Sa ilang buwan ng pananatili kong "aktibo" sa kathang mundong ito, eh marami-rami na rin naman akong nakilalang mga kaibigan, "virtual friends" kung tawagin nila. Bagaman dito lang kami nagpang-a-pang-abot, eh feeling close na rin kami (aren't we?).
Noong una, medyo hirap pa kung paano ba sumulat ng blog, kung paano iayos, kung paano lagyan ng arte, pero sa una lang 'yon, kasi sa bandang huli eh nagsawa na rin ako sa kalalagay ng kung ano-anong kaartehan sa aking pitak, medyo na-adik rin sa paglalagay ng kung ano-anong widget na taga-bilang ng bisita.
Minsan nabanggit ni Lyzius na may pagkakakitaan raw dito sa pag-ba-blogging na ito, kikita raw.
Mahanap nga.
Adsense pala ang tawag nila dito.
Terms & Condition: basa, basa, basa.... mapagkakakitaan nga.
Apply agad ang mangyan.
Maka-apply binigyan ako ng Google ng dalawang araw upang pag-aralan ang ipinasa kong aplikasyon.
Natapos na ang dalawang araw, dumating na ang resulta.
"...thank you for your interest..... Unfortunately.... we're unable to accept you to Google Adsense"
Bakit daw???
"UNSUPPORTED LANGUAGE"
Nang muli ay bisitahin ko ang Terms and Conditions nila ukol sa "Language" , nakapagtatakang di kasama ang wikang Tagalog, gayong kasama ang sa Vietnam at ang Thailand, samantalang sa ganang akin lang eh di hamak namang mas maraming blogistang pinoy kesa sa mga nabanggit na bansa...
Ganoonpaman, ano pang magagawa ko, eh hindi nga puwede.. di bale na, kahit na hindi nalang kumita makapag-blog lang.. he he he..
Sa kabilang banda, napag-isip-isip ko rin na gumawa ng English translation ng aking blog, kaso iniisip ko palang parang ang dami-dami ng trabaho...
Tingnan nalang natin sa mga susunod na panahon, baka sipagin ang mangyan...
7 comments:
ganun? kesyo tagalog, di na pwede? (note to self: english ang blog mo, pwedeng pagkakitaan! ganansya ito, utoy!)
descrimination yun ah. at may point ka dun na mas maraming blogger na pinoy. at mas maramingreadership!
haynako...
ganun talaga ang buhay mangyan. nagregister din ako sa adsense na yan kaso pareho tayo. unsupported language. lam kasi ni google na ang mga pinoy ay mas magaling magenglish kesa sa mga thais at vietnamese. compliment pa rin kahit unsupported language tayo hahaha :)
bro utoy, opo, kasi tagalog raw, at isa pang opo, kikita ka dito, he he he.. para ngang nakaka-descriminate eh, kasi kung isu-survey nila ang mga blog-user/contributor nila, sigurado medyo mangunguna sa listahan ang pinoy, pero sabi nga sa Jollibee-TLC, "sir yon po ang policy"...
'poy (feeling close na), 'yon nga lang wala silang panama sa galing ng pinoy na magsalita ng english, pero sayang naman 'yon, pagkakakitaan eh...i'll appreciate the compliment more kung meron sana akong kikitain.. he he he...
kaya walng tagalog translation kasi naiintindihan naman daw natin ang english kaya kahit sa dvd bihira ang may tagalog na subtitle kasi alam nilang naiintindihan naman daw natin ang english.
@mangyan. hahaha. feeling close, hahaha okey lang yan. magkakaibigan tayong lahat :) u can call me 'poy.
uu nga sayang kumikitang kabuhayan na sana tayo ngayon. eh sana may dolyares na tayo. pootek kasi yang si google. masyadong CHOOSY. grrr.hahaah
di hamak na mas magagaling mag sulat mga pinoy at pinoy lang may mahabang pasensya na magbasa, tama ba? hayaan nyo ipapakulam ko kay aling bebang yung moderator nun!
mga bro, paano nga yun kung ayaw tanggapin ang adsense natin, ano pa ba iba pede gawin, at ano pa iba paraan para nmn kahit paano e kumita kahit kaunting barya lng sa pag ba blog, nakakahiya nmn kasi na mag inglis ka tapos mali mali, lalo na nga begginers ka pa lng..salamat!!
Post a Comment