Kung ang gimick mo ay buong maghapon ng Friday, applicable sa 'yo ang TGIF (Thank's God, It's Friday - or in a roughly arabic translation: Al Hamdulillah, Allum Diumma). Sapagkat ang Friday ang walang pasok at Thursday ang weekend. Kaya naman saktong sakto ang araw ng Biyernes sa lahat ng maka-lupa at maka-langit na gimick. Segwey muna, ano-ano ba ang mga gimick na 'to?
Ang Maka-Lupang Gimick
Ito siguro 'yong mga pangkaraninwang ginagawa ng mga taong nagtrabho sa loob ng anim na araw
- Tulog (da best 'to lalo na kung...)
- Palengke / Grocery (kasama na dito ang pagpunta sa fish market, karnihan, gulayan, Star Supermarket, Panda, Sarawat, bakala, patingin-tingin sa nga Sale)
- Laba
- Plantsa
- Telibisyon
- Laro-laro (kasama dito ang basketball at iba pang palakasan - pati palakasan ng utot...)
- Pre-bisita (ito 'yong gulf-session noong Huwebes ng gabi)
- Bisita sa kaibigan (wentuhan lang dito kung minsan puedeng mauwi sa item 6)
- Bisita sa "kaibigan" (wentuhan pa rin, pero puede at most of the time nauuwi ito sa item 0, mga bagay before item 1)
- Dyim (buhat dito, buhat doon)
- Dyaging-dyaging... (takbo dito, takbo doon)
- Sisid (scuba-diving) at Pangingisda
- Madyong (natatandaan ko noong may pamandyongan pa ako sa kuwarto ko noon, Huwebes at Biyernes talaga ang dakilang araw, kung minsan nga extended pa, hanggang Sabado pa ang madaling araw. May naglalaro nga noon na pagpasok nya ng kuwarto ko o ng aking mini-casino ay punong-puno ng alahas, as in... kasi lahat ng daliri nya sa kamay ay merong singsing, patong-patong rin ang kanyang kadenang ginto sa leeg at halos hindi na nya maitaas ng maayos ang kanyang kamay sa bigat ng pulselas nya. Pero kung minsan, kung tag-malas, umuuwi sya na halos dalawang kilo ang nabawas sa timbang nya. Pero kung tag-buenas naman, mas ok sa akin, kasi malaki magbigay ng tong)
Ang Maka-Langit na Gimick
Medyo mahirap ipaliwanag, ibang lebel ga... basta ito 'yong mga pinagkakaabalahang you feel closer to your creator, or you just feel good about it - feel mo heaven.
- Simba / Samba / Gawain / Friday Service / Misal (kasama na lahat dito, praise and worship, pangungumpisal, tithes and offerings, pag-aayuno, bible study)
- Pot-lunch (tanghalian kasalo ang mga kapatid)
- Dalo sa gawain kasi dumalo si Sister or si Bro (pramis meron talagang ganyan.. marami akong kilalang dumadalo lamang sa "gawain" kasi may mga bagong nars o stiwardes na sister o kaya naman maraming "papables". Naka-attend pa nga ako ng sports-fest kasi may ipapakilala sa akin, attend naman ako, though im not that sport-fest-ee, kasi nga iba pala ang motibo.)
- Kahit anong gawain na you will feel like you're in heaven - sarap ng feeling bro.., pero ang hindi mo alam sa bandang huli ay lilitsonin ka rin pala sa dagat-dagatang apoy.. shet maenit. et's anfer!!!
- Family visit / Family Get-together (limited ito sa totoo or the legal family, or else kasama ito sa item 9 ng maka-lupang gimick)
Hindi naman para sa lahat, subalit ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga gawain ng mga Noypi tuwing weekend dito sa Jeddah. Kung hindi man siguro ito ang kalahatan, sa ibang edisyon nalang ang iba.
At yon ang Huwebes at Biyernes, haba ng segwey, he he he... at Sabado na, kaya naman gaya ng dati, bago mag-umpisa sa trabaho, matapos ang papuri at pasasalamat sa aking dakilang manlilikha, eto naman ang aking dakilang maninipa... ang kape.. he he he. Ang kape raw pampagising.. pero kung ala ka na talagang ginagawa sa opisina mo, pustahan - sandali bawal nga pala ang sugal dito.... ok ano nalang.... sige na pustahan nalang for this post's sakes nalang oooo... ok, sigurado kung ala kang ginagawa o pinagkakaabalahan, ang bisa ng kape na pampagising ay magiging pampatulog.. hyper-tulog...
Trabaho muna....sandali tanong lang ako, Ano gimick mo kahapon?
No comments:
Post a Comment