Monday, 10 March 2008

Panaginip: Tubig

Ang tubig ay mahalaga sa isang tao. Diba nga, ang tubig ay buhay. Sabihin na rin natin na otsenta porsyento ng katawan ng isang tao ay tubig. Ganoon din sa ating mga panaginip, malaki ang ginagampanang papel ng elemento ng tubig sa ating mga panaginip.

Ayon sa matatandang kaalaman (walang mahika ‘to, hindi rin ito ang mga mang-gagaway, sabihin nating mga babaylan), ang paglabas ng elemento ng tubig sa ating mga panaginip bilang isang dagat ay maaaring simbolo ng ating pagkamulat sa ating natutulog na kamalayan – kung saan mas nagiging sensitibo tayo sa ating mga emosyon, maging ‘yong pinakamalalim na lebel ng ating emosyon. Mas nagiging sensitibo tayo sa pagtugon sa ating mga emosyonal na pangangailangan, kahit na rin sa emosyon ng mga taong nakapaligid sa atin (hindi naman kinakailangang nasa panaginip rin natin ang taong ito), basta sensitibo lang tayo. Para gang bunga ng papaya (ang papaya dito ay isang pagsasalarawan lang sa pagiging sensitibo, hindi kinakailangang makaroon ng papaya sa ‘yong panaginip upang ang paliwanag na ito ay maging karapatdapat).

Ngayon, kung mas malaki pa sa dagat ang ating panaginip, karagatan na ito. Ganoon pa rin ang paliwanag pero ang dagat na naging karagatan, ang syang kasidhian ng elementong ito.

Samantala, ang mga alon – malaki man o maliit, ang pagkati at pagtaas ng tubig, ay simbolo naman ating aktual na pagpapalit o pagbabago-bago ng emosyon at nararamdaman. Ganoonpaman, ang elementong ito ay hindi nagsimsimbolo ng negatibo o posetibong emosyon, mapa-kanan man o kaliwa ang palo ng alon, malakas man o banayad ang daloy ng tubig.

Ayon pa rin sa ka-chat ‘kong babaylan, ang panaginip kung saan nakikita natin ang ating sariling lumalangoy sa isang paliguan (eto ‘yong pool), ay maaaring simbolo ng ating pag-atras, pag-ayaw, o pagbabalik sa kung anong sitwasyon tayo mayroon sa kasalukuyan, ito ay dahil na rin sa noong tayo ay pawang mga nasa sinapupunan pa lang ng ating mga magulang tayo ay nababalot sa tubig o ‘yong panubigin. Samantalang simbolo naman ng bagong buhay, bagong pag-asa, at bago o magandang panimulain ang makita natin ang ating sarili sa panaginip na umaahon papalabas ng paliguan (pool pa rin).

Maaari namang magpahiwatig ng pagkatakot sa kamatayan, pagkatakot sa maraming bagay-bagay sa ating paligid, kung makikita natin ang ating sarili sa panaginip na nalulunod at lumulubog. Datapuwat, ang dahan-dahan namang paglubog sa tubig na walang bakas ng pagkatakot sa ating mga mukha ay simbolo ng ating masidhing pagnanasang saliksikin pa ang kaibuturan ng ating pagkatao o kaya naman ay ang ating masinsinang pagtuklas sa sarili nating kamatayan.

At sa pangwakas na bahagi tungkol sa tubig, ang makita natin ang ating sariling naliligo o naghuhugas ay simbolo ng ating pagnanasang malinis ang ating buhay at pagkatao. Maari rin itong sumimbolo sa kagalingan.

37 comments:

Anonymous said...

hello po, paano po sa panaginip ko po mamaliligo n sana kmi ng sister ko sa dgat n kulay gray na maalon, tapos sabi ko wag n kming maligo sa malalim kc d nmn kmi marunong lumangoy kya ngpaulan n kmi po nun. Sana po mabogyan nyo po ng ksagutan ung panaginip ko po. Salamt po :)

Anonymous said...

Hindi ko maintidihan eh dagat lng napanaginip ang dami ng binangit haynako

Anonymous said...

Hello po napanaginipan ko po yun taong mahal ko na inutusan ako kumuha ng papel at pinaprint napakarami o napakakapal na papel tapos ko pong ipa print ibinigay ko sa kanya mayamaya napaupo po ako sa sahig na parang naghahabol ng hininga natutuyuan buong bibig o bunganga ko na halos lumabas ang dila ko ang ginawa nya po binuhusan nya po ako ng tubig at 2 beses nya po me binuhusan ng 2big parang naligo ako sa tubig at hinuhubad nya yun damit ko parang nkita ko sarile ko sa panaginip ko n nakahubad ako. Ano po kayang ibig sabihin nyon di ko po maintindiha. salamat po.

Anonymous said...

Hello po ano po ibig sabihin nanaginip ako ng isang malaking tubig baha.nkikita ko sarili ko kasama ko mga magulang ko nakasakay daw kami sa isang balsa na kawayan habang inaanod kami ng malakas na alon unti unti kaming lumulubog kaya sa takot namin umahon kami sa tubig.sana po mabigyan nyo ng liwanag ibig sabihin nito.salamat po

Anonymous said...

nanaginip po ako na nagkalakad sa tubig kasama ang mahal ko na isang taon ng patay , malinaw po ung tubig tapos may bata lumapit at napansin nya na may dugo ng dumadaloy sa hita ko at may buo na dugo pa. bago ko po napanaginipan un eh nanaginip din po ako na punasusunod nya ako ( ung namatay na mahal ko ) tapos may sasakay na battery operated na sinakyan ko pero un dinaanan ko eh may tubig un ping di nman malalim , un pong parang binuhusan lng ng tubig...

Unknown said...

Nanaginip po ako na nasa dagat po ako tapos takot kasi di po naman ako marunong lumangoy. May kasama daw ako sa paglangoy, si Benjie Paras. Dahil nga po di ako marunong lumangoy, kaya po ang ginawa ko, sumisid po ako tapos nakita ko po yung kulay ng tubig ay crystal light-dark blue na may kunting gray ang tubig. Tapos pag-angat ko sa tubig, may nakita po ako na lumubog na barko na unti-unting umaangat. Tapos pagkapikit ko, pagmulat ng mata ko, nasa barko na yaon na ako. Ano po ba ibig sabihin nun???

Unknown said...

hi Good morning nanaginip po ako kagabi na biglang may dumating na malakas na alon ng tubig. sa sobrang lakas ng alon hnd na kami nakaahon kaya nagpa agos na lng kami hanggang sa nahulog kami sa talon or falls then pagkahulog sa baba umuhon na kami lahat na may dalang pitchel at mukang may celebrasyon na patutunguhan ang daan habang umaahon sa tubig. ano po kaya ang ibig sabihin nito? Thanks and God bless us all.

Braveheart said...

Hi po,
Nanaginip po ako na tumatakbo dw po ako tapos yong hinahakbangan ko na pala ay tubig na at nahulog ako, nagulat ako sa aking pagkahulog kaya nagising ako. malinaw nmn po na tubig. Ano po kaya ibig sabihin into? Thanks po and God bless!!!

Anonymous said...

Nanaginip ko aq na my lalaki sa taas ng puno at bigla tumaas ang tubig at malakas na alon wala akong magawa kundi napasigaw lang. Hanggang sa akala ko nalunod na ang lalaki ngunit hundi pla my mga nakita akong damit na alam ko sa kanya at isang puting camera at sa dulo na iyon ang nakita ng mga tao at ako ang lalaki na iyun na nakasuot ng kulay puting damit at hindi nalunod..

Anonymous said...

nanaginip po ako ng may isang malaking anino na binubuhusan ang bawat bubong ng bahay.

baby magayon said...

good day po! gusto ko lang po malaman ang ibig sabihin ng tubig sa balon na malinis at naglalaba ako duon habang ipinagsasalok ako na isang tao

Unknown said...

hi po gusto q lng po malaman ang ibig sabihin ng panaginip q nsa dagat dw po aq naliligo aq at napakalaki ng alon pg sobrang laki po ng alon hndi aq lumulusong pero pag nkikita q n kya q ngpapatangay po aq sa alon npakalinaw po ng alon sa panaginip q ay mga tao rin aqung kxamasa kxo d q kilala ano po ang ibg sabihin nun plagi q pong napapanaginipan n naliligo aq sa dagat minsan nmn ay nagsisiga aq sa apoy at minsan napanaginipan q ang ank kung tatlong taong gulng namimingwit at may bglang lumitaw na ahs sa tubig papunta sa knya kulay puti napasigaw aq sa takot at tumakbo paparoon sa aking anak paglapit q nkita q ang ahas nakapulopot sa laruan un hnd alm kung anong laruan at nakangiti ang ank ko na nakatingin sken.. sana po ay masagot nio ito salamat po

Chel clerigo said...

Ano po bang ibig sabihin ng panaginip na tinangay ako ng rumaragasang Baha..

Chel clerigo said...

Ano po bang ibig sabihin ng panaginip na tinangay ako ng rumaragasang Baha..

Unknown said...

Hi po, nanaginip po ako na naliligo kmi sa isang resort tapos po pag talon ng anak ko biglang nahulog sya sa isang butas dali dali ko sya kinuha tapes ng mahawakan ko an kama nya pag angat ko so knya wala ng tubig. Sana po Paki sago agad maramI png salamat

Unknown said...

Lage ako nanaginip ng maraming puno ng papaya na maraming bunga

Unknown said...

Hi po,tanong kolang po kung ano pong ibig sabihin ng panaginip ko.
(Gabi po nun sa panaginip ko)naliligo daw po ako sa swimming pool malinis po yung tubig na yon tas nung umahon po ako bigla ko ping nakita na may dugo po sa palad ko nakita rin po ni papa yun tas bigla nya po itong pinahugas sakin dun po mismo sa pool na pinag liguan ko pagkatapos po pinagalitan po ako ni papa tinatanong nyapo ako kung bakit gabi n po ako naligo (12 po ng gabi sa panaginip ko) baka daw po ubuhin ako etc.pero nung mga oras nayun pumayag po si mama na maligo ako ng ganung oras pero ang pagtataka ko lang po hindi ko po alam kung na kaninong bahay po ako nung mga oras nayun..
Sana po masagot nyo po agad kung ano pong ibig sabihin nito...salamat

Unknown said...

Magiging sagana po yung buhay nyo

Unknown said...

Anong kahulugan nang nanaginip na malalaki ang alon sa dagat tapos marumi ang dagat tapos naging naging malinaw rin ang hampas nang alon nito

Unknown said...

Hello po ano po ang ibig sabihin nanaginip ako kagabi na nagkaroon ng swimming pool ang bahay ko ay bumiseta yong dalawa kong kapit bahay

Ian said...

Nanaginip po ako na yung stepdaughter ko nakita ko lumalangoy daw sa kanal kaya dali dali ko sya kinuha anu po ibig sabihin nito.. salamat po

Ian said...

Nanaginip po ako na ung stepdaughter ko nakita ko daw lumalangoy sa parang kanal basta madume at madilim na tubig dali dali ko daw sya dinampot

Unknown said...

anu po obig sabihin ng panaginip ng nanay qo nahulog daw aqo sa balon at hnd aqo makuha kuha

Unknown said...

Nanaginip po ako ng magswiming ako sa pool at green na green ang tubig it means po🤔

Unknown said...

nanaginip po ako na nasa loob ako ng bahay, tapos may paparating na malalaking alon ng dagat na mas mataas pa sa bahay namin, tatlong beses ung wave

Unknown said...

Anong tribe ka po nagbase?

Anonymous said...

hello...ano pong ibig sabihin ng panaginip q...na we are traveling somewhere...ang ganda ng place..sa una ok pa ung mga hampas ng malalaking alon until such time unti unti ng lumalakas and there bigla na kaming natamaan ng tubig galing dto ang hindi q napansin na meron pa palang mas malaking wave na na parating at bigla aqng hinawakan ng tita q to swim pailalim...then nakakahinga daw aq sa ilalim then after ng pagdrag sakin nagkamalay nlng aq natabunan ng mga damit ung mukha q at nakahiga naq sa pampang..

Unknown said...

Ano po ibig sabihin ng panaginip ko na na nakaapak ako sa sahig sa ibabaw ng dagat pero may malaking alon na dumating at nahulog ako sa dagat...lumangoy ako ng lumangoy at maay tumulong na isang babae sakin para makahawak ako sa isang puno

Unknown said...

Nanaginip po ako nakasakay ako sa isang pangpasaherong bangka kahit na malaki ang alon sumakay pa din ako sa bangka, umandar na ang bangka pero yung alon sobrang lumalakas kahit na anong pilit nung driver na makabiyahe yung bangka bumabalik sa kati dahil sa sobrang lakaa hinayaan na mapunta sa kati ang bangka nung sumayad na ang bangka sa kati hindi naman kame makababa na mga sakay na bangka (mga 8 lang yung tao sa bangka) tapos sobrang lumalakas talaga yung alon, maya maya ako na lang natira sa bangka, nakababa na kasi yung iba ako naman ay naiwan sa bangka tapos malapit ng lumubog yung bangka gumawa ako ng paraan para makaakyat sa may pader humingi ako tulong tapos may humawak ng kamay ko at naka alis ako sa pag lubog ng bangka.. Tapos nun nakita ko mga kamag anakan ko at lilikas kame sa ibang lugar dahil nga sa lakas ng alon, may bangka kame na ginamit at tumatawid na kame papunta sa lugar na pag lilikasan namen.. A

Unknown said...

Nanaginip po ako ng barko at nkasakay ako nito tapos lumubog ito at sumadsad sa tabi ng bundok tapos nkaligtas dw kmi sa pgkalubog

Unknown said...

ANO PO IBIG SABIHIN NOON ?

Unknown said...

Nanaginip po ako na lumalangoy sa ilalim nang dagat kasama ang pinaka mamahal kong tao. Kalmado ang dagat at masaya pakiramdam ko kasi sya kasama ko. Tapos pag ahon namin maraming ibon na pula na mas lalong naging masaya ang pakiramdama ko. Ung kasama ko nakangiti lang diko rin narinig nagsalita pero masaya sya nakikita nya akong masaya.

Unknown said...

Hellow Po nanaginip Po ako Ng malaking alon dagat halos Kasama ko mga Tao Rin Po pero Ang nakabigay saken Ng atensyon ay yong palagi AKong nakatingin sa makalaking alon .Ng Dagat nakalinaw Po Ng tubig. salamat Po .

Anonymous said...

Ano ang kahulugan nalg panaginip na umapaw ang dagat sa buong mundo at kailangan lumikas ang tao sa mataas na bahagi

Anonymous said...

Hi po nanaginip po ako na nasa dagat kaming magkakapatid tapos yung bunso namin dinala yung pamangkin naming baby na anak ng ate ko sa tubig tapos pagkalagay na pagkalagay niya sa bata bigla po umatras yung tubig at my mga pulis napo sa dulo kung saan banda huminto yung atras ng tubig tas sa kabilang banda sa lugar din pong iyon my nasusunog namang building tas narinig ko po na my nagsabi sinabihan na daw po kasing wag gawin yung ritwal nila dahil isa daw po itong pagtatawag sa walong diyos pinakita din po dito na binibigkas nila ng walong beses yung pangalan ng walong pinapasalamatan nila kada pangalan walong beses binibigkas ano po ang kahulugan nito

Anonymous said...

ano po ang ibig sabihen ng panaginip ko’ ako po ay isang ofw.nanaginip po akong bahay at lupa sa pinas at ang nag mange nito ang ang aking live in oartner..then pag uwe ko akla ko maliit lang at sakto lang..pag uwe naka renovation na ang bahay subrang laki ng bahay tas ang dame kwarto.natutuwa ako sa panaginip q ko kasi malaking bagay pala un.sabe q sa panaginip ko pag balik ko ipapatiles ko ito.napansin ko sabe ko sa partner ko bakit nabili niya bahay puro ilog sabe ko baka maabot ung pag bumaha.sabe niya hindi sa oanaginip ko marame nmn tao.then ang tapat ng bahay ko Sm then bago tumawid ng sm kailangan pagawa pa ako ng tulay para makatawid sa sm dahil puro ilog at naka ikot talaga ang ilog sa bahay nmrn then sa gilid nmem may apartment nnn na wala ng tao..pero marame naka tambay ng tao..hindi na tinitrhan makikita mo luma na mga aprtment na 4 na hanay cguro un.then napansin ko ang partner ko pag dating ko ndi siya excited na umuwe ako.busy siya pag linis ng motor niya.tas sa panaginip ko umiiyak ako dahil nakita ko ang anak ko umiiyak.subra na miss ko anak ko.😭

Anonymous said...

then napansin ko din ang ilalim ng bahay ko tubig din parang sa moa lang na ilalim ang tubig subalit sa panaginip ko may kaba ako..kasi pag umulan ng malakas or magkaroon ng lindol baka gumuho.sabe ng mga mangagawa ko..mqtibay daw at never daw guguho dahil puro paligid nka creekrup.then after nito nagising na ako.