Sunday, 20 April 2008

Baked Corned Beef Ala Me

"Necessity...the mother of invention." Plato

Tama 'tong pilosopiya na ito ni Plato... sa pangangailangan nga nagmumula ang isang inbensyon.


"Laziness...a relative of invention." sabi ko.


Hindi ako kumakain sa gabi. Hindi dahil sa subaybay ko ang aking timbang, o kaya naman ay wala akong makain, kundi dahil na rin sa katamaran. Tamad akong magluto. Kasi naman isa lang ako sa bahay... at tuwing nagluluto ako, ang niluto ko ay nagtatagal ng isang linggo, kung minsan ay tinutubuan na ng bulak na itim... nasasayang lang ang pagkain. Para maiwasan ito, at tipid na rin, hindi nalang ako kumakain ng hapunan. Bale ang kain ko lang eh agahan (pinaka-importante sa lahat) at tanghalian.. solve na ako non.

Eh eto na nga kagabi, naisipan ko lang magluto. Kasi medyo matagal-tagal na rin akong hindi nakakapagluto, at 'yong bigas ko ay babahayan na naman ng mga insekto eh hindi ko pa naluluto... so nagluto nga ako kagabi.

Nagsaing ng bigas..

Habang nasasaing, nag-iisip na ako ng iuulam..

Meron pa akong Country Foods' beef-longgonisa sa ref, kaso prito na naman???

Makalat..

At parang may bombilyang biglang nag "ting!".... corned beef!

Matagal-tagal na rin akong hindi nakakatikim ng gisadong corned beef sa patatas..

May corned beef naman ako, so patatas nalang.. kaya punta muna ako sa pinaka-malapit na baqala (tindahan) para bumili ng patatas..

Nang makabili na ng patatas... nagumpisa na akong maghanda...

Naghiwa ng bawang... naghiwa ng sibuyas (onion rings talaga...), binalatan at naghiwa na rin ng patatas, inihanda ko na rin ang kawali... in-on ang stove...

Nang biglang!!!

Hhaayy.. tinamad ako..

Kaso, medyo nagdadalawang isip pa ako kung igigisa ko pa ba ang corned beef, hanggang sa isang luto ang aking naisip, hindi dala ng pangangailangang kundi dala na rin ng katamaran.

Hindi ko lang alam kong dati nang ginagawa ito, pero sa akin ngayon ko pang ito ginawa...

tadah!!!!


Baked Corned Beef ala Me!

Ingredients:

1 Medium Size Onion (cut into rings)
6 Gloves of Garlic (minced)
2 Medim Size Potato (cut into small cubes)
2 Tbspn. Unsalted Butter
1 Can Corned Beef (preferably Argentina or 'yong Made in the Philippines...kasi hindi durog na durog ang karne)


Have this stuff ready too

Microwave Oven (the one with convection)
Microwave-Safe Glass Container

The How to:

Saute the garlic on butter, 'till it turned golden brown, then set aside.

On the microwave-safe glass container, put the cubbed potato first (dont put all), then on the second layer spread the corned beef (not all), on the third layer put the sauteed garlic together with some onion rings. Then put again the potato, then the corned beef, then the garlic, and the onion rings. On the top have a dash of red sweet pepper.

Set the microwave to microwave-convection mode, programmed it to "baked potato"..(how? see your microwave manual for more instructions).. set the time for 10 minutes...

Good for 1 to 2 Serving

Walllah!! now you have your Baked Corned Beef.

Subukan nyo, sobra sarap... halos nangalahati 'yong tatlong gatang na bigas na isinaing ko...

Bon Appetite!!!

6 comments:

Rio said...

wow!! cooking with mangyan huh?? mukhang masarap ang pagkakagawa mo ah...penge!\=)

Si Me said...

@ dra. rio

sobra sarap talaga...try ko nga ulit baked sardinas naman, the all time favorite...salamat sa pagdaan.

Anonymous said...

sa tamad mong yan nakagawa ka ng ganun? sa paningin ko hindi ka tamad at kung tamad man yan... huhuhu! hopeless na ata ako. pag ako tinamad, hindi talaga luluto. nagpapagutom na lang. LOL!

Si Me said...

@ ifoundme

opo, partida pa 'yon ha... medyo tinatamad pa ako nyan.. he he he..

hindi nga, kasi kung magluluto pa, eh makalat, so maraming lilinisin, maraming hugasan.. eh kung microwaved, eh 'di 'yong isang container lang ang huhugasan...

masama rin naman po kasi ang nagugutom...

Si Me said...

@ dra. rio

talaga.. masarap yaan....

Anonymous said...

wok with mangyan tayo ah! susubukan ko talaga yan, kapatid. pwede rin kaya yang istrok na yan sa sardinas at luncheon meat?