray, at marami pang konti. Kahit kung minsan tayong mga Pinoy, nagtuturo rin tayo ng ating mga salita sa ibang lahi. May mga taxi driver nga dito sa Jeddah, na matatas nang managalog – ibang lahi ‘yon ha.

Isa lang ang napansin ko sa ilan sa ating mga kababayang nagtuturo ng wikang Pilipino sa ibang lahi. ‘Yon bang nababastos ang ating sariling wika. At ewan ko, kung bakit kailangan mong turuang mag-mura sa wikang Pilipino ang ibang lahi. Eto ang sample:

Banyaga: Kumusta kabayan (accented)
Noypi: Mabuti-ti (ngising aso – sabay paliwanag to the max kung ano ang ibig sabihin ng dalawang huling pantig sa salitang “ma-bu-ti-ti”)

BAKIT!!!! Puede namang sumagot ng maayos. Napaka-simpleng sumagot ng “mabuti”, pero hindi, dapat ba talaga ganoon ang sagot. Kahit siguro sabihing biruan lang, kasi para sa ating mga Pinoy biro lang ‘yon, pero para sa ibang lahing nakakarinig, hindi biro ‘yon. Yon na yon. Kaya hindi nakapagtatakang sa sunod na bati sa’yo ay ganito na:

Banyaga: Kumusta kabayan? (accented pa rin)
Noypi: Fine, good.
Banyaga: Mabuti-ti! (ngiting aso na rin)

Meron pa nga kaming Storekeeper noon eh, ibang lahi rin. Nagulat na lang ako ng magmura sya na malutong na malutong na P@#&*%-I*#!!! Matapos syang mag-mura, sabay ngiti sa akin, na feeling proud sya na nakakapag-mura sya sa wikang Pilipino.

Kung magpapaturo ka sa ibang lahi ng kanilang salita, hindi ganito ang ituturo nila sa’yo. Tuturuan ka nila ng kanilang salita ng may kasiyahan, kasiyahan in a way na proud sila sa pagiging kung ano man nila. Hindi ka nila tuturuang magmura, o tuturuan ng mga salitang alam nilang ikabababa ng kanilang moral.

Hindi naman siguro lahat ng Pinoy ganito, ilan lang sila.


At ang “mangilan-ngilang” ito ang nagsisilbing mikrobyo ng buong lahing kayumanggi. At ang “ilang” ito ay hindi dapat binibeybi-beybi…dapat dito….. pinapatay!

No comments: