Ito ang mga unang katagang nabanggit ko ngayong umaga sa aking pagbangon mula sa higaan.
Masakit!!! Sobra...
Tinamaan ata ang bato ko. Sobra sakit talaga. Siguro inabot ako ng mahigit sampung minuto bago ako tuluyang nakatayo sa aking kama. Sobra sakit ng ibabang bahagi ng aking likod, sa medyo itaas na bahagi ng may puwitan.
Hindi ko alam kung napagod lang sa pagtulog sa magdamag. Ok naman ang higaan ko, kaya imposibling sa posisyon ko sa pagtulog ang dahilan kung bakit nananakit ang aking likod. At tsaka kung dahil sa kama ito, hindi naman siguro ang lower part lang ng likod ko ang masakit, pati siguro ang buong gulugod ko...
Sa bato 'to eh, alam ko. Kasi naranasan ko na rin ang ganitong sakit mahigit dalawang taon na ang nakararaan. Back then naman may dahilan talaga para sumakit ang aking bato kasi nga ang hilig-hilig kong magpigil ng pag-ihi.
Para bang ang sarap-sarap ng feeling kung iihi ka ng malapit ng sumabog ang pantog mo.... 'yong ganoong feeling.. he he he... joke lang. Kasi kaya naman sobra ang pagpipigil ko sa pag-ihi noon, kasi nga bago palang kami nagmo-mobilize sa site, so bago palang rin itinatayo ang mga opisina at porta-cabin. Kasi nga bago palang, so wala pang mga CR noon.
Ang pasok ko sa site ay 6:30 ng umaga hanggang 12:30 ng tanghali. At sa anim na oras na 'yan hindi ako umiihi, kahit na ihing ihi na ako... kasi nga walang CR. Hindi ko lang alam kung bakit ba naman saksakan ang kaartihan ko sa pag-ihi, basta hindi lang ako nasanay na basta nalang tumatalikod sa pader o poste para lang mairaos ang pag-ihi. So, tiis-tiis ko lang ang ihiin ko hanggang 12:30, kasi that time susunduin na kami ng service para sa kumain, so sa mess hall - may CR, doon palang ako makaka-ihi.. hhhaaayyy.. sarap ng pakiramdam.
The same scenario ulit pagbalik ng site from 1:30 hanggang 5:30 ng hapon.
Kaya nga hindi nagtagal, mga dalawang linggo sigurong ganoon ang drama ko sa pag-ihi ay naningil na ang aking bato. Sumakit. Gaya ng nararamdaman ko ngayon... sobrang sakit.
Pero ngayon naman hindi naman ako nagpipigil sa pag-ihi eh. Hindi nga lang ako nag-iiinom ng tubig, kasi kung marami akong iniinom na tubig, ihi ako ng ihi... at kung laging naiihi, eh panay ang bisita ko sa banyo. Eh ayoko pa naman ng ihi ng ihi, kasi abala sa trabaho, lalo na kung santambak ang trabaho...
Kaya eto siguro, naniningil na naman. Kulang ata ako sa tubig.. .kulang sa ihi.
Hindi ako makagalaw ng maayos.. masakit talaga.. kahit tumawa ng todo... kailangang ngiti lang... hindi puedeng bumungisngis.. kasi masakit...
Sandali... ihi muna ako.
2 comments:
tandaan..HEALTH IS WEALTH...
wag pong pabayaan ang sarili dahil sa work=)
@ dra. rio
oo nga... Health is Wealth, pero lagi nakakalimutan.
meet ko nga mamya urologist ko...
salamat
Post a Comment