Monday, 26 May 2008

Mobile Cleansing

Naglilinis ako ng aking telepono.

MESSAGES:

Sa Inbox, inisa-isa ang mga mensaheng hindi ko pa nababasa. Mga kung ano-anong notice, “notice for service expiration”, “internet total bundle consumed notice” galing sa provider. Mga patalastas. Mga nangungulit at nang-iimbitang tindahan na bisitahin sila sa kanilang “Sale”. Mga balita galing ng CNN.

Pinili, inisa-isa ang mga mensaheng wala namang kabuluhan. Mga mensaheng kumakain lang ng lugar sa aking telepono. Pinili kung aling mensahe, kung kaninong mesahe ang aking buburahin, alin ang itatago.

Sa bandang huli, eh nahirapan na akong mag-isip. Nahirapan na akong pagdesisyunan kung alin ang importante at alin ang walang kwenta. Kaya nauwi ako sa pagpapangkat-pangkat ng mga mensahe.

Ads
Bank Notices
CNN Feed
Family
Friends
Jawalnet
MMS
Other People
People
Provider’s Feed
Qitaf
Today’s Inbox
Unknown


Medyo naguluhan ako noong una, kasi inisa-isa ko ulit lahat ng SMS sa inbox ko, pero habang tumatagal at medyo naaayos na ang salansan eh, ok na rin. Naaliw na rin ako. Natuwa na rin ako.

‘Yong mga Sent Messages, halos lahat binura ko na, pero may tinira pa rin ako. Mga “Sent SMS / MMS” na baka sa bandang huli ay kailanganin ko bilang katunayan na nagpadala talaga ako ng mensahe..

Meron din palang laman ang “Draft” folder ko. May mga mensaheng ‘di sinasadyang naisulat at may mga mensahe ring sadyang isinulat, subalit hindi na naipadala dahil naubusan na ako ng lakas ng loob na gawin ‘yon. Ang iba naman ay naiwanan na ng panahon. May mga pagbating kung ngayon ko ipapadala ay hindi na napapanahon.

Ilan ang binura ko. At ang ilan ay pinanatili kong “Draft”, malay ko ba, pagdating ng panahon ay magkaroon rin ako ng lakas ng loob na ipadala ‘to.

CONTACTS:

Matapos himayin ang mga mensahe, sa Contacts naman ako. Medyo matagal na rin kasi na hindi ko naa-update and aking Contacts. ‘Yong iba, lalo na ‘yong mga Contacts sa Pinas eh makailang ulit nang nagpalit ng numero (at ang medyo nakakapikon eh ‘yong nagpapalit sila ng number tapos hindi ka man lang i-inform na nagpalit na pala), ‘yong iba eh na-snatched na ‘yong mga mobile phone na gamit nila noon, syempre kasama ‘yong SIM Card. ‘Yong iba naman eh lumipat na ng tirahan, may nakipagsapalaran muli sa ibang bansa. Merong nagpalit ng e-mails. May mangilan-ngilan rin sa contacts ko na nilisan na ang mundong ito… di ko lang alam kong maaga silang nagsawa, o talagang “finished contract” na talaga sila. At ‘yong iba naman eh “New Look” na.. kailangan rin syempreng i-update ‘yong mga pichur sa contacts.

MEDIA PLAYER

Audio Files:
Kailangan na rin nito ng update. Halos kalahati kasi ng memory ko ang kumukunsumo eh ang mga MP3 file ko. ‘Yong iba eh hindi na naman napapatugtog, halos lahat nga ata eh. ‘Yong mga ringtone naman eh wala ring gamit, kasi masaya na ako sa normal na “rriinnnnnnnggg” at ‘yong simpleng “beep”. Hindi ko na rin naman napapalinggan ang ilang mga recording ko, na ngayon eh hindi ko rin mawari kong bakit ako nagrerecording.. he he he..and speaking of recording, muli ko tuloy napakinggan ang “Kabukiran” track na awit ng barkada minsan isang panahon, bukod sa mangyan eh maririnig rin ang pasi-second voice ni Lyzius.

Video Files:
Eto kailangan na rin talaga ng update. Sandamakmak na kung ano-anong video ang laman. May bidyong naipasa lang, merong namang hiningi talaga, meron ring sariling ripped, may ilang sariling kuha. PG 13 naman ang genre ng mga bidyo ko, hindi nga, pag-iingat na rin, iwas kalaboso ba. Dito kasi, though di ko pa first hand nararanasan, sa mga police checkpoint daw bukod sa mga fake na papeles, isa rin ang mga mobile phone units (lalo na ‘yong may mga kakayahang kumuha at magsalang ng bidyo) ang pinag-iiinitan ng mga pulis. Una agad hahanapin ang mga, alam mo na, mga “scandal” file, na malimit makikita sa mobile phone ngayon, mapa-anong lahi. Na sabi-sabi, kung masumpungan kang meron nito sa mobile phone mo, eh may kalalagyan ka, at talagang may “palo” ka.

CALENDAR

Eto wala naman akong dapat i-update dito. ‘Yong mga holidays naman ay ‘yong mga birthday nang mga taong importante sa buhay ko eh hindi naman nagbago. Maliban nalang siguro kung hindi na sya kasama sa listahan ng mga “importanteng tao” sa buhay ng mangyan.

MULTIMEDIA

Eto ang kasabwat ng Media Player, bukod kasi sa audio at video file eh puno rin ng kung ano-ano ang Picture Gallery ko. Kasama rin sa gallery ang iba-ibang likha ng mga sikat ng pintor tulad ni Da Vinci, Michelangelo, Caravaggio, at kung sino-sino pang pintor. Marami ring akong sariling snap-shots ng kung ano-anong bagay. May damo, may isda, merong kuha ng mga kalsada, may school supplies meron pa ngang krismas tri eh. May tasa, merong mga pusa (walang aso, kasi bihira ang aso dito sa Saudi). May mga lagas na dahon, may bulaklak, may puno ng balete, may tinapay. May mga larawang dati ko nang ipinaskil sa aking blog. Punong-puno! Halo-halo.

OFFICE

Wala namang update na kailangan. ‘Yong ibang office file ko (excel, word, powerpoint, acrobat) updated pa naman. Hindi naman ganoon kalaki ang inuukupang lugar sa mobile ko, pero itago ko na lang, madalas kasing kung kelan ko binura eh saka ko naman kakailanganin.


Hhaayy.. nakakapagod rin. Kahit nakaupo lang at panay lang ang pindot eh masakit pa rin sa mata. Masakit rin sa utak kaiisip kung importante o walang kwenta ang laman. Pahinga muna…

7 comments:

Dakilang Islander said...

naks ang ganda naman ng phone mo...

Rio said...

napakaganda naman ng teleponong yan dr.love=) hehe

wag ka ng magtampo sa mga kaibigan mo d2 sa pinas kung hindi ka nila na uupdate sa bagong number nila dahil for sure baka nakuha ng magaling na mga magnanakaw ang kanilang telepono d2 at baka wala silang duplicate ng kanilang phonebuk..

draft: hmm...bakit naman hndi mo na napadala?

"May mga pagbating kung ngayon ko ipapadala ay hindi na napapanahon".

kamusta naman kung merry christmas pa yung pagbati na yun..

calendar: pwede pakilagay ang bday ko dyan para naman mabati mo ako taon taon..at para hindi mo ako makalimutang bigyan ng regalo..lols

buti ka pa dami features ng phone mo...phone ko..talk at text lang features e..=)

Anonymous said...

hitech na celepono.sakin jurassic na eh.

dumaan at nakibasa pare. :)

Si Me said...

d. islander, naks ka dyan, he he he... wala eh, 'yan lang ang nakayanan ng mangyan.. (medyo mahangin 'no?)...isang taong pinag-ipunan yan, isang taong 5riyals lang ang lunch (at nakatulong rin sa diet ko), he he he

doc, kaya dapat may duplicate ang phonebook, kahit na sa maliit na kwaderno lang... bakit draft? naghahanap pa ng makukunan ng lakas ng loob.. he he he... sabi nga ni kuya aiza,"di pa siguro bukas, di pa rin ngayon, malay mo balang araw, ma-send din 'yon..."

sige doc, sama kita sa kalendaryo ko, 'yong regalo?? hhmm.. tingnan natin.

kurisujae, salamat sa pagdaan at pagbasa... hitech, di naman gasino.. kailangan lang sa trabaho..

parang mas ok kung jurassic model, atleast vintage diba...

Lyzius said...

anjan pa ba yung bidyu namin ng mail to order bride sa sementeryo?

Si Me said...

lyzius, uu meron pa ako kopya ng video, pati 'yong joke-joke sa ibabaw ng nitso ng tatay justino..bakit? post natin sa youtube? sigurado hit na hit 'yon.. lolz

Dakilang Islander said...

bumalik ako dahil tina tag kita at kelangan gawin mo...hehehe

http://dakilangbayani.blogspot.com/2008/05/ito-na-ang-tag-mula-sa-ating-magandang.html