He he he.. ito na siguro ang classical na kwentong Pinoy. Kwento ng mga payabangan. Meron pa nga diba ang kuwento ng lagi na lamang tatlong bansa na walang ibang ginawa kundi magpayabangan, at gaya nga ng inaasahan, walang kadala-dala ang Amerikano at Hapon, kasi sa bandang huli mga Pinoy rin ang nananalo.
Kanina habang nanananghalian kami, si June, si Rodel, si Sam, si Sir Bey at ako, nang hindi sinasadyang nagkaroon ng aksidenteng payabangan. Aksyuawli hindi naman kaming lima ang nagpayabangan, tamang kuwentuhan lang.
Kasi itong si June nai-kuwento nya 'yong teacher nya noong college. Hindi ko lang alam kong saang subject nya naging teacher ang teacher na 'to, kasi habang nagku-kuwento sya ay abala naman ako sa dahan-dahan at maselang pagnguya ng aking kinakain (segwey: nakagat ko kasi ang dila ko kagabi habang natutulog, kaya nagising akong duguan ang bibig). Balik sa teacher ni June, eto raw kasing teacher nya na 'to eh medyo nangangasim-na-kamyas ang drama.
Eto ang kwento: Eto raw kasing si Teacher Kamyas eh naghihimutok sa naging resulta ng board exam nya. Take note, pumangalawa sya sa lahat ng kumuha ng pagsusulit. So, sa kanyang pagtuturo, ang klase bale ay nagtatagal ng tatlong oras. Ang unang isa't kalahating oras ay para sa lecture at ang natitirang oras ay para sa pagbabalik tanaw sa kanyang makasaysayang Licensure Board Examination.
Kahit daw ngayon, kung magkakatapat man sila ng nag-top-one sa board exam back then, wala raw talagang panama sa kanya. Sabi pa nga nya.
Teacher Kamyas: (taas noo), gusto mo ngayon din, ngayon mismo, walang alisan sa tayo, mag-quiz-bee tayo!
Ang hindi lang malinaw ay kung sino ang gagawa ng tanong para sa quiz-bee.
Diba ang lupet.... ako nga hindi ko lang matandaan kong nakasali ba ako ng quiz-bee noon. Kahit man lang noong elementary..mmmhhh.. hindi yata. Walang tiwala sa akin ang aking paaralan, sabi nga ni Lyzius - madumog na 'yong teacher sa pagpre-presinta.. he he he.. pero ala pa rin..

Ngayon natanong ng mga estudyante kong bakit ba naman sya hindi nag-top-one, kasi pala panay naman ang inom ni Teacher Kamyas ng "pilsen" para nga raw makapag-concentrate sa pagre-review nya...o diba, kanya-kanyang padale lang yan eh. Eh hindi hiyang sa gatas e'di sa pilsen nalang. Eh kaya naman pala, lasheng naman pala..
Pero depensa ni teacher.
Teacher Kamyas: Hindi ako lasheng ah.... nakainom lang...
Sound familiar 'yong linya 'no. Kahit daw ilang case pa ang inumin nya hindi sya nalalaseng, kasi may parang valve sya sa kanyang lalamunan - 'yong sa parte ng Adam's apple ba. More like an alcohol filter. Pini-filter daw ng lalamunan nya 'yong alcohol at 'yong malt and water lang ng naku-comsume... paano nangyari 'yon? Ewan. Basta isa 'yon sa mga legal na basehan kung bakit hindi nag-top-one si Teacher Kamyas.

Buti nalang hindi ako nag-board exam.
'Kaw nag-board exam ka ba? Pang-ilan ka sa listahan? Have you ever wish that you're on top one? Does it matter? Really???
Sabi ko naman sa'yo hindi ako kumuha ng board eh...
Sabi ko naman sa'yo hindi ako kumuha ng board eh...
No comments:
Post a Comment