Parami na nang parami
Mga Mangyan sa Em-Ee
Mangyan sa Em-Ee
Mangyan sa Em-Ee
Bakit naman ako napunta dito? Kasi ngayong umaga lang tumawag sa akin si Kuya Noel, eto certified mangyan din. Eh kuya ko eh, so kamag-anak ko 'to. Kapatid ng tatay ko si Tito Lito, ang Tatay ni Kuya Noel... sa madaling salita, mag-pinsan kami. Pamilyang mangyan!
Dumarami na ang mangyan sa ME. Noong bagong dating ako dito, sa sampung OFW na nakaka-usap ko, wala kang makaka-usap na mangyan. Marami ang taga Pampanga. Marami ring Bisaya. Marami ring taga-Batangas o Cavite. Pero walang taga-Mindoro!
Nakakalungkot noon, kasi diba iba ang feeling noong may kakiskisang buntot ka, na kababaryo mo. Opo, kakiskisang buntot.. kasi lagi nalang nilang sinasabi na meron daw buntot kaming mga mangyan.
Ang Pampanga may Pampanga's Best Tocino and Longanisa.
Ang Batangas may Kapeng Barako.
Ang mga Bisaya may Danggit o Batchoy.
ANG MANGYAN MAY BUNTOT! MERON BA?
Bakit sinabi ng mga taga Pampanga ang sekreto nila kung bakit pagkasarap-sarap ng mga tocino at longganisa nila? Hindi!
Sinabi ba ng mga taga Batangas ang sekreto ng kanilang pagkatapang-tapang na Kapeng Barako? Hindi!
Ayaw ko nalang magsalita. Lihim ng aming lahi 'yon. Kung gusto nyo talagang malaman... tikman nyo kami... he he he..
Hindi ko lang alam kung bakit ba naman ang buntot namin ang pinagdidiskitahan ng mga tao.
Alam nyo ba na meron kaming sariling salita? Meron kaming sariling alpabeto? Meron ba kayo noon? Kape at Tocino lang pala kayo eh... he he he.. hindi naman ako naghahanap ng away ha... Pero totoo 'yon mga kabayan, nasakop man tayo ng mga banyaga subalit hanggang sa kasalukuyan ay ginagamit pa rin ng ilang mangyan sa Mindoro ang sarili naming alpabeto. Hindi ito ang alpabetong Pilipinong galing sa Amerika. Orihinal na Pilipino 'to.
Sa kasalukuyan, sa sampung OFW na makaka-usap mo, kahit naman papaano ay may .5 na Mangyan kang makakahuntahan. Dumarami na nga ang mangyan dito.

Noon sabi ko kasi mayaman ang Mindoro kaya hindi nakukuhang mangibang-bansa ng ilan sa aking mga ka-tribo. E bakit ngayon nangingibang-bansa na ang mga mangyan?
Naghihirap na ba ang mga Mangyan?
HINDI!!!
Likas lang sa aming mga mangyan ang maglagalag. Mag-explore ga. Humanap bagong bundok. Mangaso ng tamaraw at baboy-ramo.
'Yon lang...at para sa dagdag kaalaman bumisita sa mga sumusunod na kabitan:
http://www.mangyan.net
http://www.mangyan.org/
http://www.mangyan.net
http://www.mangyan.org/
MABUHAY ANG LAHING MANGYAN!!!
2 comments:
napadaan laang ho ako't nakasilep.
batangueno ho ako pero lahi ring mangyan. father side. naks, proud!
ay, sandugo, ako eh babalik ulit dine!
napadpad lang dito...ngayon ko lang nalaman na pagsinabing mangyan taga mindoro pala...
care for xlink?
Post a Comment