Ngayong umaga lang ay nakatanggap ako ng sulat galing sa isang dating kasama sa trabaho, si Sir Willie. Kaya ang entry na ito ay para kay Sir Willie, na kahit papaano ay nagbabasa ng blog ko, kala ko kasi ako lang ang nagbabasa ng mga isinusulat ko dito…
Gaya nga ng dati, eto pa rin kami sa head office, tambay dito – tambay doon. Kanya-kanya na nga lang kami ng imbento ng trabaho may magawa lang at mapalipas lang ang walo at kalahating oras. Bukod doon na-master ko na rin ang A.I.D.S. act (As-If-Doing-Something act). Sa ibang entry ko nalang siguro i-market ang AIDS act na to.
Balik kumustahan. Sobra hirap ng buhay dito sa headoffice, ok lang kung hindi man sila magbigay ng overtime dito eh, walang problema. Ang malaking problema dito ay kung paano ka gagalaw. Para bang sa araw-araw ng pagta-trabaho mo ay kailangan mong tumulay sa alambre. So far naman, nakakatulay pa naman ako. Lahat ng mata dito ay nakatingin sa ‘yo. Hindi ko alam na ganoon pala ako kasikat dito sa office.. he he he.. na para bang ang lahat ng tao dito ay naglalaway makasagap ng bagong balita galing sa akin..
Ano nga ba ang istorya na mahiwagang karatula? Eto ang maikling summary.
Unang araw palang ng pagbabalik ko dito sa headoffice eh, napansin ko na agad ang mahiwang karatula. Hindi ko lang alam kung maliwanag lang ang mata ko o talaga namang saksakan ako ng epal at mapanuri. So nakita ko ang karatula – MALI!
Dahil na rin sa impluwensya ni Farooq, ang Safety Manager sa site, na wala nang ibang ginawa kundi kunan ng larawan ang lahat ng mga unsafe working condition sa site, e’di kuha rin agad ako ng kamera at kinunan ko ng larawan ang maling karatula.
Matapos kung makunan, medyo nagtagal pa ng ilang araw bago ko mapag-isip-isip na ipaalam sa opisina ang aking nakita. Syempre super-concern-citizen naman ako, so feeling ko obligasyon ko ito sa kompanya.
Kaya, gumawa ako ng sulat sa kalihim ng aming Admin:
Dear Mr. XXXXX,
Good afternoon.
I found this Sign erected in the front of our office, near the main gate for receiving visitors. I don’t know if our visitors still care or even read this sign and I hope they don’t. Because it’s kind of awkward for a reputable company like ours, to have this kind of sign right on the very front of our building.
I assumed that the Arabic words are fine but the English has been misspelled and totally wrong (picture attached). Well, since we’re an ISO certified company now, do you think this is acceptable?
You mind informing the proper people to have this thing be corrected?
For your information and disposal.
Best Regards,
Me
Matapos kung maisulat at maipadala ang liham na ito, parang nabunutan ako ng tinik – kasi kahit papaano kung wala man akong ginagawa dito sa office, at least may nagawa naman akong mabuti para sa aking kumpanya.
Martes ko ipindala ang sulat.
Makalipas nga ang ilang araw, Sabado, nalimutan ko nga ang tungkol sa sulat eh. Pinatawag ako ng admin. Galit daw, sabi ng kalihim nya. Bakit kaya.
Ayon nga para sa iba pang detail ng mga nangyari see my Whattanem!!! post.
Sya nga Sir Willie ang naggalit at muntik nang sumisante sa akin, "sya" mismo. At nakakatakot ang binitiwan nyang salita. Let me quote him:
“You only see the good side me, don’t push me to show the evil side…. you’re crossing your boundary here.”
Ano kayang boundary yon? Sa palagay ko naman ay wala akong gin-cross na boundary. Sabi pa nya, wala akong karapatan na magsulat ng ganoong remarks. Sino kaya ang may karapatan? Ang mga bisita ba na babasa ng pagkakamaling ito? Ewan ko lang kung gaano kalaking kahihiyan ang matatangap kung ang mga bisitang ito ang magbigay na comments.
Sabagay, no one appreciates a good constructive criticism than the one giving it.
Ang maganda lang sa nangyari, ay noon ding Sabadong ‘yon pinatanggal ang naturang karatula. Karatula ng kahihiyan.
Isa pa pala, sabi rin nya, na dapat nga raw i-appreciate nya ako sa ginawa ko, kasi kahit sya mismo na araw-araw pumapasok sa gate na ‘yon at hindi man lang daw nya napapansin ang pagkakamaling ‘yon, noon lang nya rin napansin noong pinansin ko. Take note that has been erected there for more than 15 years.
Anyways, kahit naman papaano may trabaho pa ako.
No comments:
Post a Comment