ADIK!!!
Kahapon, nasilip ko sa clinic ni dra. ang tungkol sa My Heritage face recognition thingy. Kung sino ang kamukha ko sa mundo ng showbiz. Sa mundo ng entertainment. Sa mundo ng palakasan. Mga kilalang taong ka-mukha ko. Kumbaga, isa lang ang hulmahan namin. Mapa lalaki o babae, walang pinipili. Basta:
Ka-mukha
Ka-ilong
Ka-mata
Ka-kulay
Ka-buhok
Ka-panga
Ka-labi
Ka-balat
Ka-tenga
Basta ‘yon na ‘yon.
Naging intresado tuloy ako. Kaya naman naghalungkat agad ako ng mga pinaka-huli kong larawan sa aking baul.
At nang makasumpong nga ng sa palagay ko ay maayos na larawan, ‘yon bang artistahin ang posing, though artistahin naman talaga ako.. he he he.., tipa ko agad address: www.myheritage.com.
Upload ko ang aking pichur.
At pagkatapos ng ilang minuto. Ilang minutong kunwari ay abala sa trabaho, ‘yon pala eh may nangyayaring paghahambing sa likuran, eto ang naging resulta. Mga resulta hindi ko alam kung bakit sila ang mga “ka-mukha” ko raw. Wala nga akong kilala dito sa mga kamukha kong ito eh.
Rani Mukherjee (68%) – an award winning Indian actress of Bollywood. Magaling daw ‘to sa iyakan at drama. Hindi ko pa rin ma-gets kung bakit kasama ito sa listahan ko.
J.M. Coetzee (63%) – a nobel prize winner for literature. Mukhang astig ‘to. siguro kasi mahilig sya sa literature, ako mahilig rin. Sya ang taga-sulat, ako ang taga-basa.
Giacomo Puccini (60%) – pangalan pa lang Italyanong-italyano na. Kumpositor ang isang ito sa mga opera house sa Italy. Mahilig sa musika. Mahilig tumugtog. Mahilig rin ako sa music, nagpupumilit umipit at kumaskas ng gitara, pero parang walang hilig ang gitara sa akin. Pakantahin mo nalang ako.
Riya Hayworth (59%) – eto and sikat na sex-symbol ng Hollywood noong dekada kwarenta. At ako naman ang sex symbol ng Jeddah.. he he he, bawal kumontra.
Roh Moo Hyun (55%) – politiko, pangulo ng South Korea - para tuloy gusto ko nang pumasok sa politika eh a.k.a. "public service".
Kim ki duk (58%)– Koreano pa rin, eto naman director ng pelikula. Kontrobersyal sa isyu ng “cruelty to animals” sa kanyang mga pelikula.
Albert Einstein (56%) – sigurado hindi kami magkakasundo nito sa Physics.
Magic Johnson (55%) – siguro parehas lang oily ang face namin sa pic kaya nag-match kami. Isa sa mga sikat na AIDS patient, well ako hindi naman sikat pero dito sa opis eh AIDS (As If Doing Something) patient rin ako.
Lu xun (55%) – Intsik. short story wrier ‘to. Di ko lang alam kung nakikita sa mukha ang pagiging manunulat. Kung hilig nya magsulat, sige basa nalang ako.
Allen Iverson (54%) – ang alam ko basketball player ‘to. hindi ko alam kung bakit sya kasama sa listahan ng mga kamukha ko, pero siguro ka-ilong(?).

10 comments:
kapatid pang united nation pala ang kapogihan mong yan...mixed race ka ata..hehehh
hehehe... nagtry ka rin pala...
he he he
@dakilang islander
oo nga eh, ngayon ko nga lang napagkikita 'tong mga mukhang ito eh.. akalain mo 'yon, halos isang hulmahan lang pala ang ginamit namin...
@ifm
absent ka today, bakit? try ko lang kasi nga matagal na akong nawawala eh.. he he he
tol, siguro bigotilyo ka. laging yun ang lumalabas eh.
as for einstein, magkakasundo kaming dalawa nun sa physics kasi puro oo lang ako sa lahat ng sasabihin nya. hehehe...
bwahahha! pano po hindi? nakipagtsismisan ako. di ko nalaman namiss ko na pala ang class. make up class! make up class!
ayos ang mga kamukha mo ah...
Riya Hayworth (59%) – eto and sikat na sex-symbol ng Hollywood noong dekada kwarenta. At ako naman ang sex symbol ng Jeddah.. he he he, bawal kumontra.
e di wag kumontra...baka hindi mo na ako pabalikin d2 sa blog mo pag kumontra pa ako e..lols....

hahaha.... astig ang mga nasa list. dami mong pwedeng impluwensyahan nyan.
Masasabi ko, me hawig ka ke kim ki duk at Lu Xun (bisaya ng lotion)at kakulay ni magic johnsonat at iverson
@bro utoy
di naman bigotilyo, di ko lang alam kung bakit lahat sila may bigote. siguro nga baka umuo-nalang ako ang umuo rin ka pareng albert.
@ifm
marami kang imi-make-up. lagot ka kay ma'am.
@rio
he he he takot ka kontra 'no... sige na nga puede na kontra...
@dong
pang UN ang impluwensya 'ko...he he he...'yon eh kung makakapag-impluwensya..
@lyzius
feeling ko nga made in china ako eh...na may halong itim... tingnan mo naman ang kinalabasan...lolz
Post a Comment