Thursday 13 March 2008

Hikab

Hikab.

Hikab.


At isa pang hikab.


Obsyut ba? Puyat ako? he he he. Galing ako sa airport kagabi - sumama pag-sundo kay Ate Flor, asawa ni Kuya Dannie. Dumating sya kagabi dito sa Jeddah para sa dalawang buwang bakasyon.
Hikab ulit.
Kahapon palang sabi ko at sabi na rin ni Kuya Erik, matulog na ako nang maaga para hindi ako mapuyat. Ala-una kasi ng madaling araw ang dating ni Ate Flor. Puede akong matulog ng alas-syete hanggang alas-dose, kahit papaano naka limang oras na ako ng tulog noon. Kaso hindi nga nangyari yon. Kaya eto ako ngayon, puyat at panay ang hikab.
Ala-una y medya ng dumating si Ate Flor sa airport. Himala nga eh, kasi kilala ang SAUDIA (dito sya sakay) na lagi na lamang delay ang mga lipad - paalis o parating. Minsan nga eh si Sir Tony ang alis nya dapat ng Jeddah papuntang Manila eh alas-syete ng gabi pero umalis sila ng ala-una ng umaga. Hindi pa 'yon, si Ka Vernie naman ay nakatakdang dumating galing Manila dito sa Jeddah ng ala-una ng madaling araw, pero nakarating sya ng Jeddah ng alas-otso na nang umaga. Hhhaaayyy ang SAUDIA nga naman.
Two cups of coffee in the morning.... sabi yan ng kanta, at naka dalawa na nga ako, isang itim at isang may gatas, panlaban sa antok. Pero parang alang epekto eh, gusto na talagang pumikit ng mga mata ko.
hikab... hikab... hikab....

No comments: