Thursday, 24 April 2008

Ang Sundo

Kagabi dapat nasa dentista ako. Diba nga tinutubuan ako ng ipin, so pa-check ko sana kung ano na ang nangyari sa kanyang pagtubo, kasi nitong mga nakaraan araw ay hindi ko na nararamdamang sumasakit ang aking gilagid…kasi nga umepal ang aking bato…

‘Yon dapat, kaso dinaanan ako ni Kuya Erik sa compound para sunduin sa airport si Nick.

Sakay ng Singapore Air si Nick, at dati na akong suki ng Singapore Air so alam ko mga 7pm dating ng Jeddah, kaso ang advised ni Anthony kay Kuya Erik eh, 9pm… e’di 9pm sunduin..

Kaso habang nag-iikot-ikot pa kami ng Jeddah, nag-text na si Nick sa mobile ni Kuya Erik.

Aryv n me.

Ano raw? Kasi hindi naman ako sanay bumasa ng mga text messages, noong una kung tingin akala ko nagpapakilala lang.

Para bang: My name is Aryv.

‘Yon pala text ‘yon for : Arrive na me / Dumating na ako.

So text back ako, kasi si Kuya Erik ang nagmamaneho…eh hindi nga ako sanay mag-text kaya, kompleto with all the comas, periods, apostrophes, and spaces.

Sige, maghintay ka lang dyan. Dito pa kami sa Sarawat. Hintay ka lang dyan, papunta na kami dyan.

Diba…. Kung text siguro.. ganito ata to..

K w8 u nlng.d2 p me Srwt.U w8 me on d wy.

Ewan ko, basta mahirap basahin..

Pagdating naming ng King Abdulaziz International Airport, dito sa Jeddah.. wala pa si Nick..

Nasa loob pa pala sya ng arrival, w8 pa nya ‘yong mga bagahe nya. So, kami w8 lang din sa labas.

Habang hinihintay si Nick.. eto ang mga nasagap ko..

Kabayan 1: Where are you now?!! (medyo galit si kabayan, halatang matagal na syang naghihintay sa labas ng airport… at naka-amerika si kabayan ah.. complete with coat and tie)

Hindi ko lang maulinigan kung sino ang kausap nya o kung anong lahi ang kausap nya..

Kabayan 1: I’m already here!!! Where are you?! (galit na talaga)

Pause ng ilang sandali para pakinggan ang kausap sa kabilang linya..

Kabayan 1: Where ??? You’re outside the gate ? I’m also outside the gate??? Which gate?? There’s a lot of gate here…

(as in sumisigaw na si kabayan, na ‘yong ibang mga nagdaraang pasahero pinagtitinginan na sya)

Kabayan 1: You see me? Ok come now!

(nagpangita na siguro..)

Lipat ako ng puwesto.. eto naman ang dalawa pa nating kabayan…kasama ang sundo nila.. mister siguro noong isa.. Alam mo naman tayong mga Pinoy, mahilig sa pasalubong, kaya alam mo na… maraming bagahe si kabayan..

Nakapatas sa isang trolley ang dalawang malaking box, dagdag pa ang isang medium size maleta.. ‘Yong isang maleta naman ay bitbit noong isa pang kabayan na kasama nila.

Take note. Hindi sila ang nagtutulak ng trolley, meron silang inupahang Bangali para magtulak noon.. Syempre, na-miss ni mister si misis, kaya ang sweet-sweet nila..

Eh biglang naningil ang Bangali.

Bangali: Eshirin! (SR 20.00)

Mister: La… ashara, bas. (no… SR10.00 only)

Bangali: Eshirin! (SR 20.00)

Mukhang matigas talaga ang Bangali…

Mister: Ok, but you push to parking?

Bangali: Ok.

Ano raw??? Ahhh, itutulak daw ang trolley hanggang sa parking area kung saan nakaparada ang sasakyan ni mister.

Di lampas na sila.

Hintay ko pa rin si Nick… si Kuya Erik naman hindi ko mahagilap.. pumasok ata sa loob.

Hintay hintay lang ako sa labas…

Hanggang sa natanaw ko na si Kuya Erik at si Nick, sariwang-sariwa galing Pilipinas.. he he he.

‘Di punta na kami sa sasakyan namin sa parking area, habang nire-remind ni Kuya Erik si Nick sa padala nyang sayote.

Kuya Erik: Dalawang kilo ‘yan ha.

Nick: Oo, sakto nga eh, anim na piraso… muntik pa akong ma-over baggage.

Eto na… hulaan nyo kung sino ang nadaan ko along parking area???

E’di si Mister at si Misis plus ‘yong isa pang kabayan. Wala na ‘yong Bangali.

May kausap sa telepono si mister sa tapat ng sasakyan nila, si misis naman at si kabayan nasa gilid ng kotse nagwewentuhan.

Hindi naman sa tsimoso ako, sabihin nalang natin na medyo mabagal akong maglakad and i can’t help myself to overheard what they’re chatting… he he he

Misis: Hirap ng buhay sa atin… mainit na rin.

Kabayan 2: Ano pa nga. Idaan mo nalang ako sa amin ha.. doon mo nalang ako ibaba, bukas nalang ulit tayo magkwentuhan.

Misis: Sige.

Kabayan 2: Buti hindi kayo nabuko?

Misis: Hindi naman… maingat kami. Kita mo nga o, tawag agad misis nya…

Ano raw ulit???? Ahhh, hindi pala ito ang tunay na asawa.. in short kabit, kerida, or the other.

Kabayan 2: Ikaw talaga…. Pagnabuko kayo, hi hi hi… (mukhang kilig na kilig)

Misis: Sobra ka… kung hindi ko lang kailangan ng makakapitan dito eh..

Tapos na si mister sa telepono.

Mister : Si kumander… (naka-ngisi, sabay akbay sa kerida, este sa misis dito sa Jeddah) tayo.. miss na kita..

Medyo napa-bilis na ang lakad ko… naiwan na ako ni Kuya Erik at Nick.

Hhhhaayyy.. si kabayan nga naman…

Ironic ‘no, bakit ‘yong mga may asawa dito sa Jeddah ang dali-daling makakuha ng mga magmamahal sa kanila, samantalang ‘yong mga binata parang ang hirap-hirap…

Siguro, mas makapal lang ang mukha at mas matindi ang pangangailangan at pangugulila ng mga may asawa na, kesa sa mga binata… he he he.

‘Yon lang… kabayan, ingat lang… sana hindi nga magkabukuhan…

Laging tatandaan, mas mahalaga ang pamilyang iniwanan sa Pilipinas kesa sa ilang segundong libog at init ng katawan...

4 comments:

Anonymous said...

kasi bro pag may asawa na hindi na takot mabasted, walang mawawala sa kanila kaya malakas ang loob nila. yung iba pating babae, maski alam na may asawa si lalake sila pa ang nangaakit

Rio said...

hay naku..mga lalaki nga naman!!hehehe=)(wag ka ng kumontra! dahil hindi ko nilalahat!!)...
nu pala problema mo sa ipin??

Lyzius said...

di ko lang magets bakit kelangan magpakaporma o pormal ang mga kabayan kapag sasakay ng eroplano...nyayahaha..samantalang ang haba haba ng lalakarin sa eyrport bakit hindi komportableng damit o sapatos ang isuot..nyahaha... hindi gumaya sa akin, parang pupunta lang sa tindahan pag sasakay ng efflen...

Si Me said...

@madbong
sabagay, kasi nga kung binata, medyo takot pa na mabasted, para bang nakakahiya... tsaka mas gusto nga raw ng mga babae 'yong mga may-asawa, lalo na 'yong may magandang trabaho at totoo 'yon, parang alam na alam nila kung paano aakitin.. he he he

@dra rio
bawal komontra eh, ano pa sasabihin ko..
dra. tinubuan ako ng ipin, ewan ko ba naman at ngayon lang dumating 'to, gusto ko tuloy magtanong: "bakit ngayon kalang, bakit ngayon kung kelan meron ng naka-puestong bagang?"

@de lyzius
para ba astig! nakakasabay ka na ba ng bangali na naka-amerikana? diba panis ang pinoy. kaya syempre papatalo ba naman tayo.. he he he...