Wednesday, 23 April 2008

Vote for Tubbataha Reef

Magandang araw mga blogistang Pinoy!!!

Kagabi napanood ko sa The Correspondents ng TFC (kapamilya po ako) ang tungkol sa New Seven Wonders of the World.

Nabanggit doon na sa dinami-dami ng mga entry galing sa iba't-ibang bansa ng buong mundo ay meron din syempre pambato ang lahing kayumanggi.

1. Ang Tubbataha Reef ng Palawan
2. Ang Underground River ng Palawan
3. Ang Chololate Hills ng Bohol
4. Ang Mayon Volcano ng Albay

Sa apat na nabanggit, ang Tubbataha Reef ng Palawan ang nananatili sa unang sampu ng mga kalahok na bansa.

Base sa pinaka-huling pagtataya, mula sa pang-siyam noong mga nakaraang araw, ang Tubbataha Reef ng Palawan ngayon ay nasa ika-pitong posisyon na.

Ang pagpili ay base sa botohan sa ngayon sa internet.

Kaya nga naririto po ako, upang ipamanhikan sa inyong aking mga kababayan na iboto po natin ang sariling atin.

Para sa pag-boto, pumunta lamang sa http://www.new7wonders.com

Suportahan po natin ang sariling atin. Kabayan boto na!!!

Update:

Sa mga oras na ito, wala na sa listahan ng mga nominado ang Chocolate Hills ng Bohol at ang Mayon Volcano ng Albay.

Tanging ang Tubbataha Reef at ang Underground River nalang ang nananatiling kasama sa mga nominadong pagpipilian para sa rehiyon ng Asya.

2 comments:

Anonymous said...

bro, palitan tayo ng links ha. andun ka na sakin

Si Me said...

oki..

salamat sa pagdaan-daan...

link rin kita...