Bigas!!!
Bigas!!!
Kanin!!!
Kanin!!!
Ulam!!! hep.. hindi kasama ang ulam... he he he. Sensya na, na kerid awey lang.
May krisis daw ng bigas sa lupain ni Juan Dela Cruz? May krisis nga kaya?
Bakit nga ba ang hilig-hilig ni Juan Dela Cruz sa bigas o sinaing na bigas - kanin?
Agahan: Kanin
Tanghalian: Kanin ulit
Meryenda: Bahaw
Hapunan: Kanin pa rin
Anak ng kanin o!!!
Hindi kompleto ang hapag kainan ni Juan kung walang nakahayin na kanin. Kahit pa siguro gaano kasarap at maka-tulo laway ang ulam, kung wala ring kanin... wala ring wenta. Kasi nga parang ang kanin ang puso ng ating hapag kainan. O kanin nga ba ang puso?
Siguro nga, kasi parang lahat yata ng pang-ulam ni Juan ay dapat kanin ang kapareha. Talaga namang napakasarap kumain ni Juan kung may kanin. Lalo na kung Sinandomeng ang bigas.. lalo na kung galing ng Mindoro ang bigas... he he he. Tapos isasaing mo na may nakaibabaw na pandan.... ay sya.. sigurado taob ang palayok ni Juan. Lalo na kung makain ng naka-kamay. Tapos nakataas ang isang paa sa silya, ay sigung-sigu eh.. kasarap..tapos nasa dahon lang saging makain, ay sya hinding-hindi mo mapipigilan... kahit pa tuyo at kamatis o bagoong ang ulam. Tapos 'yong bagoong pinigaan ng gata, ay sya naman sigurado talaga... taob.
Sabi nga sa Probe noong nakaraang lingo, mahalaga nga raw talaga ang Bigas o Kanin sa mga Pilipino. Noong unang panahon nga raw, ang pagkakaroon ng kanin sa hapag ay maaaring maging simbolo ng estado mo sa lipunan. Karaniwang makikita ang nakahaying kanin noon sa dulang ng mga maharlika.
Eh paano nga raw ‘yan, may krisis daw sa bigas ang Pilipinas. Wala na tayong bigas!!!! Wala na rin tayong kanin!!!
Maaari bang palitan ang kanin sa dulang ni Juan? Sabi ng mga dalubhasa sa usapang nutrisyon at pagkain, maraming puwedeng ipanghalili sa bigas o kanin sakaling magkaubusan na nga ng bigas sa Pinas
Puwede ang kamote.
Puwede ang mais.
Puwede ang kalabasa.
Puwede ang patatas.
Puwede ang tinapay.
Puwede ang kamoteng kahoy.
Puwede ang saging.
Ang daming pagpipilian ‘no ? Eto ang sigurado, sa mga nabanggit na pagpipilian maari talagang makakain ang isang Pinoy ng tatlong beses sa isang araw. Lahat naman talaga ito ay maaaring kainin ni Juan, pero ang pinaka-importanteng tanong ay eto: BAGAY KAYA ITO SA ULAM NI JUAN??
Halimbawa napili natin ang patatas.. so ginawa nating mash-potato…sosyal!!!
Nakahanda na ang mesa.
Inihain na ang mash-potato. Wow… sosi talaga.
At inihain na ang ulam….
Ta-dah!!!
Umuusok-usok pa… diningding at ginataang tulingan! Ang sarap!
He he he….matapos magdasal bago kumain… eto na ang unang subo…eeewww…
Mash-potato at diningding! Ha!
Parang baduy!
Eh mash-potato at ginataang tulingan…. Ngi, hindi pa rin bagay..
Eh pa’no kaya kung palitan nalang natin ang ulam.
Eto pa ang listahan ng ulam ni Juan, na maaari nating i-partner sa ating very sosi na mash-potato.
- Adobong manok / baboy
- Bagoong gisado
- Ginataang alimango
- Sinigang na baboy, hipon
- Sinigang na kaduli sa miso
- Tapang usa
- Diningding
- Pakbet
- Bulanglang
- Tinola
- Sarsyado
5 comments:
Ayos itong bagong kaisipan mo, kaya lang dapat ang ginamit mong angkop na salita para sa "kamoteng kahoy" ay balinghoy yan ang tawag sa Mindoro.
Tama walang krisis sa bigas sa Mindoro, ang krisis ngayon doon ay panghilod kasi nauuso na rin sa Maynila ang paggamit sa panghilod na kinukuha karamihan sa Mindoro. he he he
ako ay malapit sa maynila at nararamdaman ko ang krisis...
sa mga bilihan ng kanin konti na lang ang limang piso kompara dati..
hindi ko maintindihan kung bakit nakaganito ang producer ng bigas taghirap sa bigas... ironic db..
sa tingin ko gimik lang ito...
gimik ng gobyerno para matabunan ang mga baho at anomalya na ginagawa nila
Mukhang totoo nga ang inilahad mo na may krisis ng bigas at pati ang mangyan naapektuhan, siguro walang nakaing kain kaninang umaga kaya walang maisip na ilagay sa araw na ito sa post niya... oh wala lang ulam na natira kagabi kaya di makain yung kanin lang..... gud am pooooo..
sandugo, ay parang bagang di ka mangyan eh. nakatingayan (nalimutan) mo ang pinakamahalaga sa lahat, eh, ang sardinas! ay, bakin ga gay-on?
@ jmhe
ay sige, sa sunod ko nalang isasama ang kamoteng kahoy con panghilod na 'yan.. salamat
@ shamy
oo nga, kung tutuusin tayo nga raw ang nagturo sa mga karatig bansa natin para magsaka ng bigas, tapos ngayon tayo na ang umaangkat. salamat sa pagdaan.
@ bro. utoy
sandugo, hindi ko naman nakatingayan yoon! diga sabi mo eh pinaka-importante, ay para naman sa akin ay sagrado yon eh, kaya hindi ko na isinama... ako ga'y nagawa ng sariling pitak para sa sagradong sardinas, kaya gay-on.
Post a Comment