Tuesday, 8 April 2008

Kelan Uulan?

Sa aking pagpulso kahapon ng hapon, sabi ko baka umulan ngayong araw na ito. May orasyon pa nga eh.

Mukhang nagkatotoo naman ang aking pagpulso, ‘yon nga wala pang ilang minuto.

Ngayong tanghali, eh umulan dito. Pagtutuwid, hindi pala umulan, umambaon lang. Hindi naman kasi kalakasan ang ulan. ‘Yon bang bago pa pumatak ang susunod na patak eh tuyo na ‘yong unang patak. Tapos ang haring araw ay talaga namang ayaw magpatalo sa mga makukulit ulap. Kahit anong gawin ng mga ulap na itago ang haring araw ay nagpupumilit pa rin itong sumilip at patunayan na sya talaga ang siga ng kalawakan. Sa bandang huli, wala ring nagawa ang makukulit na ulap. Ang Haring Araw pa rin ang nagwagi.

Muli na namang sumikat at namaso ng balat ang haring araw.

Hindi ko maintindihan ang padali ng panahon ngayon dito.

Maulap.

Maalikabok.

Mahangin.

Mabanas.

At ito ang karagdagan, parang gustong umulan na hindi naman matuloy-tuloy.

Papilit ba.

Ang tagal namang umulan….

No comments: