Tuesday, 8 April 2008

Linggo ng Wika?

Ika-walong araw ngayon sa buwan ng Abril. Natural bukas ay ika-siyam. Sunod sa ika-siyam ang ika-sampu. At sa temang ito puede akong abutin ng Pasko kong babaybayin ko pa ang mga araw – kaya para muna sa tabi, sabi nga sa Saudi Allajam!!!

Sa madaling salita a-otso ngayon, at bukas a-nueve. At kung a-nueve bukas, ibig sabihin a-dyis ang sunod… he he he.. medyo makulit na, pasaway ah… ganoon pa rin Kastila nga lang.

Eto na talaga ang punto ko. Bukas ay Araw ng Kagitingan, wala na namang pasok sa Pilipinas. Hindi ko lang alam kung may kinalaman ba ang araw na ito sa Linggo ng Wika ni Manuel L. Quezon. Ngayong umaga kasi ay nakatanggap ako ng isang liham na nangangalap ng inpormasyon o ‘yon ‘gang surbey. At halos kahaling-tulad ng natanggap kong liham rin kahapon tungkol sa pagsasawikang-Tagalog ng ilan sa mga salitang banyagang ginagamit sa pangangalakal. Eto namang surbey na ito ay humihingi ng sagot sa wikang Tagalog sa lahat ng mga katanungan.

Abril pa lang ah!!! Agosto pa ang Linggo na Wika!

Sabagay kasama rin naman si Manuel L. Quezon sa mga nagsipagganap ng Araw ng Kagitingan noong araw.

Kung wala kang ginagawa, sasagot ka sa mga ganitong pangangalap inpormasyon. Ika nga ni Lyzius, kagagawan ito ng mga taong walang magawa.

Sa aking pagsagot, kapansin-pansin ang mga wikang banyaga patuloy na pa ring ginagamit sa pangangalap inpormasyon na ito. Sa abot ng aking makakaya, pinilit kong isalin sa wikang Tagalog ang ilan. Mangyan-Tagalog ‘to ha.

Single – Nag-iisa, Walang Kasama

Taken – Kuha na!

Reserved – Nakalaan

Sa tanong bilang 21: Last friend/s you have been with? – Ang huli mong kaibigan / mga kaibigan na nakasama mo. Puede ring, kaibigan / mga kaibigang na-“ano” o naka-ulayaw mo.

SIM (Subscribers' Identification Module) - Pagkakakilanlang Hawla ng Tumatangkilik

Text or SMS – tinitipa-tipang pina-ikling mensahe

Curfew – Takdang oras ng pagsasara o ng pag-uwi, madalas may ganito kung may Batas Militar

‘Yon lang. Sana naisalin ko ng tama ang lahat.

2 comments:

Lyzius said...

ngek...mali ka dun spaghetti yun...kahapon pa walang pasok sa pinas kasi nga long week end na naman ginawa ni gloring

Lyzius said...

ngek...mali ka dun spaghetti yun...kahapon pa walang pasok sa pinas kasi nga long week end na naman ginawa ni gloring