Katatapos ko lang mananghalian. Habang nagpapahinga nag konti naisipan kong linisin ang laman ng telepono ko. Dalawa lang kami ni sir tony sa office, nasa harapan ko ang table nya. Tahimik ang paligid, maliban sa paminsan-minsang pagtipa ni sir tony sa keyboard na computer nya. Naging abala ako sa paglilinis ng laman ng telepono ko, hanggang sa hindi ko na namalayan ang pagtakbo ng oras....parang hindi ko na rin naririnig ang pagtipa ni sir tony sa keyboard ng computer nya. Nag-iisa nalang pala ako sa office. Parang ang lamig-lamig ng paligid...kahit ang aking mga kamay ay nanlalamig.... Hanggang sa.. he he he prelude lang po.. eto na ang kwento.
Hanggang sa na-browse ko 'yong internal folder ng telepono ko. Yong music folder - empty, yong documents folder - empty, application folder - empty, other folder empty, picture folder - 1 file. Ooppss... may file pala ako sa phone memory, hindi naman kasi ako nasi-save ng file sa phone memory ko, lahat ng file ko asa external memory. In-open ko 'yong folder.
~SDSM640.jpg
Picture ng babae ang nasa thumbnail. Pinipilit kong kilalanin, pero hindi ko naman kilala.. so binuksan ko 'yong file...
.... loading
at nagbukas nga ang file... muli kinilabutan ako ng makila ko ang larawan, kung paano ako kinilabutan noong una ko itong makita.
Nobyembre noong nakaraang taon, Undas, at tuwing sasapit ang ganitong panahon sa kalendaryo ng mga Pilipino, hinding-hindi mawawala ang usapang multo...galing kay ate lala ang larawang ito. Larawan daw ito ng dalawa nyang kaibigan na kinunan sa palikuran ng kanilang paaralan. Kung pagmamasdan mo ang larawan, parang ordinaryong larawan lang. Subalit kung susuriin mong mabuti, parang may kakaiba. Bukod sa kanilang dalawa ay may isa pang tao sa likod nila. Hindi mang tuwirang sabihin ni ate lala kung sino ang pangatlong babae sa larawan, lumalabas na isa itong multo. Noong una ko itong makita, matapos akong kilabutan, ay napagisip-isip ko na baka in-adobe photoshop 'tong larawan na 'to... pero sabi mismo ni ate lala, matapos kunan ang larawang ito ay ipinasa raw sa kanya ito sa pamamagitan ng bluetooth at imposibleng mai-edit pa ito. At sa puntong 'yon, nag-umpisa ang usapan tungkol sa kung anong kasaysayan meron ang palikurang iyon sa kanilang paaralan. Na noong unang panahon daw ay may namatay doon sa palikurang iyon. Maraming kuwento. Iba't-ibang bersyon. Sa dami, hindi mo na alam kung alin ang totoo at alin ang kuwentong bayan.
Ikaw naniniwala ka ba sa multo?
Multo nga kaya ang nasa larawan? O isa lamang repliksyon sa salamin. Kung repliksyon man, repliksyon nino? Kung isa nga itong multo, ano naman ang dahilan ng kanyang pagpaparamdam o pagpapakita? Pero kung tutuusin nga mas mabuti pa itong mga multong 'to nagpaparamdam (wag lang manakot ha), may ibang mumu kasi na hindi na talaga nagpaparamdam...
In-edit kaya ang larawang ito? Pero may tiwala ako kay ate lala... unedited 'to.
4 comments:
ok maganda. totoo ba yung nsa pic? multo nga ba yun o taong naligaw at napadaan lamang. ayus. buksan mo rin blog ko.
www.baraha88.blogspot.com
tnx din sa pag comment ng ilang bwan na pinaghirapan kong blog. sigo hingal na hingal na ang daliri ko sa kktype.ikaw ba yung girl na katabi ng ghost or something na ano? ganda mo naman.
next time kung kung may pagkakataon,papakitaan kita ng magic.
ako yung nasa picture sa kaliwa yung maputi.... totoo yung pisture na yan, gabi yan pagkatapos ng klase namin dati kasama ko ate rowena mga 9:00pm. Sa Saci, sa bahay ko na lang nakita yung pic na yan sa cp ko na may multo ng ni review ko yung mga pics sa cp ko.... Mga 2007 pa yung pics na yan.
Multo is everywhere
Post a Comment