Magha-halalan na naman pala. Siguro nga sa 2010 pa talaga ang halalan, pero sabi sa balita kagabi ay naghahanda na ang lahat ng kagawarang may kinalaman sa pagpapatupad ng maayos na halalan. Ang aga ah.
Pero sabi nga, daig ng maagap ang masipag.
Kaya nga raw maaga na ang preparasyon ngayon ay dahil na rin para maihanda ang lahat sa gaganaping halalan, dalawang taon mula ngayon.
Maihanda ang mga guro.
Maihanda ang mga lugar na padadausan ng halalan.
Maihanda na rin lahat ng mga kagamitang gagamitin.
Maihanda at maisulong na rin ang maayos na halalan sa bahaging timog ng bansa.
Maihanda na rin at mai-plano ang kaayusan at seguridad.
Marami pang paghahanda.
Subalit nakakalungkot isiping sa dami ng mga paghahandang ginagawa ng ating pamahalaan ay wala ring nangyayari sa mga paghahandang ito kapag dumating na ang araw ng halalan.
Puro paghahanda nalang.
Siguro dapat isama sa listahan ng mga paghahandang ito ang kahandaan ng kung sino mang kakandidato sa halalang ito ng kanyang pagkatalo. Kasi sa tuwi na lamang halalan, wala naman talagang natatalo, karamihan lahat ay nadadaya. At sigurado ang nanalo ang syang nandaya.
Hindi ko lang alam kung bago kaya nagpasya ang mga kandidatong ito na lumaban sa isang halalan ay kasama sa kanilang paghahanda ang kahandaan nila sa magiging resulta.
Matalo.
Manalo.
Madaya.
Mandaya.
No comments:
Post a Comment