Thursday, 5 June 2008

Manlalaro sa Kalsada: Padyak-Sadik

Gaya nga ng nabanggit ko noong nakaraan entry ko sa "Kalsada", eh sa mga susunod na araw ay ipapakilala ko sa inyo ang mga "manlalaro sa kalsada" ng Jeddah.

Bukod sa nagluluwangang mga kalsada dito, ano pa ba ang laman ng kalsada ng Jeddah. Meron na nga tayong "Water Boy" o ang "Moya Baridh boy" (mga nagbi-benta ng malamig na tubig), mga taxi, mga prebadong sasakyan, at mga pampublikong bus.

Kung akala mo sa Pinas lang merong padyak, mali ka dun.. spaghetti 'yon...

Ipinakikilala: Ang Padyak-Sadik ng Jeddah





Sa larawang ito, medyo delikado talaga, at malakas talaga ang loob ng Pakong ito, kasi sa national highway pumapadyak, nakikipagsabayan sa mga matutuling sasakyan. Kung masagi o "sagiin", sensya nalang ganun talaga ang buhay. Ano ba naman 'yong masagi at tumilapol ng ilang metro, malamang at sigurado bangasan pagbagsak.

Kalimitang mga Indiano, Pakistani, at Bangali ang makikita mo sa kalsadang pumapadyak, pero meron na ring mangilan-ngilang tayong mga kababayang Pinoy na pumapadyak na rin.

Ang pinagkaiba nga lang ng padyak ng tatlong unang nabanggit na lahi eh ang bisikleta ng Pinoy eh maporma (as ever). Pormang hindi mumurahin. Kahit bisikleta lang, makikita mong maayos at maganda ang tindig. Diba, Pinoy na Pinoy. Wala pa akong mailagay ng pichure ng Pinoy sa bisikleta, sabi ko nga mangilan-ngilan lang sila.


UPDATE

Kahapon ng hapon sa aking pag-uwi, na-ispatan ng aking ispay-kamera (feeling XXX) ang isang kabayang ito na naka-bisikleta. Papunta 'to ng baqala (tindahan), sa gilid ito ng aming compound. Alam ko kabayan ito, kasi sa lugar na ito mga Pinoy lang naman ang kadalasang naka-shorts - mapa-loob o labas man ng bahay.

8 comments:

Anonymous said...

omg!! really? may mga pinoy na nagpapadjak dyan? shucks! delikado yun ha. malamang sikat nanaman ang pinoy kung mabalita na isa sa ating kakababayan eh naaksidente sa ganyang klaseng raket.well, wag sana mangyari ang ganun klase na aksidente. knock on wood. pero kilala talaga ang mga pinoy sa pagiging maraket, lahat gagawin para lang kumita. kaya nga proud ako na naging pinoy ako!!

Si Me said...

pipita, uu meron ring mga pinoy na pumapadyak dito, kasi nga bukod naman kasi sa iwas traffic na eh wala pang gagasolinahan, ang risk nga lang e 'yong mapagkatuwaan ng mga katutubo dito na sagiin o worst sagasaan.

pero sabi mo nga likas na madiskarte ang pinoy, kaya wala kang makikitang pumapadyak sa mga national highways dito, kasi kahit naman papaano eh aware ang mga kabayan natin sa mga batas trapiko, at nag-iingat na rin. though hindi naman lahat, meron pa ring medyo may katigasan ang ulo...Pinoy eh, he he he...

escape said...

astig nga sila. sana gawin nila yan dito sa SLEX or sa may commonwealth. at tingnan natin kung aabot pa sila ng 30mins na buhay.

Lyzius said...

marvs sa dubai ganyan din...walang harabas kung magbisekleta o tumawid ang mga lahing yan...feeling ata nila sila ang mad of steel... tas marami rin mga pinoy na nagbibisekleta lalu na yung mga nagtratrabaho sa dubai dry docks...aksheli si papa cologne biteklata rin gamit dati...

tama ka sa obserbasyon mo na japorms ang mga sasakyan ng pinoy.sa dubai alam mo kung kotse ng pinoy kasi tadtad ng mga stickers at mga borloloy sa loob ng sasakyan...only for kabayans!

Rio said...

katakot naman yan..hindi ko kayang mag bike sa ganyang ka delikadong lugar...maglalakad nlang ako kaysa sa mapisa ng mga "humahagibis"(tama b ung term?) na sasakyan...wala akong balak mapisa..=)

Si Me said...

dong, sa SLEX patay tayo dyan.. he he he... dyan naman sa atin kahit naman papaano eh pi-preno o iiwasan, pero dito sasagiin ka talaga..

lyzius, uu nga, maburloloy talaga ang mga Noypi, sama mo sa sasakyan ang sadamakmak na stufftoys, at pabitin... yan siguro ang wala ang ibang lahi, creative tayo..

WKSS (walang-kinalaman-sa-subjet): ano nagkita-kita na ba kayo ng ehds?

doc, tama 'yong term "humahagibis".. 'yong isang term na "mapisa", he he he parang ipis na naapakan ng tsinelas.

Dakilang Islander said...

makakaya pa ba nakabisekleta lang...sobrang init na ata dyan di ba?

Si Me said...

d. islander, kaya pa naman siguro.. ano ba naman 'yong 40°C.. he he he..uu sobra init na ngayon dito, pati hangin mainit na rin, at sa hapon eh para na lang laging mag-sa-sandstorm.