Saturday, 24 May 2008

TLC

Alas-onse ng umaga, Anim na buwan bago ang kasalukuyan.

Ang Pagdating:

Galing sa gitna ng disyerto, higit-kumulang na limang libong milya ang layo mula sa kabihasnan, isang mangyan ang nagbalik sa kanyang bayan - hindi naman naglakad, syempre sakay ng isang pakalaki-laking papagayo. At nang ibaba nga ang mangyan ng dambuhalang papagayo sa paliparan ni Ninoy, iba ang pakiramdam. Tuwang-tuwang. Naroon ang kagalakang muli ay makita ang bansang pinagmulan, mapawi ang kapanglawan sa muling pagtatagpo ng mga sandugo.

Naroon rin ang kagalakan ng mangyan na muli ay maka-salta ng Maynila. Bata pa kasi ang mangyan ay panaginip na nya ang masilip man lang ang tinatawag nilang “Maynila”.

Mabilis-na-Pagsulong (fast forward) »»

Ang Pag-uwi:

Ilang araw nga ang nakalipas eh uuwi na ng kanyang tribo sa Mindoro ang mangyan. Parte na rin ng kanyang ritwal sa pag-uwi eh ang pagbili ng makakain sa loob ng bus at syempre pa ang pasalubong sa mga sandugo.

Ang Pasalubong:

Dati, tama na para sa mangyan ang isang balde ng biskwit at panutsa bilang pasalubong. Pero ngayon kahit naman papaano eh merong naipong kwarta sa kanyang kalpi ang mangyan kaya medyo sosyal na ang pasalubong nito – nag-Jollibee.

Sa Loob ng Jollibee:

Sa isang sangay ng Jollibee, sa may panulukan ng Taft Avenue at Gil Puyat aligagang nagtungo ang mangyan, baktot ang kung ano-anong dala-dalahan kaya naman natagalang makapasok dahil na rin sa dami ng dala-dalahang i-inspeksyunin ng sekyo sa pasukan ng Jollibee.

At nakapasok na nga ang mangyan.

Nakapila at nag-iisip kung ano ang masarap na handog ng Jollibee.

FYI: Hindi nga pala ito ang unang pagkakataong naka-kakain sa Jollibee ang mangyan, kahit ang mangyan ay batang-mcdo, eh kumakain rin sya sa Jollibee (burger steak at stapegi ang paborito ng mangyan).

Sa Cashier:

At um-order na nga ng pagkain ang mangyan. Apat na yumburger-meal, isang order ng chicken-joy, at syempre 4 na order ding stapegi.

Mangyan: ‘Yon lang.

Cashier: Sir, ‘yong bang burger may TLC?

Mangyan: Ano?!! (halatang gulat)

Cashier: Kung ‘yong pong burger nyo eh gusto nyo may TLC? (naka-ngiti naman)

Mangyan: Ano ‘yong TLC? Tender Loving Care? (hindi joke ‘yon ha, kasi dati naman kung u-order ng hamburger eh wala namang ganoong tanong, ngayon nalang.)

Cashier: hi hi hi..puede. (di ko alam kung kinikilig sya, o na-kornihan sa akin)

Narinig siguro ng store supervisor nila ang usapan namin, kaya sumabat na ito.

Store Supervisor: Sir, TLC: Tomato, Lettuce, & Cheese.

Mangyan: (medyo nagulat) Ganoon!!??

Store Supervisor / Carshier: (duet sila) Oo, ganoon nga.

Mangyan: (humirit pa) Diba ang order ko eh hamburger? Diba dapat kasama ng ‘yong “TLC”, kasi kung walang TLC, hindi na hamburger ‘yon, beef-patty at bun na lang ‘yon?

Store Supervisor: ‘Yon po ‘yong policy.

Mangyan: (humirit pa ulit) E'di dapat beef-patty-bun-combo na lang ang in-order ko?

Wala lang imik ang cashier at store supervisor, naka-ngiti lang sila.

Mangyan: Sige na nga, 4 yumburger meal with TLC, please..

Cashier: Sir, mag-add po kayo ng 4 pesos each yumburger (di lang ako sure kung 4 pesos talaga ang idinagdag ng mangyan para sa TLC).

Mangyan: Sige. (mapera talaga ang mangyan, mukhang maraming nabentang "dapo")

Makalipas ang ilang minuto, nakahanda na ang order ng mangyan.

Kinuha ang order at umalis na ng tindahan, baktot pa rin ang mga dala-dalahan.


Ang Pag-pagbabalik:


Sumakay ng bus papuntang Batangas Pier, baon ang 4 na yumburger meal with TLC.

Tatawid ng dagat, pauwi ng Mindoro.

corrected by: lyzius.

7 comments:

Lyzius said...

makikialam ng post...edit mo yan..TLC-tomato lettuce at cheese hindi catsup ungas...

ahahahaha...beef patty ata rin yun...ahahaha...editor ako di mo alam..

wag mo rin pakikialaman ang pakikialam ko...idisable mo ang comment kung ayaw mo makarinig ng constructive criticism...ahahahaha

BOW!

Anonymous said...

hahahahaha! natawa ako sa comment ni lyzius. nakalimutan ko tuloy ang icocomment ko dito.

don't worry, di ka nag-iisa. pero di ako ganun ka obvious nun nung tinanong ako kung gusto ko ng TLC. tumahimik lang ako at sabay sagot ng OO. ni hindi ko alam kung ano yun. hahahaha!

Si Me said...

lyzius, salamat sa correction, kaibigan ka talaga... kasi hindi mo ako hinayaan sa aking pagkakamali, atleast now i know! he he he... 'yong ayaw ng constructive critism pikon lang 'yon...

IFM
bakit ba naman kasi kailangan pa nilang itanong 'yon eh, buti nalang kung bibili ka ng chicken joy, hindi ka na nila tatanungin kung ipi-prito ba o hindi. kung cheese burger kaya, tatanungin ka parin kung kailangan ng TLC, or TL na lang?

Anonymous said...

kung yung TLC eh tender loving care nga talaga, I would like to see how they would serve a burger without TLC. siguro iiitsa lang nila sayo ng padabog yung tinapay at beef patty. correction, cara-beef patty pala. hehehe...

at kung may burger without TLC sila, siguro meron din silang Unhappy meal at Chicken Sad(katapat ng Chicken Joy). Hmmm... nakakagutom!

welcome home, mangyan!

Dakilang Islander said...

may sariling meaning na pala ang jollibe sa TLC, buti di na ako tinanong nung umuwi di ko rin alam yan...buti ka nakabaksyon na!

Lyzius said...

ahahaha..sensya na nakerid away sa comment.alam mo namang nadeprive ako sa pag blo-blog ng ilang araw...wahahaha

Anonymous said...

Mga matatakutin yung sinasabi nyong kapre, tikbalang, dwende, mananggal wala na ngayon yun, iba na ngayon dina sila nakakatakot kundi kaiinggitan pa kasi naman karamihan naka N95 minsan Sony Ericson at ang iba may blog pa. kita mo yun.

Yung sinasabi ninyong makati tatlong araw lang yun na si nagpapalit ng undies at di naliligo o kaya napatakan ng tilas.