Kelan ka huling nagpagupit?
Ako, noong isang linggo lang.
Bukod sa katotohanang nabawasan ang buhok mo, at sa katotohanang medyo umaliwalas ang ‘yong maligid, at parang ang gaan-gaan ng feeling (lalo na kung semi-kalbo o ahit-na-ahit ang gupit), ano pa ang napapansin mo tuwing bagong gupit ka? Sa mga nabanggit na ‘to, ito ang pangkaraniwang napapansin ng taong nagpagupit. Pero ang napapansin ng nakasalubong ng taong bagong gupit – ibang usapan na ‘yon.
Kadalasan, kung ang isang PInoy ay bagong gupit, laging nandiyan ang kantyawan. Hindi ito nawawala. Kung ikaw ang bagong gupit, at may makakasalubong kang kakilala mo, at para sa kanya ay obsyut na obsyut naman na nagpagupit ka talaga – malayo pa lang yan nakangiti na ‘yan. Hindi ito ‘yong ngiti na pangkaraniwan na kung kayo ay nagkakasalubong, ito ang dark-side ng ngiti: NGISI. At kaakibat ng ngisi ay ang kantyaw sa bago mong gupit.
Kasalubong: Pre saan punta? (ito rin ang isa sa mga basic Pinoy greetings, instead na “Kumusta”, mas malimit na mas intresado si Juan Dela Cruz sa pupuntahan ng kasalubong.)
Pinoy na Bagong Gupit: Dyan lang pre, aayusin ko lang ‘yong ano. (kung ano man ‘yong “ano” na aayusin nya, basta ano ‘yon.)
Kasalubong: (napansing na bagong tabas ang buhok) Gagong gupit ka ah!
Pinoy na Bagong Gupit: (ngiti lang, at parang hiyang-hiya)
Kasalubong: Ano patay na ba? Gusto mo balikan natin eh?
Pinoy na Bagong Gupit: Oo pre, pinatay ko na!
Unang punto: Sa usapang ito, ang pinag-uusapan nilang pinatay ay ang taong gumupit sa Pinoy na Bagong Gupit. Only in the Philippines nga lang siguro ‘to, na bakit kinakailangan nating patayin, kung hindi man ay saktan ang mga gumupit sa atin. Samantalang hindi naman ang mga barberong ito ang naghahanap sa atin para tayo ay gupitan, tayo mismo ang lumalapit sa kanila tuwing marami na tayong naiipong buhok. Kung sa bawat pagpapagupit ko siguro at kailangan kong saktan o patayin ang aking barbero, malamang sa mga oras na ito ay long hair na ako, kasi wala nang mag-gugupit ng buhok ko, kasi naubos na sila.
Ikalawang punto: Bakit kailangang hayaan ng taong gugupitan na gupitin ng barbero ang kanyang buhok? Bakit kailangan pa nyang hintayin pang matabas na ang kanyang buhok, bago nya saktan o patayin ang barbero? Hindi ko lang alam kung puede pang makipag-negotiate ang barbero sa gugupitan. Basta ang alam ko lang, pag nagpagupit ang isang Pinoy, kailangan nyang saktan o patayin ang gumupit sa kanya. Hindi puedeng tumanggi ang mga barbero kasi “the costumer is always right”… akalain mo 'yon…
Haaayyy.. si Juan Dela Cruz nga naman o…
Haaayyy.. si Juan Dela Cruz nga naman o…
1 comment:
ONE YEAR NA AKONG WALANG GUPIT...KAYA NAMAN ANG BUHOK KO, LAMAY NA LANG ANG KULANG...PATAY NA KASI LAHAT!
Post a Comment