Monday 7 April 2008

Ang Banas!!!

Ang banas!!!

Sobra banas ngayon dito sa Jeddah.

Kaninang umaga, kaliligo mo pa lang, tumayo ka lang sa labas ng bahay mo, eh daig mo pa ng tumakbo ng ilang kilometro at talaga namang tagak-takan ang pawis mo.

Sobra taas ng humidity. Siguro nasa 58% to 61% RH.

Mabanas, pero para namang uulan. Kasi makulimlim ang paligid. Ang araw patago-tago sa likod ng mga ulap. At unang araw ito simula noong unang araw ng Enero ng ganito ang langit - puro ulap. Dati langit lang na kulay asul, kanina puro ulap na.

Kaninang umaga 'yon, kasi ngayon hindi naman tumuloy ang ulan... asa ka pa, asa Saudi eh.. he he he... kaya ang langit kulay asul na naman. Ewan lang kung saan ba nagpunta ang mga ulap kaninang umaga. Malamang napadaan lang ang mga ulap na 'yon.

Bukas, uulan kaya?

Simulan ko na nga ang orasyon ng mga babaylan.

Ulan, ulan, bumuhos ka ulan. Diligin mo ang mga halaman.

Ulan, ulan, bumuhos ka ulan. Paliguan mo ang kabundukan...

No comments: