Wednesday, 11 June 2008

Manlalaro sa Kalsada: Mr. Pruti-Veggie

Karugtong pa rin ng aking seryeng Manlalaro sa Kalsada.

Kung noong mga nakaraang araw nakilala natin ang mga Moya Baridh Boy o ang mga nagbi-benta ng malamig na tubig sa kalsada, ngayon ay makikilala natin ang isa pa sa mga manlalaro sa kalsada ng Jeddah.

Syempre kung may nagbibenta ng panulak, meron dapat itutulak. At pag-sinabing "tulak", itinutulak talaga.


Sa tabing kalsada ang bentahang ito ng pakwan. Sa tabing kalsada sa gitna ang init ng araw, na sa mga panahong ito eh pangkaraniwan nang antas ng temperatura ang 45°C. Kung dyan sa atin eh ang pakwan na tinda sa initan eh nagiging sanhi ng pag-ihi ng puwet, dito parang ok lang. Para bang habang nasa initan eh mas matamis at mas mapula ang pakwan. Na-try ko na 'to, uu matamis nga.


Bukod sa mga pakwan (SR 0.95 per kilo), meron ring saging (SR 4.00 per kilo), dalandan (SR 2.50 per kilo), plums (SR 6.00 per kilo), kiwi (SR 8.00 per kilo).

Maliban sa mga bungangkahoy, meron ring mga gulay at mga pangsamya. Kamatis (SR 1.45 per kilo), sibuyas (SR 0.99 per kilo), pipino (SR 0.90 per kilo) at marami pang iba.


Kung di mo naman feel ang mamalengke sa init ng araw, walang problema, kasi meron namang mga puwesto sa tabing kalsada pa rin tuwing gabi ang bukas. Bukas ito hanggang may bumibili.
Kumpara sa mga grocery, mas mura ang presyo ng mga bungangkahoy at gulay sa "bangketa". Gaya dyan sa atin, puedeng makipagtawaran, makipagbaratan.

7 comments:

Anonymous said...

pahaba pala ang pakwan diyan. hindi pwedeng ikumpara sa ***** kasi bilugan yun. ahahaha..

naaliw ako sa review mo sa iPhone 3G. ill take it from the pro.

nice!

Anonymous said...

grabe yung mga manlalaro sa kalsada.. ang init-init na naka long sleeves pa sila. naku for sure, ang lakas ng kanilang mga "magic putok" hehehe..

Anonymous said...

wow! 24 hours pala ang shopping ng gulay at prutas dyan...

Dakilang Islander said...

wala bang magtataho din dyan sa daan ng jeddah..heheh

escape said...

hahaha.. 24hours bangketa. at least pwedeng tawad. saya pa rin pala buhay dyan. bukas na ba ang jobi dyan?

Rio said...

24 hours? parang convenient store! ayos!
bat ganun mga pakwan dyan?? ang haahba..akala ko tuloy nung una, upo yan! hehe=)

Si Me said...

KDR, di naman lahat ng pakwan eh pahaba, meron ding bilugan (as in puedeng ***** kasi halos 'yong mga native dito eh ga-pakwan talaga ang *****), pero mas mabenta ang mga pahabang pakwan, kasi bukod sa mura eh matamis talaga..

'yong iPhone 3G review ng mangyan 'yon, review-reviewhan.. he he he

pipita, sigurado namang laging may bunos "magic-putok" kada kilo eh... at 'yong amoy naman eh parang pangkaraniwan na lang kung lagi-laging naaamoy... mmmmhh.. he he he

IFM, uu 24/7 yang mga yan, maliban na lang kung prayer time, kasi compulsary na magsara lahat ng tindahan tuwing prayer time, they pray here 5 times a day.

D. islander, so far wala pa naman akong nakikitang mag-ta-taho dito, pero 'yong nagbibenta ng pink na cotton candy meron... pero this season wala na ata, kasi nga summer super init ngayon dito.

Dong, masaya ng konti pero mas masaya syempre dyan sa atin... sa awa ng Diyos eh sarado pa rin ang Jollibee dito, at ayon sa aking bubuwit eh sa 21 June ang opening, sure na raw 'yon. pero me "raw" pa rin.

doc, akala ko rin noong una eh oversize upo ang mga 'yan, naniwala lang ako na hindi upo noong biyakin, kasi pulang-pula, at hindi puwedeng igisa sa sardinas..